Janine Gutierrez's firsts in showbiz—walking the ramp and becoming an endorser!

IMAGE 0


Janine Gutierrez on her first runway experience: "Napaka-grateful ko po to Bench for making me a part of the whole experience."


Recently ay rumampa si Janine Gutierrez sa pagbubukas ng Philippine Fashion Week sa SMX sa Mall Of Asia para sa local brand na Bench.

Unang pagrampa ni Janine bilang modelo sa naturang event, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang female young star kung ano ang kanyang naramdaman.

"Very happy and very excited po ako about my first time in Fashion Week!

"I've never even watched a show, kaya as soon as nalaman ko na kasali ako sa fashion show ng Bench, I've been looking forward to that day po talaga."

Mas tuwa kesa kaba si Janine. Nakatulong din daw ang warmth sa backstage na ipinakita sa kanya ng mga stars na nakasama sa pagrama.

"Masaya po sa dressing room at sa backstage! Kakaibang experience dahil first time ko po maging part of a fashion show this big.

"And nakakatuwa dahil magkakasama po lahat ng talents from the different networks.

"And very warm po nilang lahat, lalo na yung mga kasama ko sa Party Pilipinas who probably didn't expect to see me there like sina Steven [Silva], Rocco [Nacino] at Sarah [Lahbati].

Doon din siya unang naipakilala bilang endorser ng naturang clothing brand. At tuwang-tuwa ang anak nina Monching at Lotlot de Leon.

"Nagulat po talaga ako when I signed with them dahil hindi ko inakala na magiging part ako nito.

"Dati, nakikita ko lang yung mga pictures and billboards nina Uncle Richard [Gutierrez] doon habang namimili.

"Kaya nung una kong pictorial with them, kakaiba po talaga yung feeling."

Sino'ng sa mga endorsers ang na-excite siya nang makita niya?

"Na-excite po akong makita sina Georgina Wilson at Borgy Manotoc!

"I think they are the cutest couple! So, it was so much fun to watch them walk together."

PARTY PILIPINAS STINT. Kinumusta naman ng PEP si Janine tungkol sa kanyang first TV show, kung saan regular siyang napapanood every Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I really enjoy [being a part of] Party Pilipinas. Marami po akong natututunan and I really value being a part of it." Description: :)

FANS. At bagamat baguhan pa lamang siya, nagkaroon agad ito ng group of supporters.

Narinig na ba niya yung away sa Twitter ng mga fans nila nina Julie Ann San Jose at Sarah Lahbati?

"Talaga po? Naku, wala po akong alam about that, pero hindi naman po siguro."

If ever, sino ang gusto ni Janine na maging leading man sa soap opera or movie?

"Given the chance, masaya na po ako sa kung sino ang pipiliin ng [GMA-7] network na nababagay sa akin.

"I'm looking forward to being part of a show and kahit sino pa ang maging partner ko, sisikapin ko pong pagbutihin ang trabaho," pagwawakas ng apo nina Pilita Corrales at Nora Aunor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN