Bela Padilla "demoted" to kontrabida role in Sisid

Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg">

Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg">

IMAGE 0


"Alam ko na may rason bakit ang naging next role ko ay kontrabida. Para sa akin, challenge ito. Nasubukan ko na ngang maging leading lady kaya subukan naman natin na kontrabida," says Bela Padilla.


Si Bela Padilla ang bagong kontrabida ni Jackie Rice sa afternoon drama series ng GMA-7 na Sisid.

Ginagampanan ni Bela ang role na Monique, na dapat sana ay para kay LJ Reyes.

Inamin ni Bela sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na medyo nag-alinlangan siyang maging kontrabida sa Sisid dahil baka raw mahirapan siyang gampanan ito.

Mahusay na raw kasing mga kontrabida sa Sisid sina Rich Asuncion at Alicia Mayer. Baka raw hindi siya makasabay sa mga ito.

Pero ipinaliwanag naman sa kanya ang role at isa ito sa importanteng tauhan sa itinatakbo ng istorya ngayon ng panghapong serye ng Kapuso network.

Ani Bela, "When they explained the role to me, doon ko nakuha ang character ni Monique. Never pa kasi ako nakakaganap na isang kontrabida talaga.

"Doon naman kasi sa Endless Love before, hindi naman siya todong kontrabida.

"Dito sa Sisid, talagang mean girl siya. Pero may reason naman bakit gano'n ang role ko.

"Kaya sige, gawin ko na natin kasi it's different.

"Tapos, si Sir Ricky Davao pa ang director namin. Kaya mas kampante ako because he's a very good actor, at alam kong maga-guide niya kami sa mga eksenang mabibigat."

Nakausap ng PEP si Bela sa set ng Sisid sa Tandang Sora, Quezon City.

DEMOTED? Huling napanood si Bela bilang leading lady ni Aljur Abrenica sa telefantasya na Machete. Hindi ba nakaramdam si Bela na parang demoted siya to kontrabida roles after niyang maging leading lady?

"Well, naisip ko rin naman 'yon. Pero hindi naman ako ang tipong tao na magkukuwestiyon.

"Alam ko na may rason bakit ang naging next role ko ay kontrabida. Para sa akin, challenge ito.

"Nasubukan ko na ngang maging leading lady kaya subukan naman natin na kontrabida.

"Hindi naman issue sa akin ang ganyan. Trabaho pa rin ito at gagawin ko.

"Wala naman ako sa posisyon na namimili ng magiging work ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano ang ibigay nila, pagbubutihan kong gawin dahil pinagkatiwala nila sa akin ang trabahong 'yon," saad niya.

KYLIE & ALJUR. Kinumusta rin namin kay Bela ang pakikipagmabutihan ng kanyang pinsang si Kylie Padilla sa dati niyang leading man na si Aljur Abrenica.

Ayon kay Bela, noong huling makausap niya si Kylie ay masayang-masaya ito at hindi raw nawawala ang matamis na ngiti nito tuwing nababanggit ang pangalan ni Aljur.

"Mukhang okay naman sila," aniya.

"Kapag tinatanong ko si Kylie about Aljur, ngingiti talaga siya. As in, nagba-blush pa siya.

"So, it means na okey silang dalawa at walang problema.

"Yun naman ang wish ko sa kanilang dalawa. That things will work out sa tamang panahon.

"Ngayon kasi, they are going out at pinayagan naman siya ni Tito Robin [Padilla].

"Kami naman ni Kylie, we always keep in touch. Halos sabay kaming lumaki niyan kaya anything she wants to tell me ay nakikinig ako sa kanya.

"So far, wala naman siyang nababanggit na problema with Aljur.

"Sana naman wala, or else, kaming mga pinsan ni Kylie ang makakalaban niya [Aljur]!" tawa ni Bela.

Nasabi raw ni Bela kay Aljur before na kung seryoso ito sa kanyang pinsan, siguraduhin daw niyang huwag niya ito paiiyakin.

"Very close kasi kaming magpipinsan at ayaw naming may nasasaktan or nadedehado. Kaya sinabi ko 'yon kay Aljur.

"Hindi naman daw niya gagawin 'yon kay Kylie dahil gentleman daw siya at seryoso siya kay Kylie.

"Naniniwala naman ako dun kaya kampante ako kay Aljur.

"Kung saan man makarating ang pagkakaibigan nila, basta nandito kami para suportahan sila," saad ni Bela.

Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg">


Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg"> Sisid" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26117/bela-padilla-demoted-to-kontrabida-role-in-sisid" data-desc="Bela comments on budding romance of cousin Kylie Padilla and Aljur Abrenica." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5113dd3c0.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN