Rocco Nacino on being next in line after Aljur Abrenica: "Wow!"

IMAGE 0


"Masaya ako na kahit yun [lang] ang naabot kong place sa StarStruck, I got to land a lead role sa teleserye... My first was Koreana, at ito yung pangalawa ko, and I feel blessed. Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko, kaya ko ang ganitong hamon, at kakayanin ko pa," says Rocco Nacino.


May kinalaman sa "sayaw" ang dalawang upcoming projects ni Rocco Nacino—ang indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at ang danseryeng The Time of My Life.

Kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival this year ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na idinirek ni Alvin Yapan.

Kasama ni Rocco rito ang kapwa niya StarStruck alumnus na si Paulo Avelino at ang seasoned actress na si Jean Garcia.

Para sa pelikulang ito ay kinailangan mag-aral ni Rocco at ng kanyang dalawang co-stars ng ballet, jazz, at contemporary dance sa artistic director ng Team Dance Studio na si Eli Jacinto.

Kuwento ng young actor, "Nag-ballet class kami, three weeks... Mga three weeks kami inabot bago kami natutong magsayaw nang maganda ng jazz, ballet, tsaka contemporary dance."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling press si Rocco sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center at Men's Health kahapon ng tanghali, July 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Nanibago raw si Rocco noong una sa ganung klaseng sayaw dahil hip-hop ang madalas niyang sinasayaw sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

THE TWIST. Sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ay "love triangle with a twist" ang roles na ginagampanan nina Rocco, Paulo, at Jean.

Ang "twist" na ito ay may kinalaman sa love angle sa pagitan ng roles nina Rocco at Paulo.

Paano siya napapayag na tanggapin ang ganitong klaseng role sa una pa man din niyang pelikula?

"Binasa po namin yung script, e... Maganda yung role para sa akin.

"So, binasa po yung script, sa tingin ko kaya kong i-deliver yung role na 'yon

"'Tsaka madami raw akong matutunan do'n, 'tsaka it will show a different Rocco," saad niya.

May intimate scenes ba siya with Paulo in this movie?

"You have to see it," pambibitin na sagot ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa film po, gusto ipakita ni Direk na puwede sila mag-showcase ng gay film na hindi na kailangang maging intimate, walang gano'n, pero they can show it through dance. That's what we did.

"Marami po kaming scenes na sumasayaw po kami [ni Paulo]... Tatlo ang sayaw namin na gano'n. Kasama na do'n yung highlight na sinasabi po ng director namin."

So, open na siya sa gay roles?

"Open po, kasi I just did one!" natatawa niyang sabi.

Up to what extent?

"Mapapag-usapan naman po."

Love scene?

"Hindi pa po siguro ako ready sa gano'n."

Nag-e-expect ba siyang makakuha ng award sa Cinemalaya Awards Night para sa kanyang performance sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa?

"Nung napanood ko po yung trailer ng ibang films, hindi!" natawa niyang sabi.

"Ang gaganda po, e. I'm just hoping na mag-standout yung sa amin.

"Kahit ma-nominate po, it will be a big thing for me kasi first time ko."

Pero masasabi raw niyang acting piece ang role niya sa kanyang unang pelikula.

"Kasi through this film, nalaman ko na mahirap palang maging subtle, na walang exaggeration. Very natural talaga.

"Sabi po sa akin, in indie movie, the more subtle you are, the more they recognize you."

Magkakaroon ng gala premiere ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa sa July 22 sa Cultural Center of the Philippines.

ANOTHER LOVE TRIANGLE. Kung sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ay ka-love triangle si Rocco nina Jean at Paulo, sa danserye namang The Time of My Life ay ka-love triangle siya nina Mark Herras at Kris Bernal.

Ayon nga kay Rocco, parang continuation lang ito ng role nila ni Kris sa dating afternoon soap nilang Koreana.

"Kasi yung role ko, happy-go-lucky na kababata niya, na soon I will fall in love with her. Tapos makikilala niya si Mark, magseselosan kami, mag-aaway kami," paglalarawan ni Rocco sa kanyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Koreana, ang naging ka-love triangle nina Rocco at Kris ay si Steven Silva.

Bakit tila puro love triangle ang napupunta sa kanyang role? Maging sa unang acting project niya na Gumapang Ka Sa Lusak ay ka-love triangle siya nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

"Siguro po ganun po talaga sa umpisa!" natatawang sabi ni Rocco.

THE REAL WINNER? Ayon kay Rocco ay sa August 1 na ang target airing ng pilot episode ng The Time of My Life.

At dahil karamihan ng kasama niya sa cast ay mga kasamahan din niya sa "Sayaw Pilipinas" segment ng Party Pilipinas, masaya raw ang pagtatrabaho nila.

Kasama rin sa cast ng The Time of My Life ang mga ka-batch ni Rocco sa StarStruck V na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, at Diva Montelaba.

Sina Steven at Sarah ang itinanghal na ultimate survivors sa naturang artista search, pero sa kanilang lima ay hindi maipagkakailang si Rocco ang nabibigyan ngayon ng mas magagandang projects.

Sa katunayan, sa The Time of My Life ay lead role si Rocco kasama sina Kris at Mark.

Sa nangyayari ngayon sa kanyang career, kung ikukumpara sa kanyang mga kasabayan, iniisip ba ni Rocco na siya ang dapat na nanalo at hindi Second Prince lang?

"Hindi ko na po iniisip 'yon," nakangiti niyang sagot.

"Ang iniisip ko, yung present time.... Tapos na yung dati, tapos na yung contest."

May feeling ba siya na mali ang naging resulta ng StarStruck noon?

"Hindi rin po... ganun po talaga. Fate had it happen. Pero ang importante po, I got to where I am now," sagot ni Rocco.

Hindi ba siya nakakaramdam ng selos mula sa kanyang batchmates?

"Wala... Actually, during the storycon, we were all happy about our roles. At kino-congratulate namin ang isa't isa.

"Masaya ako na kahit yun [lang] ang naabot kong place sa StarStruck, I got to land a lead role sa teleserye... My first was Koreana, at ito yung pangalawa ko, and I feel blessed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko, kaya ko ang ganitong hamon, at kakayanin ko pa."

Maging sa listahan ng "Next Big Thing" ng YES! noong April 2011 ay tanging si Rocco lamang ang nakasama among the StarStruck V graduates sa pinangalanan mismo ng GMA-7 executives. Isang patunay kung gaano kalaki ang tiwala ng Kapuso network sa kanya.

Ano ang masasabi ni Rocco dito?

"Nakakatuwa po kasi I get to see my face on the magazine, binabanggit po nila ako. Magaganda po yung comments nila Ma'am Lilybeth [Rasonable, VP for Drama] saka Ma'am Ida [Henares, VP for Talent Development and Management] sa akin.

"Pero may kaba pa rin kasi they expect a lot. Kasi if they say those things about me, they expect me to deliver...

"At least ngayon, driven po ako na galingan pa lalo sa Time of My Life."

Malakas ang usap-usapan na pagkatapos ni Aljur Abrenica ay si Rocco na raw ang susunod na ibi-buildup ng Kapuso network.

"Wow!" tila hindi makapaniwalang sambit ni Rocco nang kunan ng reaksiyon tungkol dito.

Nang mahimasmasan na ay sinabi niyang, "Masaya ako... If that's what they're gonna do, I'm gonna do my part naman para ipakita na worth yung pag-invest nila sa akin."

Pero ano ang masasabi niya sa opinyon ng iba na gagawin niya ang lahat para malampasan ang iba?

"Hindi naman, hindi naman... I mean, gagawin ko ang lahat in terms of giving my best, at ipapakita ko yung chops ko as an actor. Not in ways na may masasagasaan," saad niya.

OTHER PROJECTS. Bukod sa mga nabanggit na projects ay may nakatakda pang gawing mga pelikula si Rocco.

Una na rito ang horror film na The Road mula sa GMA Films, at ang long-delayed movie niya with Maricel Soriano and Roderick Paulate na isu-shoot daw sa Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa nagsu-shooting si Rocco para sa dalawang pelikulang ito. Pero matutuloy pa ba ang pelikula niya kasama sina Maricel at Roderick, lalo na ngayong may kontrobersiyang kinasasangkutan ang Diamond Star?

"Oo nga po, nalulungkot po ako sa balita, pero I'm still having high hopes na matuloy po.

"Nakausap ko si Kuya Dick po. Sabi po niya, pina-revise po niya yung buong script.

"Sila Direk Soxie [Topacio] nasa Italy ngayon, inaayos po yung mga location."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN