Manny Pacquiao on hosting his own game show: "Sa akin, walang personalan sa ibang show."

IMAGE 0


"Matagal ko nang pangarap na ganitong show. Nakakatulong tayo sa kapwa. Masaya dahil nangyari na nga itong show na pangarap ko at pangarap din ng mga tao na matulungan sila," says Manny Pacquiao about hosting his game show.


Simula sa July 16, Sabado ng gabi, live na mapapanood sa AFP Theater ang bagong game show ng GMA-7, ang Manny Many Prizes.

Ang Pambansang Kamao at Sarangani congressman na si Manny Pacquiao ang host ng programang ito.

Isa rin si Manny sa nakaisip ng concept at title ng show. Bukod dito, co-producer din siya ng sarili niyang show sa Kapuso network.

Ayon kay Manny, matagal na niyang pangarap ang ganitong klase ng show na makapagbibigay ng tulong sa marami nating kababayan.

"Masaya ako na makakapagbigay tulong tayo sa marami nating kababayan.

"Ang sa akin lang naman ay makatulong din tayo. Sa akin, walang personalan sa ibang show.

"Para sa akin, bilang pagbibigay kasiyahan, at the same time, tutulong sa mga tao at maipaabot sa kanila ang puso ko na gusto ko silang matulungan.

"At salamat sa mga bossing, si Boss [Jimmy] Duavit, Atty. [Felipe] Gozon, Ma'am Wilma [Galvante], at sa lahat po ng mga artista ng GMA-7, Kapuso, maraming salamat na binigyan tayo ng pagkakataon na nabigyan tayo ng ganitong show, at ito po ay para sa inyong lahat."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Manny sa presscon ng Manny Many Prizes kagabi, July 5, sa Studio 6 ng GMA Annex Bldg. sa GMA Network Drive.

NINONG NG BAYAN. Noong dini-discuss pa lang daw ni Manny ang show sa management, nandoon na raw ang excitement niya agad.

"Noon pa, excited na ako na masimulan ang Manny Many Prizes at ako mismo ang pumili.

"Maraming pinagpilian na title at ako mismo ang pumili ng title na 'Si Manny, maraming tulong sa ating mga kababayan.'"

Ito ba ang kapalit ng dating sitcom ni Manny na Show Me Da Manny?

"Matagal ko nang pangarap na ganitong show. Nakakatulong tayo sa kapwa.

"Masaya dahil nangyari na nga itong show na pangarap ko at pangarap din ng mga tao na matulungan sila," sabi ng Pambansang Kamao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Actually, bagay nga raw kay Manny ang show dahil kahit off-cam, nagpapalaro siya sa staff niya at nagbibigay ng prizes kaya parang continuation lang din.

Bago ang press conference, namahagi rin si Manny ng ilang cash prizes sa naging motorcade nila. Kaya si Manny na raw ang bagong "ninong ng bayan." Ano ang masasabi niya rito?

"Patikim pa lang sa kanila ang pamimigay natin ng cash," sabi naman niya.

"Hindi lang yun, pag start natin ng first episode ngayong July 16, marami tayong ipamimigay."

HANDPICKED. Hindi naman itinanggi ni Manny na ilan sa mga kasama niyang co-hosts tulad nina Paolo Contis, Onyok Velasco, at Gladys Guevarra ay handpicked niya rin mismo.

Ang mga nabanggit ay pawang kasama sa Show Me Da Manny.

Aniya, "Nag-suggest po ako kila Ma'am Wilma at okay naman sa kanila ang nai-suggest ko.

"Sila Onyok, Paolo, Gladys, gusto ko kasi barkada ko na. Hindi na ako masyadong maiilang sa kanila."

Bukod sa kanila ay kasama rin sa Manny Many Prizes sina Rhian Ramos at Isabelle Daza.

NEXT FIGHT. Wala namang nakikitang problema si Manny sa bago niyang show kung sakaling may laban siya o kailangan niyang mag-training.

"Wala namang problema yun dahil kailangan nating i-maximize ang time natin," sabi niya.

"Kailangan lang ng time management sa show na 'to.

"Kailangan na ako talaga ang nandito palagi sa show na ito dahil ako mismo ang mamimigay ng cash prizes and also house and lot."

Ngayong November ay muling lalaban si Manny kontra kay Manuel Marquez. Ito na ang ikatlo nilang pagtatapat sa ring.

Sa September siya magsisimula ng training at wala naman daw nakikitang magiging problema si Manny sa schedule.

Nagpahayag na rin daw si Floyd Mayweather Jr. na handa nang lumaban sa kanya.

Pero ayon kay Manny, "Pagdating siguro ng panahon, hindi ngayon.

"May laban din siya. May laban din ako. Baka next year, matuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIGHER POST. Hindi rin siyempre maiiwasang maintriga ni Manny na sa pagkakaroon niya ng show niya kung saan makakatulong siya sa karamihan ng Pinoy. Kasunod na kaya nito ang plano niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon?

"I cannot answer your question right now," sagot ng Sarangani representative.

"We're talking about the show at matagal pa naman po ang election.

"At itong show po na ito ay makatulong po ako sa sobra-sobrang biyayang ibinigay sa akin ng Panginoon, gusto ko naman po makasukli sa pamamagitan ng pagtulong sa aking kapwa at pasasalamat sa ating Panginoon."

FAMILY MAN. Suportado naman daw siya ng asawang si Jinkee Pacquiao sa kanyang bagong show.

"Suportado naman niya ako dahil ito'y tulong para sa ating mga kababayan at maganda naman itong ginagawa natin."

Mga bata pa ang apat na anak nina Manny at Jinkee. Pero as early as now ay ini-instill na ba niya sa mga anak niya ang tulad niya'y pagiging matulungin sa kapwa at mapagbigay?

"Kung ang mga anak namin, kapag bata kasi paunti-unting pangaralan sa mga bagay-bagay.

"Kailangan paunti-unti hanggang sa nagkaka-edad at ipangaral sa kanila ang tama at pagiging makatao, mapagmahal sa kapwa. Yun ang kailangan.

"Siyempre, sa Panginoon din, importante sa Panginoon din."

Naniniwala rin si Manny sa living by example.

"Siyempre kung sa paglaki ng mga anak ko, barumbado, hindi naman ang mga anak ko ang may kasalanan no'n kung hindi kaming mga magulang.

"Ang mga magulang ang may kasalanan kung nagiging barumbado dahil hindi tama ang pagpapalaki," sabi niya.

Nakikita na ba niya kung sino sa mga anak niya ang posibleng sumunod sa yapak niya?

"Walang mahilig sa boxing," sabi niya.

"Yung mga babae ko, hindi mahiyain, mahilig sa showbiz.

"Yung mga lalaki ko, talagang parang mga business-minded na seryoso."

Kung sakali bang magpakita rin ng interes ang asawa niyang si Jinkee na mag-showbiz, papayagan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pinapayagan na magpelikula," sagot ni Manny.

"Kasi, wala nang titingin sa mga anak namin. Apat ang anak namin.

"Tapos yung business namin. Napakarami ng business namin, tapos walang titingin, mapapabayaan.

"Kung mag-showbiz, showbiz.

"Bakit, ano ba ang kailangan? Para kumita ng pera.

"E, may business naman, di ba? What for na mag-showbiz ka, papasok ka ro'n, para kumita ng pera? Papabayaan mo ang business."

May nagsabing bukod sa mga binanggit niya, marami ring temptation sa showbiz.

"Hindi naman yun," sabi niya.

"Kung kulang ka sa pagtitiwala sa Panginoon, talagang daraan ka sa mga pagsubok na mahirap.

"Pero naniniwala ako na kapag 100 percent kang naniniwala sa Panginoon, hindi ka bibigyan ng pagsubok na mabigat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN