Paolo Contis says "mutual respect" solidifies his friendship with Manny Pacquiao

IMAGE 0


"Kapag magkasama kami sa set, nakikita niya na hindi naman ako katulad ng iba. Nakikita niya na I'm good with my staff as he is with his staff. Yung mga tao niya, nakikita niya. I think, that's what he saw," says Paolo Contis about his closeness to Manny Pacquiao.


Isa si Paolo Contis sa magiging co-host ni Manny Pacquiao sa kanyang bagong game show sa GMA-7, ang Manny Many Prizes.

Ayon kay Paolo, one hour and a half ang show, na magsisimula nang mapanood sa July 16. May ilang portions na sila ang magho-host ng iba pa nilang mga kasamahan na sina Rhian Ramos, Isabelle Daza, Onyok Velasco, at Gladys Guevarra.

Kasama rin si Paolo sa dating sitcom ng Pambasang Kamao with Marian Rivera, ang Show Me Da Manny. At ngayon nga ay isinama siyang muli ni Manny sa kanyang bagong show.

Sa palagay ng iba ay napalapit na si Manny kay Paolo kaya personal choice pa rin siya nitong makasama sa kanyang game show.

Ano ang masasabi ni Paolo dito?

"Masaya. Kasi nga, matagal na rin niyang sinasabi sa akin na, 'May gagawin tayo.'

"Noon pa lang, sinasabi na niya sa akin na, 'May gagawin tayong show, tayo ang magho-host.'

"So, ako naman, 'Sige po, sige po,'" banggit ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa launching ng Manny Many Prizes.

Dagdag pa ng aktor, "Maraming tao ang nagre-request na makasama siya [Manny]. Maraming co-actors na nagre-request na makasama siya.

"Alam ko na kung kaya niyang i-entertain, ie-entertain niya. But again, kung sa dami ng puwede niyang i-entertain, ako ang isa sa na-prioritize niyang i-entertain, malaking bagay yun."

Hindi na rin bago kay Paolo ang pagiging host ng game show. Nanghihingi rin ba ng pointers sa kanya si Manny bilang bago naman dito ang pagiging game show host?

"Wala naman, wala naman. Palagi lang niyang sinasabi sa akin na, 'Ikaw na ang bahala. Ikaw na ang bahala kapag lumalaylay.'

"Alam na niya yun. Alam na namin yun kung ano ang gagawin sa isa't isa.

"Siguro, isa yun sa naisip ng GMA. Hindi para barahin kung hindi para makapagbiruan kay Manny."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa palagay niya ang meron sa kanya na dahilan at napalapit siya nang husto kay Manny?

"Alam mo kasi, nakita niya na matulungin din ako. Nakita rin niya.

"Siguro isa yun sa mga bagay na nakita niya sa akin.

"Kapag magkasama kami sa set, nakikita niya na hindi naman ako katulad ng iba.

"Nakikita niya na I'm good with my staff as he is with his staff. Yung mga tao niya, nakikita niya.

"I think, that's what he saw.

"Hindi rin naman marami ang common denominator namin.

"Marami ang pinagdaanan niya. Ako, nag-artista lang.

"I think, it's the mutual respect na meron kami sa isa't isa at naging importante yun sa kanya."

Nararamdaman ba niya na may Kapuso stars who would want to be on his shoes right now?

"Hindi ko naman alam kung ganoon. I'm doing my job as a host now. I'm just being a friend to Manny," sagot ni Paolo.

Bilang kaibigan, nandoon din ba sa kanya yung limitasyon when it comes to his actions and words, na baka may magawa siya that could offend Manny?

"Wala, walang ganoon," mabilis niyang sagot.

"Nasa pagkatao mo na yun. Kahit naman sino, kahit hindi mo ka-close ang isang tao, you would know if you're gonna offend the person. Kahit sino pa siya.

"Masarap kasama 'yan... Ikaw mismo alam mo na yun para hindi ka mailang. Alam mo na kung hanggang saan.

"You respect him for who he is at the same time. Pero without letting him feel na ilang ka sa kanya, pero tao 'yan, e.

"Masuwerteng-masuwerteng tao at napakabait na tao. Pero ayaw niya ng ganoon na napi-feel niya na ang ilang mo," saad niya.

Isa si Manny sa magiging ninong ng ikalawang anak nina Paolo at Lian Paza na si Xalene Abriana. Posibleng sa September na raw ang binyag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Manny, sino pa ang ibang godparents na kukuhanin nila for Xalene?

"Siya pa lang... si Ogie Alcasid, Marian Rivera, silang tatlo pa lang.

"Actually, meron na kaming listahan, kaya lang hindi pa namin nasasabi sa iba.

"Ayoko namang magulat sila, ma-pressure sila na mag-ninong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN