Angel Locsin relates disappointment over stolen shot of her and Phil Younghusband's "sweet moment"

IMAGE 0


"Sinabi ko sa kanya, na parang, 'Kung sa iyo mangyari 'yan, na you're not working and then hindi mo alam, kinunan ka, siyempre medyo off yun. Kasi kaibigan ang tingin ko sa 'yo. Sinabi mo sa 'kin, kaibigan kita, puprotektahan mo 'ko, di ba?' Yun naman ang sa akin. Nag-apologize naman and na-gets ko rin naman yung point niya and she's really nice," says Angel Locsin about the lady reporter who came out with her and Phil Younghusband's stolen shot during th


Parehong itinanggi nina Angel Locsin at Phil Younghusband na gimik lang ang palagiang pagde-date nila para sa bago nilang TV commercial.

Kalalabas lang kasi ng bagong Century Tuna TV commercial kung saan magkasama sina Angel at Phil. Ang 23-year-old Filipino-British football star ang bagong endorser ng nabanggit na canned tuna brand na matagal nang iniendorso naman ni Angel.

Dahil dito, iniintriga tuloy na gumigimik lang sina Angel at Phil na aminadong "exclusively dating" para nga raw pag-usapan ang bagong TV commercial nila.

"We're aware na may ganung speculations, but hindi naman kami magkakaroon ng teleserye. Hindi naman 'to gagawa ng pelikula, so, what's the point?" ani Angel matapos na ituro ang katabing si Phil, habang kausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng entertainment press na inimbitahan para sa post-presscon interview sa kanila kahapon, July 7, sa Hotel Intercontinental Manila, Makati City.

"Ako, sa ka-loveteam ko, never akong gumawa ng ganung gimik. Papaano pa kaya sa totoong buhay?" dagdag pa ng 26-year-old na aktres.

Sinabi rin ni Phil na wala siyang intensiyong mag-artista't ini-enjoy lang niya talaga ang mga panahon na magkasama sila ni Angel. Desisyon niya rin daw na gawin ang commercial dahil trabaho raw ito.

"It's part of work. And it's part of promoting football, as well. And I've done other commercials with other people. But I would say this one is special because it's with Angel," sabi naman ni Phil.

CAREFUL WITH THEIR STATEMENTS. Hanggang ngayon nga ay tahasang sinasabi nina Angel at Phil na hindi pa sila magkasintahan. Sa ngayon daw kasi'y ini-enjoy pa nila ang kasalukuyang estado nila na "exclusively dating."

Hanggang doon lang daw muna ang puwede nilang sabihin tungkol sa estado nila't maingat din daw sila sa mga pahayag tungkol sa kanilang dalawa.

"Mahirap kaming mag-share. Marami kasing haka-haka, di ba? Kagaya nga nung sinasabing... may ibang speculations, na kesyo gimik, ganun...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang... kailangan pa ba namin yun? Hindi naman sa pang-aano, pero hindi. Never kong ginawa yun," sabi pa ni Angel.

UNFAIR TO SAY ANYTHING ABOUT EX. Ayaw namang magsalita pa nang husto ni Angel nang tanungin tungkol sa nai-tweet niya kamakailan tungkol sa isang ex na kinaiinisan niya't binantaan pang ibubulgar kapag hindi siya tinigilan ng kaka-text, pag-stalk at pag-away sa kanya. (CLICK HERE for related article.)

Kahit na walang diretsang pahayag mula kay Angel kung sino ang pinatutungkulan niya, isang tweet naman mula sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano ang lumabas na humihingi ng patawad sa aktres para sa "harsh words" niya rito.

Nabuo tuloy ang sapantaha ng karamihan na si Luis nga ang pinatutungkulan ni Angel.

Tinanong si Angel tungkol dito.

"No, no. Honestly ayokong pag-usapan kasi unfair din naman para sa kanya."

Hanggang doon na lang ang nasabi ni Angel tungkol sa kinainisang ex at hindi na nga nagsalita pa dahil wala nga naman sa lugar at oras na iyon ang taong involved.

"But, ako kasi, buhay ko 'to. My life, my happiness, and right now alam naman ni Phil na I'm happy.

"Alam mo yun, yung parang... Gusto lang siguro naming i-cherish ang moment na ito kasi ang tagal ko rin namang hindi na-experience yung ganito and siya [Phil] rin naman.

"So, steady lang kami. Masaya lang kami when we're together talaga."

Sang-ayon naman si Phil sa sinabi ng babaeng kasalukuyang espesyal sa kanya't itinuturing pa niya ngayon na kanyang lucky charm.

Dahil daw kasi kay Angel kaya siya inspirado sa nakaraang game nila ng Philippine Azkals kontra sa Sri Lanka. Naka-score ng dalawang goal si Phil nung araw ng laban, kung kailan nanonood din nang live si Angel.

"Angel knows how I feel and right now it's working well when it's just between us, and I love the feelin'...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The important thing is Angel knows how I feel, and I think that's all that matters to me," pahayag pa ni Phil.

OFFENDED BY A LADY REPORTER FRIEND. Pero kamakailan ay napabalitang sumama muli ang loob ni Angel nang lumabas sa ilang news programs ang isang candid shot ng paghalik ni Phil kay Angel sa Philippine Azkals victory party nung July 3, Linggo, sa Robot Bar sa Makati.

Tinanong si Angel tungkol dito at inamin ng aktres na sumama nga ang loob niya sa paglabas ng panakaw na kuha ng "sweet moments" nila ni Phil.

Sumama ang loob ni Angel dahil bukod sa hindi napagbigyan ang pakiusap niyang huwag na silang sundan ni Phil at kunan pa sa party ay kaibigan pa niya ang lady reporter na naglabas ng footage.

May pagdadalawang-isip pa si Angel habang maingat na sinasagot ang tanong tungkol sa pagsama ng loob niya sa pagpapabalabas ng dapat sana'y private moment nila ni Phil.

Sa buong pagsagot ng aktres ay hindi nito binanggit ang pangalan ng lady reporter.

"Sa akin ano, kung kaibigan kasi, parang, siyempre medyo off naman kung... Tama bang dini-discuss ko 'to?

"Well, tutal natatanong nyo 'to, siguro nag-out na rin, siguro nagkuwento na rin, di ba?

"Sa akin kasi, kung kaibigan, parang medyo hindi lang siguro fair na magtago ng kamera sa iyo, di ba? Yun ang sa akin...kung kaibigan.

"Kung hindi mo naman kaibigan, maiintindihan ko naman kasi it's work.

"Pero kung kaibigan mo, tapos nagpaalam na sa iyo, akala mo umalis na. And then, may camera pala do'n, di ba?

"I'm not saying na bad yung intention, pero siyempre, parang... 'Ay, meron palang ganito!' na nakatutok sa amin, habang nandudon kami sa place na iyon.

"Baka ano lang din, baka ma-misinterpret ng mga tao. Yun lang ang sa akin. I think meron din naman akong point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sino naman sa atin...kukunan ka ng hindi mo alam, medyo off naman. Lalo na kung kaibigan mo.

"Pero ano naman, okey na naman. Napag-usapan na namin.

"Siguro ano lang, siguro hindi lang nagkaintindihan or ano."

Kinausap niya raw ang reporter at diretsong sinabi rito ang sama ng loob na naramdaman niya rito.

"Sinabi ko sa kanya, na parang, 'Kung sa iyo mangyari 'yan, na you're not working and then hindi mo alam, kinunan ka, siyempre, medyo off yun. Kasi kaibigan ang tingin ko sa 'yo.

"'Sinabi mo sa 'kin, kaibigan kita, puprotektahan mo 'ko, di ba?' Yun naman ang sa akin.

"Nag-apologize naman and na-gets ko rin naman yung point niya and she's really nice.

"In all fairness naman sa kanya, she's not bastos kausap. She's really nice talaga. At nag-apologize siya.

"Nagkita pa kami the next day, nag-'hi!' pa siya sa 'kin."

Maayos na raw sila uli ng reporter matapos na mag-apologize ito.

Maski si Phil ay nagulat din daw na lumabas pa sa TV ang—sa paliwanag nga ni Angel—simpleng halik sa pisngi. (CLICK HERE to watch video interview of Angel and Phil).

"Yeah. We weren't aware of the camera and got surprised when we saw it."

Aminado si Phil na nag-a-adjust pa siya sa celebrity status niya ngayon at panghihimasok ng media sa mga aktibidades niya, lalo na sa kanila ni Angel.

"We have good people to help us. But I'm concentrating more on the football, at the moment, I'm trying to focus on that rather than thinking of things outside.

"But me and Angel, we have good people around us to help us and be there for us."

Malaki rin daw ang naitutulong ni Angel sa pagbibigay ng advice nito kung paano harapin ang atensiyon na nakukuha niya ngayon.

Ani Phil, "This is quite new for me and Angel is used to this. So she gave me advice when I needed help. She's helping me and everyone else."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN