Regine Angeles denies she's the third party in Jake Cuenca-Melissa Ricks breakup

IMAGE 0


"Actually, bihira ko makita si Jake. Nakita ko lang siya once. A month ago sa Republiq. And that's it. I don't even know his number. He doesn't even know my number. He doesn't even text me. I don't know where they got that. Biglang sumulpot na lang na parang kabute," says Regine Angeles on issue naming her as the third party in the Jake Cuenca-Melissa Ricks breakup.


Regine Angeles ranked No. 55 last year in the FHM 100 Sexiest Women of the World. This year she advanced to No. 19.

"It's so much better now," said Regine when PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) had the chance to interview her during presscon of FHM 100 Sexiest at Midas Hotel last July 2.

"The reason why I posed for FHM, kasi majority of people, hindi nila ako kilala. They would see me, but they don't know my name.

"Then with FHM, they did the part to tell my name. People would say, 'A, you're Regine pala. We don't know your name but we see you in TV.'

"So, that's the number one reason.

"Now, when I go out, people would say my name na. At yun ang magandang naidulot sa akin ng FHM. I'm really thankful for that."

Ang laki ng itinaas ng ranking niya.

"Nag-cover lang ako kaya siya tumaas. Pero sana pala, kinarir ko rin!" natatawa niyang sabi.

Feeling ni Regine, blessed daw siya na kahit kumain siya ng marami, hindi pa rin siya tumataba.

"I guess, it's in my genes. I'm really blessed that I hardly gain weight.

"Sometimes I even have to take supplements for me to gain weight. Kasi kapag sobrang puyat, lalong pumapayat and it doesn't look healthy.

"Before, my doctor even thought that I have hypothyroidism. Because I eat a lot but I don't gain much weight."

FREELANCER. Hindi exclusive si Regine to any network. Kahit may regular show siya sa TV5, ang Iskul Bukol, hindi raw siya nakatali rito.

"I'm a freelancer right now and I don't have any network. Kung sino ang gustong magbigay sa akin ng project. I am thankful," sabi niya.

"I'm a freelancer. Para kahit saang istasyon, puwede ako. Nagtatrabaho ako sa iba't ibang istasyon.

"Kaya lang, parang walang umaangkin sa akin. Para akong kabit no'ng tatlong istasyon!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Frustrated ba siya sa gano'ng sitwasyon?

"Hindi naman. Kasi, hindi naman ako nawawalan ng trabaho.

"Yun lang naman ang importante sa akin, e, yung may trabaho ako.

"Pero siyempre, mas masaya rin yung may umaangkin sa 'yo. Yung may nagtuturing na ano sa 'yo.

"Yung mamahalin ka talaga nang bongga as an artista. At mamahalin ang talent mo."

Marami rin naman daw siyang talent. She can do drama, comedy, pero hindi nga raw yata maiiwasan na ang impression sa kanya ng iba ay pagpapa-sexy lang ang kayang gawin.

"Kasi ang hirap kasi sa atin. Kapag nakikita ka, 'Ah, maganda lang 'yan. Maganda ka lang, matangkad, model.'

"Pero sana i-explore naman nila kung ano ang kakayahan ng isang artista.

"Don't judge the book by its cover. Dahil hindi porke't maganda ka, yun na yun.

"Marami akong kayang gawin. Hindi n'yo kasi ako ine-explore. Kaya hayun."

RETOKADA. Si Regine ang female winner ng Be Bench Model Search kasama ni Carl Guevara na nanalo naman sa male category.

Sa dami ng magaganda at sexy ngayon, parang hindi na malaman kung sino ang retokada at natural ang ganda.

"Ang opinyon ko sa mga retokada, kasi, kanya-kanya namang ano [desisyon] 'yan.

"Kung may mga taong satisfied sa mga hitsura nila, wow, bow na bow ako sa 'yo.

"Pero there are days na parang, 'Ang chaka ko. Parang gusto kong ipagalaw 'to. Ipagalaw yun.'

"Pero iniisip ko, sasabihin ng nanay ko, 'Pagdating ng araw ng paghuhukom, tatanungin sa 'yo ni God, who are you? I don't know you.' Gaganunin ka raw ni God. Sabi ni Madir sa akin!" natatawa niyang sabi.

"So, parang ako, okay!"

Ano naman ang gusto niyang iparetoke if in case?

"Minsan, gusto kong ipa-ano ang tainga ko. Tapos yung mukha ko, nalalakihan ako kung minsan sa TV. Gusto kong magpa-inject ng kung anu-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, naiisip ko, bata pa 'ko. Saka na lang kapag matanda na. Yung mga ganoong factor.

"Yung iba nagugulat nga pag sinasabi kong, 'I'm turning 26.' Sabi nila, 'Magtu-26 ka na pala, akala ko, 24 ka pa lang.' Charing!" tawa niya ulit.

"Mukha raw kasi akong bata."

JAKE-MELISSA BREAKUP. Sa breakup nina Jake Cuenca at Melissa Ricks ay nadawit ang pangalan ni Regine. Sinasabing siya raw ang third party na nakagulo sa relasyon ng dalawa.

Pero aniya, "Hindi ko nga alam kung saan napupulot yun. Parang ako, bigla akong nahiya.

"Parang, bakit naman ako nadamay sa kanila? Nahiya naman ako kina Melissa.

"At saka, minsan tinatanong ako ng mga bagay na wala naman akong karapatang sagutin, bilang hindi naman ako involved.

"Ano raw ang mapapayo ko sa dalawa? Sabi ko, 'I'm not the right person to ask, kasi wala talaga akong masasabi.'

"Unang-una, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila at hindi naman kami close.

"Hindi ko talaga alam kung bakit may mga lumalabas na ganyan. Nahiya talaga ako."

Dagdag ni Regine, "Actually, bihira ko makita si Jake. Nakita ko lang siya once. A month ago sa Republiq. And that's it.

"I don't even know his number. He doesn't even know my number. He doesn't even text me.

"I don't know where they got that. Biglang sumulpot na lang na parang kabute."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN