Did Zoren Legaspi try to woo the Underage girls?

IMAGE 0


"Bago mag-Ruffa [his first girlfriend], pinagliligawan ko muna silang lahat," jested Zoren Legaspi about old rumors that he made a move to his fellow Regal Babies and the stars of Underage, Too—Ruffa Guttierez, Aiko Melendez, and Carmina Villaroel.


Noong early '90s, usap-usapan na niligawan noon ng aktor na si Zoren Legaspi ang mga lead actress ng pelikulang Underage, Too—sina Ruffa Guttierez, Aiko Melendez, at Carmina Villarroel.

At para bigyang linaw ang isyung ito, tinanong ito sa kanya nang bisitahin ng entertainment press ang set ng Glamorosa, ang bagong teleserye ni Zoren sa TV5.

Napangiti si Zoren sa tanong na ito subalit hindi niya itinanggi, "Bago mag-Ruffa, pinagliligawan ko muna silang lahat."

Itinuturing ni Zoren na unang girlfriend niya ang ngayo'y co-host niya sa Paparazzi.

Dagdag pa niya, si Aiko ang una niyang pinormahan, pagkatapos nito ay ang asawa na niya ngayon na si Carmina, hanggang sa naging seryoso na ang relasyon nila ni Ruffa.

"Magkaibigan lang kaming ni Aiko noon," pag-alala ni Zoren tungkol sa diumano'y relasyon nila ng dating onscreen partner.

"Kaso ang babata, sabi ko, wala akong mapapala doon.

"Dahil si Ruffa ang pinakamatanda sa tatlo kaya medyo pwede."

Tumagal daw ng halos apat na taon na on-and-off ang relasyon nila ni Ruffa.

SERIOUS RELATIONSHIPS. Nagkaroon lamang daw ng pagbabago nang maging opisyal na representative siya ng bansa para sa Miss World pageant noong 1993.

"Pagkatapos noon, parang talagang nag-iba na ang mundo niya," kwento ni Zoren.

"Doon, nag-separate ways na kami kasi parang medyo iba na 'yong mga lakad niya.

"Puro international na, puro foreigner na ang mga kasama niya.

"'Tapos, ang dami nang bigtime na pumorma sa kanya."

Na-intimidate ba siya sa mga naging manliligaw ni Ruffa?

"Hindi naman, kasi hindi naman ako insecure na lalaki, e," sagot ni Zoren.

"Hindi naman ako umatras pero parang 'yong panahon na ang parang nag-dictate na tumigil na kami.

"Parang nag-lost contact nga kami, e."

Pagkatapos pabirong idinagdag ni Zoren, "Wala nga kaming closure niyan, e. Hindi 'yong split na tayo."

Tila seryoso talaga noon si Zoren pagdating sa pakikipagrelasyon kaya naman tatlo lamang ang kanyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una kay Ruffa, pagkatapos kay Claudine Trillo. At sa huli ay naging committed na nga siya sa kanyang asawang si Carmina, kung kanino siya nagkaroon ng dalawang kambal na anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN