Jackie Rice's boyfriend is "cool" about her intimate scenes in Sisid

Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg">

Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg">

IMAGE 0


"Cool lang siya talaga sa mga ginagawa kong mga eksena sa Sisid. Noon pa naman, like what I've been saying, he's very supportive. Marami nga ang nagugulat na gano'n ang ugali niya. Kung ibang boyfriend daw 'yan, baka nagalit na sa akin. Pero si Andrew, hindi siya gano'n. Okey lang naman sa akin dahil wala namang nangyayari na puwede niyang ikagalit," says Jackie Rice about her boyfriend.


Patuloy ang pagtaas ng rating ng afternoon series ng GMA-7 na Sisid kaya naman ang bida nitong si Jackie Rice ay natutuwa at lalong sinisipag sa kanyang trabaho.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jackie sa set ng Sisid sa Marcos Compound sa Tandang Sora, Quezon City noong July 7, hindi mawala sa kanyang mukha ang ngiti dahil sa magandang ratings at feedback sa performance nilang lahat sa Sisid.

Inamin ni Jackie na hindi siya tumitigil na pag-aralan nang husto ang character niya bilang si Eden. Ayaw raw niya kasing mapahiya sa kanilang direktor, ang award-winning actor na si Ricky Davao.

"Naku, ayokong mapahiya kay Direk Ricky talaga!" sambit niya.

"Kaya kapag nabigay na sa akin ang script para sa episode na isu-shoot namin, pag-aaralan ko na ang mga kilos ng character ko.

"From day one naman ng taping namin for Sisid, yun na ang ginagawa ko.

"Kasi naman, napakahusay na aktor ng director namin. Parang nakakahiya kung hindi mo makuha ang gusto niya.

"Minsan si Direk Ricky pa ang nagpapakita sa amin ng gusto niyang gawin namin sa eksena. From there, may idea na kami sa magiging eksena.

"So far, okey naman lahat," patuloy ni Jackie.

"Mabait si Direk Ricky. Para sa kanya, kapag trabaho, trabaho tayong lahat. Para mabilis kaming matapos.

"Gusto ko kung paano kami i-guide ni Direk Ricky. Kasi nga, mas marami siyang experience sa amin sa industriyang ito kaya walang reason para hindi kami sumunod sa kanya," diin ni Jackie.

TEAM UP WITH DOMINIC. Marami ang nag-aabang at kinikilig sa mga lambingan nina Jackie at Dominic sa Sisid. Para raw kasing makatotohanan na ang mga yakapan at halikan nila sa mga eksena.

Pero ayon kay Jackie, magaling lang silang umarte ni Dominic na parang mag-asawa kaya nagagawa nilang makatotohanan ang kanilang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-uusap naman kami ni Dom, e. Gusto namin na mapabilib namin si Direk Ricky.

"Kaya kung ano ang gusto niyang makita sa amin, ipapakita namin at minsan sinosobrahan namin para mas matuwa siya.

"Noong una kasi, medyo naiilang pa kami ni Dom, lalo na sa ginawa naming love scene before. Pareho kaming first time gagawa ng gano'ng klaseng eksena.

"Pero dahil sa gusto naming maging maganda at maayos ang eksena, ginawa namin ang gusto ni Direk at may extra pa kaming ginawa ni Dom!" sabay tawa ni Jackie.

JACKIE'S BOYFRIEND. Wala naman daw hindi magandang reaction ang boyfriend ni Jackie na si Andrew Lopez sa mga ginagawa niyang intimate scenes with Dominic.

"Cool lang siya talaga sa mga ginagawa kong mga eksena sa Sisid. Noon pa naman, like what I've been saying, he's very supportive.

"Marami nga ang nagugulat na gano'n ang ugali niya. Kung ibang boyfriend daw 'yan, baka nagalit na sa akin. Pero si Andrew, hindi siya gano'n.

"Okey lang naman sa akin dahil wala namang nangyayari na puwede niyang ikagalit.

"Binibisita niya ako sa set kapag libre siya. Kapag busy naman siya, tumatawag na lang siya at nangungumusta.

"Wala naman sa kanya ang pagbawalan ako o hadlangan niya ako sa mga gagawin ko. Yun nga ang gusto ko, he's very open-minded at hindi siya seloso.

"Alam naman niyang one and only kami sa isa't isa," ngiti pa ni Jackie.'

Kaya safe daw si Dominic kapag bumibisita ang boyfriend ni Jackie sa set ng Sisid.

"Okey sila ni Dom kasi naging magkaibigan naman sila," pagtiyak pa ni Jackie.

"Kapag dumadalaw sa set si Andrew, nakikipagkuwentuhan siya sa mga boys. Nagkakatuwaan sila.

"Kaya alam kong walang tension. Hindi nagiging issue yung mga eksena namin ni Dom kay Andrew.

"Actually, nagkakabiruan pa sila minsan. Naririnig ko na lang na nagtatawanan sila sa isang sulok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na ako siyempre nakikialam sa kanila kasi usapang lalake na ang ginagawa nila.

"It's good to know na he's friends with my co-stars sa Sisid."

FHM. Masaya rin si Jackie nang makapasok siya sa Top 10 ng FHM Sexiest Women of the World. Nasa 9th place siya this year.

"Last year, number 13 yata ako. So, tumaas ako ng ilang hakbang, di ba?" ngiti pa niya.

"Nagpapasalamat ako sa mga bumoto sa akin, lalo na yung mga fans ng Sisid na patuloy na sumusubaybay sa amin.

"Nakakadagdag ng confidence yung masabing nasa Top 10 ka sa mga sexiest na babae ng buong mundo.

"Hindi ko ini-expect na makakapasok ako sa Top 10.

"Parang ang sarap ng feeling na nandiyan ang mga fans para suportahan ka at hindi lang ang pamilya at friends ko ang masipag mag-text para sa akin!" saad ni Jackie.

Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg">


Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26110/jackie-rices-boyfriend-is-cool-about-her-intimate-scenes-in-sisid" data-desc="Jackie adds her boyfriend is friends with her leading man Dominic Roco." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/eff153ae2.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN