Claudine Barretto says acting is her "playground" and refuses to be boxed in; dismisses possible timeslot rivalry with Gretchen's new series

IMAGE 0


"Siguro, later time slot yun ano [Alta ni Gretchen]. Kasi drama, e. Ito pambata," says Claudine referring to her teleserye Iglot on the possibility of sharing the same timeslot with sister Gretchen Barretto.


Balik primetime si Claudine Barretto after a few months na pamamahinga via GMA-7's newest fantasy series Iglot. Last project niya sa primetime ang Jillian: Namamasko Po, shown last December until January of this year. Excited nga raw ang actress, pero ninenerbiyos din kasi sa programming, right after the news ay show nila ang ipalalabas.

Sa press visit kung saan kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa first taping day nila sa barangay Lacquois, Arayat, Pampanga kahapon, July 25, isang masayang Claudine ang aming nakaharap. Masaya siya dahil bati na sila ng Ate Gretchen Barretto niya, at masaya siya sa bagong blessing na project (Iglot).

Pareho silang busy ngayon ng asawang si Raymart Santiago (he's doing Footbulilits, also with GMA-7) at siya nga ay may bagong teleserye, paano na ang family time with the kids [Santino and Sabina]?

"Hay naku, pag ano naman, Tuesdays, Thursdays, Saturdays and Sundays oras naman namin nasa kanila [mga anak].

"M-W-F din po ang taping ni Raymart. Sinigurado ho namin na pareho kami para magkikita pa naman ho kami."

Sabi ng ilang co-stars ni Clau (palayaw ni Claudine), medyo takot daw silang makaeksena ang aktres dahil sa galing nitong umarte.

"Naku, 'wag naman. It's funny how people see me as somebody na nakaka-intimidate[sa acting]. Kasi ako man sa sarili ko, I don't stop learning.

"Up to now nagwu-workshop pa rin ako with Ms. Beverly Vergel. Non-stop yung intensive workshops ko. Advance workshop and I don't stop learning kasi.

"Yun yung isa sa traits ko as an actress. I believe kasi na acting is a process. Hindi ko sinasadyang maka-intimidate ng artista."

KISSING SCENES. Katatapos kunan ang kissing scene nila ni Marvin before our interview kung saan ay nasa eksena rin si Jolina na sa script ay makikita silang naghahalikan.

Ayon kay Jolina ay medyo natulala nga raw siya nang slight kasi first time niyang makita sa personal na may ka-kissing scene ang kanyang ka-loveteam na si Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong bulong naman daw ni Marvin kay Clau na, "pa'no kasi hanggang ngayon, ikakasal na, ayaw pa rin ni Jun Magdangal [na magka-kissing scene ang anak na si Jolina]."

"Sabi ko nga, 'ano ba yan hanggang ngayon wala pa ring kissing scene?' Sabi ko nga, 'dapat ha. Dapat talaga dito sa Iglot magkaroon ng kissing scene sina Marvin at Jolina.

"Ikakasal na si Jolina, wala pa... sa buong years nila sa showbiz'. Wala ever. Kami pa ni Marvin first time. Gawan natin," suggestion pa ni Clau.

Pero okay ba naman kay Raymart na siya ay may kissing scenes?

"Okay in a way, ewan ko. Sinabi niya once before no'ng ginawa naming yung In Your Eyes (with Richard Gutierrez) na nagseselos din siya.

"Pero, siguro na-train ko na no'ng bago kami ikasal.

"Sinabi ko sa kanya na, 'huwag naman sana dumating sa point na pigilan niya ko sa mga roles na pipiliin ko.

"Kasi ang gusto ko naman talaga maging actress.

"And, pag actress ka, we all know that your roles will call for a lot of love scenes.

"Kissing scenes and other kinds of scenes na di pa natin nakikita, or na-tacke.

"And ayokong ma-box as an actress. Gusto ko na free ako to do what I want.

"Kasi ano ko to, e, playground ko to. At siya bilang actor, I think, mas naiintindihan niya.

"Since lahat naman sila [family ni Raymart] in showbiz. Mula kay Papa Pablo (Santiago, Raymart's dad) na director siya.

"Lahat sila, dito na lumaki. I think mas naiintindihan nila. 'Tsaka yung Mama Ling (Raymart's mom Cielito 'Cheling' Legaspi) ko. Yung mother-in-law ko, siya pa nga yung kinikilig sa mga ganun-gano'n, e," nangingiti niyang kuwento.

CHILDREN & SHOWBIZ. Mahiligrin ba ang mga bata sa mga palabas o sa showbiz?

"Hindi naman ho sila nanonood. Pero, like itong Iglot, since fantaserye, pambata naman. Manonood yun, and sinasabi ko na lang, 'That's not real. Daya lang'."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita na rin daw ni Clau sa anak na si Santino ang pagkahilig sa showbiz.

"Sobra. Pag tinanong mo, 'What do you want to be?' 'I want to be an actor. Singer,'" ang mabilis na sagot daw ng bata.

Payag ba naman si Raymart?

"Oo. Kasi wala tayong magagawa. Sa genes niya talaga, e. Ang sana lang yung girl namin ang hindi.

"Mahirap ang babae. Mahilig rin, pero mahirap ang babae.

" Ang daming nawawala pag pumasok sa showbiz. Ang bata-bata nagpa-abort na daw. Hindi na virgin, pero virgin pa.

"Ang daming nawawala. Innocence nasisira at a very early age. Ayokong mangyari yun."

Nabanggit daw ni Clau sa Showbiz Central na naiyak si Gretchen no'ng makita niya ang mga anak nila ni Raymart after a year na di nila pag-uusap na magkapatid.

"Parang na-touch lang na, nakita niya yung mga bata after a long time. Yun," kuwento pa niya.

TIMESLOT RIVALRY? Paano kung pagtapatin ang Iglot at ang bagong series ng kapatid na si Gretchen sa ABS-CBN na Alta?

"'Wag naman. Pero aalis pa ate ko, e," papuntang States nga raw, meaning di pa masisimulan ang pagte-taping nina Gretchen para makatapat nga ang Iglot.

"Siguro later time slot yun ano [Alta ni Gretchen]. Kasi drama, e. Ito pambata."

May bali-balitang babalik daw siya sa ABS-CBN?

"Wala. Wala naman talagang gano'ng usapan. Balak. Walang offer. Wala. Wala namang nakikipag-usap.

"So, you can't be open to something that's not there. Ang actually my contract ends on February next year."

If in case may offer para bumalik siya sa Kapamilya network?

"Hindi ko pa po masasagot 'yan. Happy naman po ako kung nasaan ako ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN