Taxi driver returns Ruffa Gutierrez's six pairs of shoes worth $4,000

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez hugs Mr. Ariel Dalangin, the taxi driver who returned her six pairs of shoes in dzMM earlier today, July 20. More pictures


Matapos ang mahigit isang taon mula nang magpaalam si Ruffa Gutierrez sa bakuran ng ABS-CBN para lumipat sa TV5, muling tumuntong sa compound ng Kapamilya network ang TV host-actress kanina, July 20.

Pero hindi para sa kung ano pa man, kundi para kunin sa dzMM Teleradyo ang naiwang mga sapatos ng kanyang personal assistant na si Jimmy sa taxi kahapon, July 19.

Isinauli ng taxi driver na si Ariel Dalangin ang mga sapatos, na ayon sa driver ay hindi niya alam na kay Ruffa ang mga iyon.

Nagdesisyon si Mr. Dalangin na sa dzMM isauli ang mga sapatos na naiwan sa kanyang taxi dahil hindi raw niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito.

Kasamang dumating ni Ruffa sa radio booth ng dzMM kanina ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Niyakap at hinalikan ni Ruffa ang driver bilang pasasalamat sa katapatan nito.


FEELS LIKE CINDERELLA. Matapos silang magharap ni Mr. Dalangin, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Ruffa kung ano ang reaksiyon niya na naisoli ang kanyang mga mamahaling sapatos.

Ani Ruffa, "Nakakatuwa lang na may mga taxi driver pa pala na katulad ni Mr. Ariel Dalangin, na honest at mabait na nagsosoli ng mga naiwan sa kanilang taxi.

"Maraming salamat kay Mr. Ariel sa pagsoli ng mga shoes ko. Feeling ko tuloy ay ako si Cinderella na nawalan ng sapatos at naisaoli!

"Akala ko, wala na talaga! Akala ko hindi ko na mahahanap yun.

"Sabi ko sa sarili ko, okay na yun, wala na yung anim na shoes, bibili na lang uli ako.

"Isipin ko na lang dinoneyt ko na lang yun sa charity and anyway, marami namang blessings sa buhay ko na maganda.

"But siyempre naman, kailangan pa rin nating mag-effort na hanapin, di ba?

"Favorite ko rin kasi yung mga shoes na yun, e. Yun kasi yung mga designs na pinagawa ko talaga sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shoe size ko kasi, 10 to 10 1/2, e, sa Hong Kong, hanggang size 9 lang or 8 1/2 ang shoes nila doon, kaya pinasadya ko yung mga shoes na yun.

"Two months ko 'tong hinintay after I ordered it, tapos winala lang ni Jimmy," saad niya.

Ano ang reaksiyon niya nang malaman niyang naiwan ni Jimmy sa taxi yung mga sapatos niya?

"Ayun, kahit na pumunta siya sa pictorial ko, hindi ko na siya pinagalitan.

"Tinitigan ko lang siya at sinabi ko, 'O, Jimmy, order ka ng Starbucks.'

"Siguro na-guilty siya, hindi niya daw pinatulog ang lahat ng tao, tino-torture niya daw lahat para hanapin yung mga shoes ko.

"At gusto niyang ibenta yung lupa para bayaran yung mga shoes ko, kasi akala niya raw worth 400,000 dollars yung mga shoes na yun, pero hindi naman ganun kamahal... less naman.

"I'm very happy na nag-effort din naman siya. Sabi ko na lang sa kanya na, 'O, Jimmy, maging responsible ka na next time. Kumuha ka ng resibo ng taxi, tingnan mo rin kung anong company nung taxi at plate number ng sinasakyan mo, especially na delikado na rin yung panahon ngayon."

Request ba ng mga anak niya na sumama sa kanya?

"They wanted to meet this famous taxi driver na si Ariel, so isinama ko sila," sabi ni Ruffa.

Nang tanungin naman ng PEP sina Venice at Lorin kung ano ang masasabi nila sa pagkakasoli ng sapatos ng kanilang mommy, sinabi ni Lorin na, "Happy, because Mommy found her shoes worth $4,000."

Sabi naman ni Ruffa, "Don't say that, Lorin. Nagbigay pa talaga ng presyo! Don't say the price, you have to be discreet. Nakakaloka!"

Sambit naman ni Venice,"When we found the shoes, I wanted to jump!"

THE HONEST DRIVER. Nakapanayam din ng PEP si Mr. Ariel Dalangin kung ano ang kanyang naging reaksiyon nang malaman niya na kay Ruffa pala ang mga sapatos na isinoli niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya," sambit niya.

"Kahit naman siguro hindi kay Ruffa yung gamit, pag nakita mo yung tao na masaya dahil nabalik sa kanya yung bagay na mahalaga sa kanya, magiging masaya ka na rin."

Hindi raw talaga alam ni Mr. Dalangin na kay Ruffa ang mga gamit na isinoli niya.

"Iniisip ko talaga kung sino ang nakaiwan. Bago sumakay yung PA niya, may nauna akong babaeng pasahero.

"Iniisip ko na dun sa unang pasahero ko yun mga naiwan, hindi ko talaga iniisip na yung PA pala ni Ruffa ang nakaiwan.

"Pagbaba niya kasi, medyo matagal pa ako dun sa lugar na pinaghatidan ko sa kanya, kaya alam ko, dun sa babae nga na una kong pasahero yung gamit na naiwan sa taxi ko.

"Sabi ko, baka nakuha niya yung number ng taxi at tumawag sa opisina.

"Sabi ko, itatanong ko na lang kinabukasan sa opisina kung may tumawag na nakaiwan ng gamit.

"Kinabukasan, wala naman daw tumawag, kaya nag-decide na lang ako na dalhin dito sa dzMM yung mga gamit."

Ano naman ang naging reaksiyon niya nang malaman niyang isang artista pala ang nagmamay-ari ng mga gamit na naiwan sa kanyang taxi?

"Nagulat ako, sabi ko sa sarili ko, 'Ay, kay Ruffa pala yun!'

"Inisip ko rin na hindi magsusuot ng mga ganitong sapatos ang ordinaryong babae kaya alam ko, model ang may-ari nito.

"Ang naisip ko talaga, yung nakaiwan ay nagne-negosyo ng sapatos.

"Sabi ko, konti lang naman siguro ang kita ng may-ari nito, nakakaawa naman kaya sabi ko isosoli ko nalang thru dzMM. "

May ibinigay bang reward sa kanya si Ruffa bilang pasasalamat?

"Meron siguro, may iniabot sa kin na sobre, e, pero hindi ko pa nabuksan. Hindi ko alam kung ano ang laman," sabi ni Mr. Dalangin.

CLICK HERE to view more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN