Rainier Castillo welcomes StarStruck batchmate Nadine Samonte to TV5

IMAGE 0


Young actor Rainier Castillo is one of the celebrities who received certificates after finishing Culinary Arts Fundamentals Program at Cuisinier Brasserie Studio last July 4.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rainier Castillo sa graduation ng celebrities na nagtapos ng Culinary Arts Fundamentals Program sa Cuisinier Brasserie Studio, Timog Ave., Q.C. last July 4, Lunes.

Isa si Rainier sa celebrity graduates along with Marco Alcaraz, Luis Alandy, Edgar Allan Guzman, Lucky Mercado; pati na rin ang girlfriend ni Marco, ang dating Miss International na si Precious Lara Quigaman.

High school graduate si Rainier, at ito ang pinakabagong achievement niya sa buhay.

Masaya ang First Prince ng StarStruck Season 1 dahil kahit hindi raw college graduation, at least ay para na rin daw siyang naka-graduate sa college sa pagtatapos niyang ito sa culinary school.

"Yun nga, na at least graduate, kahit hindi college.

"Masaya kasi hindi ko naman talaga ginagawa ang magluto. Ang ginagawa ko lang pag nasa bahay ako, kumain, e!

"Ngayon, puwede ko nang maipagmalaki sa family ko na kahit paano, marunong na akong magluto," umpisang kuwento ni Rainier sa PEP.

RELUCTANT COOK. Noong una ay ayaw pa sana niyang mag-take up ng culinary class.

"Oo, kasi talagang hindi ako into cooking talaga, ayoko, e.

"So, tapos yun, habang tumatagal na, sabi ko, okay naman pala, madali lang naman pala, kaya ayun."

Rainier was awarded "Best Fish Monger" (o pangangaliskis ng isda) & Turtle Man (slowest).

"Ano 'yan, pinakamagaling magtanggal ng kaliskis, yung sa fillet."

E, ang Turtle Man award niya?

"Hindi, ang pagkakaka-ano ko doon, siguro ako lang yung pinakamabagal sa pagluluto, kasi parang ano 'yan kasi, gusto ko dahan-dahan kasi mamaya kapag binilisan ko, baka magkamali kaya dapat dahan-dahan.

"May pagka-metikuloso kasi ako," paliwanag niya.

Ano ang specialty niya?

"Na dish? Ang masasabi ko lang, e, yung Fish Normandy [with Mussels and Shrimp served with Rice Pilaf], yung kinain ninyo.

"Iyon kasi ang pinakauna kong niluto nung nag-exam kami tapos okay yung lasa niya, okay ang pagkakaluto niya. So, iyon ang specialty ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

His next step towards being a chef?

"Ano siguro, pag-aaralan ko muna or ipapraktis ko pang mabuti sa bahay para... Hindi, kasi pagka nagluto ako, minsan kailangan ko pang isipin kung ano yung mga next steps, e. So, pag medyo nagamay ko na, 'tsaka siguro ako lilipat sa ibang step or level naman.

"Kumbaga, praktis muna. Kasi kumbaga, marami-rami din, mga 12 dishes ang ipinaluto sa amin dito, e, iba't ibang soup, 'tsaka iba't ibang mga entrée, mga ganun."

Sa isang session nila, naging hero si Rainier kay Mr. Fu na kaklase niya, although hindi naka-graduate si Mr. Fu dahil hindi nito nabuo ang mga sessions dahil sa busy schedules.

Nahiwa kasi si Mr. Fu at nagdugo ang sugat nito na naging sanhi para mag-panic ang radio and TV host at mahilo.

"Oo, kasi namutla siya talaga, parang nag-ano daw, namuti daw paningin niya kasi nahiwa siya habang naghihiwa siya ng gulay.

"Tapos, ayun, nung nahiwa siya, nahilo siya, namumutla na labi niya. Ako na yung umalalay sa kanya at naglabas sa kusina."

NADINE SAMONTE. Ka-batch ni Rainier sa StarStruck si Nadine Samonte na nasa TV5 na rin via the soap opera The Sisters.

Hindi pa raw sila nagkita pero masaya si Rainier na nasa Kapatid network na rin si Nadine.

"Siyempre ano, masaya ako kasi meron na akong ka-batchmate na nasa 5 na rin."

Si Nadine pa lang, after Rainier, ang StarStruck graduate ng Batch 1 na nasa TV5 na rin.

Napapanood si Rainier sa Lokomoko U at Hey, It's Saberday!.

Kasama rin siya sa upcoming action series na Utol Kong Hoodlum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN