Jinkee Pacquiao reveals marriage problems with Manny Pacquiao: "Almost four months kaming hindi nagsama."

IMAGE 0


In an exclusive tell-all sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, inamin ni Jinkee Pacquiao na "muntik nang maghiwalay kami [ni Manny Pacquiao]." "Pag uuwi siya sa bahay, ako naman ang aalis. Pag alam ko naman na aalis siya, ako naman ang babalik," kuwento ni Jinkee sa TV host, Cristy Fermin. "Talagang hindi ako nakialam, kahit may naririnig ako, hindi ako nagsalita and then hindi ko sila pinuntahan kahit na alam kong na



Simula noong namayagpag sa larangan ng boxing ang pangalan ni Manny Pacquiao, kaliwa't kanang kontrobersiya na ang ibinato sa kanya, pati na rin sa asawang si Jinkee.

Isa marahil sa pinakamalaking isyung kinakaharap nilang mag-asawa noon ay ang tungkol sa pambababae ni Pacman.

Muntikan nang nasira ang kanilang relasyong nabuo noong pareho pa silang walang-wala sa buhay noon sa General Santos City.

Kanina sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, isang matapang na Jinkee Pacquiao ang nagkuwento tungkol sa mga pinagdaanan nila ng asawa.

Sa exclusive tell-all ni Mrs. Pacquiao sa "Caught By Cristy" segment, inamin nitong "muntik nang maghiwalay kami [ni Manny]."

Naibigay na nito dati ang detalye sa YES! magazine. At sa pagkakataong ito, sinabi niyang ang pinakamatindi ay, "Siguro yung ano, yung may inuugnay kay Manny..."

Tanong ng TV host Cristy Fermin: Paano nauntog si Manny sa katotohanang, "Pamilya ko pala ito, anak ko pala ito, asawa ko pala 'to, anong nangyari?"

Ang sagot niya, "Nag-usap kami sa lahat ng mga problema after the fight. Yung masinsinan talaga na ano... kung ano yung ayaw mo sa akin 'tapos sinabi ko naman sa kanya kung ano yung ayaw ko sa kanya."

Hinamon niya noon ng hiwalayan si Pacman.

"Kasi para sa akin, parang ako lang yung nahihirapan. Since before pa na nagsama kami, parang ang dami kong pinagdadaanan na parang hindi dapat kumbaga. So, 'kaya mo naman maging masaya na kahit wala kang asawa', yun ang nasa isip ko, e.

"Tapos, trinay ko talaga na, na namuhay ako nang hindi ko siya iniisip, kasi almost four months kaming hindi nagsama. Tumatawag siya sa akin pero hindi ko sinasagot.

"Talagang, talagang wala, walang communication.

"Kahit na makita ko siya sa TV, ililipat ko yung channel. Tapos pag uuwi siya sa bahay, ako naman ang aalis. Pag alam ko naman na aalis siya, ako naman ang babalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang hindi ako nakialam, kahit may naririnig ako, hindi ako nagsalita and then hindi ko sila pinuntahan kahit na alam kong nandun," ang mahaba niyang kuwento.

Dumating din daw ang panahon noon na pati ang kanilang mga anak ay naapektuhan na rin ng mga isyu.

Aniya, "Yes! Kasi kawawa yung mga anak [ko], kasi minsan hinahanap yung daddy nila tapos wala so, mahirap din, e. Sinasabi ko na nasa work, ganyan. Nagpa-practice, nag-ensayo, kasi may boxing na naman, gano'n."

Sa parte naman ni Manny, may mga gabi raw na umiiyak ito sa tuwing naaalala ang asawa.

Binanggit pa ni Cristy na sa tuwing may nakikita raw na babae si Manny noon ay iniisip niyang si Jinkee iyon.

Sambit ni Jinkee, "Hmmm... Lagi niyang sinasabi na parang ginto daw ako sa puso niya. Pero ako, bato ako pagka... pagka nagalit.

"Oo... Tapos kaya ko daw kahit matagal, kaya yung galit ko hindi nawawala. Kasi siya daw, parang isang araw hindi na niya kaya."

Ano ang ipinangako ni Manny sa kanya?

Sagot ng kanyang misis, "Kasi, hindi naman talaga yung pangako na hindi na ako maggaganito. E, kasi hindi naman... tao lang tayo. Minsan hindi natin alam kung... [kelan] darating [tukso].

"Oo, magkakasala tayo, ang sabi ko sa kanya, sana 'wag mo nang ulitin.

"Siguro na-realize niya na mas ano, mas importante yung pamilya. 'Tsaka hindi naman nakakabuti yung, yung may... maapektuhan yung mga anak mo sa intriga. Gano'n, oo!"

Inamin din ni Jinkee na nasaktan siya nang labis sa mga pangyayari pero unti-unti nang naghihilom ang sugat.

Sa huli, ano ang magiging reaksiyon niya pag nakaharap niya ang babaeng naiugnay kay Manny noon?

"Wala akong sasabihin. Hindi kailangan na may sabihin pa ako sa kanila, so siguro titignan ko na lang sila and then naka-smile ako sa kanila.

"Hindi naman puwedeng nakasimangot ako, hindi. Baka sabihin nila, 'O, parang naapektuhan pa siya hanggang ngayon.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi puwede... 'tsaka laging naka-smile ako na parang ngayon, 'eto na si Jinkee Pacquiao, parang, hindi na kayo threat sa akin, kumbaga, before yun."

Dugtong pa niya, "Ngayon, no way! Parang gano'n!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN