Nora Aunor's flight back home reset to July 31, says a source

IMAGE 0


Nora Aunor will definitely come home to the Philippines, according to a source.


May follow-up information na naiparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa pang source mula sa Los Angeles, California, hinggil sa pagkaka-cancel ng scheduled flight back home ng Superstar na si Nora Aunor.

Totoong nakatakda na sanang umuwi sa bansa si Nora bukas, July 21, via Philippine Airlines Flight PR103. Pero sa impormasyon na naiparating ng PEP source, may hindi naiwasang problemang kailangang lutasin ni Nora, sa pamamagitan ng kanyang isang kaibigan doon named Cecille Ramos.

"Standby ako para maghatid sa Airport... around 3 p.m., naghihintay ako sa waiting room nang tumawag si Cecille," banggit ng PEP source.

Cecille is the president/organizer ng Fil-Am sa LA; at sekretarya/manager/show producer din daw ni Nora.

So, tumawag ang manager ni Guy sa source around 8:40 p.m. ng July 20, at natanggap namin ang ulat kaninang umaga. Ang flight ni Nora ay naka-schedule sana ng 10:30 p.m. (Los Angeles time).

"Si Cecille ang nag-cancel para kay Ate [Guy]," ayon pa sa source.

May last-minute financial obligation daw na dapat ayusin si Guy, kaya kailangang ipagpaliban uli ang kanyang pagbabalik sa bansa.

Hindi tinukoy ng source, pero tila mayroon din daw problemang personal ang aktres, kahit nagkakasayahan silang magkakaibigan noong Linggo sa supposedly "despedida party" ni Nora na bigay ng kanyang mga kaibigan.

"Napansin ko si Ate [Guy] nung Sunday, she looks tired... and balisa," dagdag pa ng source.

Sa nasabing party ay kabilang ang salon owner na si Monet Lu, kaibigan nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez.

May nag-interview rin kay Nora na isang news correspondent ng TFC.

Bukod dito, nai-confide ni Nora na hindi pa raw siya nakakapag-shopping ng ipapasalubong sa mga anak at apo niya sa Pilipinas.

"Samahan daw namin si Ate Guy mag-shopping ng ipapasalubong niya kung puwede," ayon din sa source.

"So, ngayon, ni-reschedule ni Cecille [ang flight] sa July 31 na," banggit pa ng source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taliwas sa impresyon ng iba, hindi naging negative ang attitude ni Nora hinggil sa binalak na pag-uwi.

"Ready na siya, kaso... nakakainis lang. Pati kay Kuya Germs, sumasakit ang ulo niya [Nora] siguro," pagtukoy pa ng source, vaguely hinting at a possible pressure from the camp of Guy's radio-TV host-friend.

Matatandaang mula sa kampo ni Kuya Germs unang nagmula ang mga kontra-ulat ng hindi pa kumpirmadong pag-uwi sa bansa ni Nora, bagamat mayroon nang confirmed flight ang Superstar mula sa Media Affairs ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakikipag-communicate din daw ang PEP source sa anak ni Nora na si Ian de Leon, pero sa pinakahuling impormasyon nito, nabanggit niya na hindi nagre-reply ang panganay na anak nina Nora at Christopher de Leon sa kanyang mga mensahe.

TFC INTERVIEW. Ang interview ng TFC News correspondent na si Yvee Guevarra noong Sunday, July 17, sa ginanap na despedida party para kay Nora ay paghahanda na rin sa pagbabalik sa bansa ng aktres matapos ang walong taon.

Bukod sa ilang mga kaibigan, naroon din ang dating aktor na si Raoul Aragon na nakapareha ni Nora sa ilang mga pelikula.

Narito ang ilang bahagi ng panayam kay Nora:

Ang family, kumusta po?

"Nami-miss ko na rin sila," sabi ni Guy.

Do they come here?

"Nung may show ako rito, sila pumunta rito... si Ian at si Kiko."

Though hindi ka pa bumabalik doon...

"Nagkikita naman," sagot ni Nora.

When was your last movie?

"Mga 2004...," hindi tiyak na sagot ni Nora.

Kung ang tutukuyin ay ang pelikulang naipalabas in commercial theaters sa Pilipinas, ito ay ang pelikulang Naglalayag na idinirek ni Maryo J. de los Reyes at entry sa 2004 Manila Film Festival (MFF).

May ginawa namang indie film si Nora, ang Care Home, idinirek ni Suzette Ranillo at unang naipalabas iyon sa Pilipinas bilang non-competition entry sa Cinemanila International Filmfest in 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last TV guesting?

"A, saan ba ako nag-guest? A, kay Kuya Germs," banggit niya sa show na Master Showman ng GMA-7.

Concerts?

"From time to time... bago nasira yung boses ko, dapat may concert ako nun sa Canada at sa Australia," pagtukoy pa ni Nora sa naging problema niya last year.

"Hindi ako nakakanta, naintindihan naman ako ng mga tao. Pero yung iba, hindi nila naintindihan."

Ano ang pinakanami-miss mo sa Pilipinas?

"Yung init," sagot ni Nora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN