Andrew Wolff laughs off rumored relationship with radio-TV host Mr. Fu

IMAGE 0


"Ang masasabi ko lang sa mga taong nagsasabing, 'Ay, sila na!' ganun, makitid ang utak nila. Kasi hindi foul ang maging friend ang lalaki at bading. Hindi porke magkaibigan ang isang bading at isang lalaki, sila na," says Andrew Wolff on his friendship with Mr. Fu.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrew Wolff noong Lunes ng hapon, July 4. Nasa graduation kasi siya ng celebrities na nagtapos ng Culinary Arts Fundamentals Program sa Cuisinier Brasserie Studio sa Timog.

Kasamahan ni Andrew under Noel Ferrer's management ang mga graduate na sina Marco Alcaraz, Rainier Castillo, Luis Alandy, Edgar Allan Guzman, at Lucky Mercado.

Pati ang girlfriend ni Marco na si Precious Lara Quigaman na kahit hindi alaga ni Noel ay nag-enroll din at nakatapos sa naturang culinary class.

Andrew also enrolled pero hindi siya naka-graduate dahil hindi niya nabuo ang sessions for the said class.

"A, gawa ng busy sched sa negosyo. So, iyon," pag-explain niya.

May distribution business ng health and wellness products kasi si Andrew.

"'Tsaka naglipat kami ng office during the time na ini-start ito, so unfortunately hindi ako nakasama dito.

"Naka-attend po ako hanggang sa pangalawa, and then after that yung pangatlo.

"Kumbaga, iyon yung pinakaimportanteng session kasi we learned everything sa third session. And then sa fourth, ang practicals na ang gagawin.

"E, yung third session pa lang I missed it, four po yun. So, sabi ko, 'mahirap na, next time na lang.'

"Maybe next year kung gagawin ulit ito ni Noel, kung ipa-ano [i-offer] niya ulit yung ganitong course."

NEW MANAGER. Bakit siya lumipat kay Noel at umalis kay Neil de Guia na dati niyang manager?

"A, basta iyun. Wala naman kaming problema ni Neil, ayos naman kami," mabilis niyang sagot

Maayos ang paghihiwalay nila?

"Maayos. Maayos. Walang pag-aaway. Walang isyu.

"Siguro, ayokong magsalita ng ano, there's nothing wrong sa paghihiwalay namin as manager-talent.

"So iyon, wala, wala. Maayos naman."

Si Mr. Fu ang parang naging instrumento daw ng paglipat niya kay Noel. Tinanong kasi ito ni Andrew.

"Oo. Isa sa mga factors. Sinabi ni Mr. Fu na magaling si Noel. "Friend ko si Mr. Fu, so sabi ko, 'O sige, why not kay Noel na lang?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've heard a lot of good things about Noel Ferrer, kahit noon pa. Tapos nilapitan ko, sabi ko, 'Okay po ba?'

"Sabi niya, 'Oo sige, basta wala ka nang tie-up sa ibang management, puwede na sa akin', iyon."

LOVER BOY. Crush daw ni Mr. Fu si Andrew. May biruan nga na dahil hindi naipagpatuloy ni Andrew ang culinary class niya kaya hindi na rin ito itinuloy ni Mr. Fu.

"A, talaga? Hindi ko po alam 'yan. Unfortunate na hindi ko tinuloy yung course kasi, yun nga, may business ako. Friend ko si Fu."

Alam niya na crush siya ni Fu?

"A, oo!" ang tumatawang sagot ni Andrew.

Paano niya nalaman?

"E, sinabi nila, e!" natatawang sagot ng hunky actor.

First reaction niya nang malamang crush siya ni Mr. Fu?

"Flattered naman. Flattering naman siyempre.

"Pero si Fu, naging friend namin ni Jon Avila [na close friend ni Andrew] yun sa P.O.5 days pa lang. So iyon. Sa dressing room, kuwentuhan.

"Yung si Mr. Fu naman sobrang kagalang-galang na bading. I mean marespeto.

"Well, oo, nagdyu-joke 'yan sa mga interviews, but as a person sobrang bait niya, hindi mapagsamantala."

Si Jon ay inili-link kay Vice Ganda, si Andrew naman ay kay Fu.

"Well, wala akong pakialam kung ano ang iniisip ng iba kasi walang malisya sa friendship namin.

"In fact, ang office ko ay malapit sa... next bulding sa 103.5 FM [radio station ng TV5 na kung saan may programa si Mr. Fu].

"Malapit din ang condo ni Fu doon. So, talagang minsan naglalakad si Fu sa Ortigas, 'Uy, Fu!'

"Kasi madadaanan niya yung office namin. Nasa Emerald Avenue ako, so hindi maiiwasan na minsan, mag-coffee kami, kuwentuhan, ganun. But walang malisya.

"Ang masasabi ko lang sa mga taong nagsasabing, 'Ay, sila na!' ganun, makitid ang utak nila. Kasi hindi foul ang maging friend ang lalaki at bading. Hindi porke magkaibigan ang isang bading at isang lalaki, sila na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano pag dumating ang time na sabihin ni Fu na may gusto ito sa kanya? Ano ang magiging reaksiyon niya?

"Sorry, bawal ang incest!" tumatawang sagot ni Andrew dahil 'magkapatid' nga sila ni Fu sa manager nilang si Noel.

"Hindi, as far as that goes, lalaki ako. So yun, lalaki po ako.

"Maybe kung naging babae siya at maganda!" muling natawa si Andrew.

"Kasi yung ugali, kung ugali, si Fu ang bait no'n. At saka matalino si Fu. Pero yun, babae ang gusto ko, e."

Ginagawa ngayon ni Andrew ang pelikulang Private Benjamin ni Vice Ganda for Viva Films.

"Kakatapos lang ng Lucky Numbers namin sa TV5 two weeks ago, and then inaayos ni Noel yung next project ko," sabi niya.

PHILIPPINE VOLCANOES. Hinihiling ni Andrew na sana ay suportahan ng publiko ang Philippine Volcanoes, ang National Rugby Union Team ng Pilipinas.

Kabilang sa mga kasaping squad ang mga Filipino-Australians na sina Jake Robrigado Letts, Ned Plarizan Stephenson, Oliver Joseph Abalos Saunders and Chris Alamil Everingham.

"Isa po ako sa original members. Member po ako since 2007. Silver medalist po kami noong Southeast Asian Games last 2007," pagmamalaki pa ni Andrew.

Kabilang sa achievements ng Philippine Volcanoes ang pagiging 2009 and 2010 Back-To-Back Champions sa Asian Junior Rugby Division 2; at 2008, 2009 and 2010: Gold Medal at the Asian 5 Nations Division 4, 3 and 2.

"We will go to China next month, to Malaysia in September and Thailand sa October," proud na kuwento ni Andrew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN