Marvin Agustin reunites with former ABS-CBN co-artists Claudine Barretto and Jolina Magdangal in GMA-7's Iglot

IMAGE 0


"Na-excite din ako nang unang sabihin sa akin ng GMA na magtatambal kami ni Claudine at makakasama ko rin si Jolina. Kahit nasa kabilang network kami noon, hindi pa kami nagtambal ni Claudine," says Marvin Agustin about his former ABS-CBN co-artists.


Hindi sinasayang ni Marvin Agustin ang oras niya sa pagtatrabaho.

Nang dalawin nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang first taping day ng upcoming fantaserye ng GMA-7 na Iglot sa paanan ng bundok Arayat sa Pampanga noong July 25, pagkatapos ng eksena niyang nagsasaka siya, hinarap agad ni Marvin ang kanyang laptop para naman sa kanyang restaurant business at sa kanyang Futuretainment, na nagpu-produce ng malalaking concerts sa Pilipinas.

Ilang months na ring walang ginagawang drama series si Marvin. Ang huli pa niya ay ang Beauty Queen with Iza Calzado, at nag-host siya ng cooking challenge show na Kitchen Superstar.

At ngayon, heto na nga ang Iglot.

"Hindi na matatakot ang Mommy ko!" natatawang wika ni Marvin nang makausap na siya ng PEP.

"Nami-miss daw niya ang mga roles na dati kong ginagawa, ayaw niya 'yong salbahe ang character ko, like 'yong role ko sa Beauty Queen.

"Kahit ang kambal ko, noong ginawa ko ang Mga Mata ni Angelita, ayaw nilang panoorin, natatakot sila. Kaya I had to explain to them na acting lang 'yon.

"Sabi nila, 'Dad, you're only pretending, you're not bad, ha?'"

Pero dito raw si Iglot ay siguradong panonoorin na raw siya ng kanyang pamilya.

"Ako si Anton dito, girlfriend ko si Claudine (Barretto), ikakasal na sana kami, pero hindi natuloy dahil kay Luis (Alandy), na in love kay Claudine.

"Mahirap lang kasi ako, magsasaka, nagugulpi ng mga tao nang mayaman na si Luis.

"Hindi ko alam na buntis na si Claudine nang magkahiwalay kami. Magiging anak namin, si Isabelle (Milkah Wynne Nacion)."

Si Iglot daw ang cute na creature na iluluwa ng pumutok na bulkan.

REUNION OF FORMER ABS-CBN STARS. Bukod kay Claudine ay makakasama rin ni Marvin sa Iglot si Jolina Magdangal. Lahat sila ay galing at nagsimula sa ABS-CBN, pero ngayon ay nasa bakuran na ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-excite din ako nang unang sabihin sa akin ng GMA na magtatambal kami ni Claudine at makakasama ko rin si Jolina.

"Kahit nasa kabilang network kami noon, hindi pa kami nagtambal ni Claudine.

"Nag-guest lang kami noon sa Maalaala Mo Kaya kaya ito ang first drama series na pagtatambalan namin," sabi niya.

First scene nila ni Claudine ay kissing scene agad, hindi ba sila nailang sa isa't isa?

"Hindi naman, in-explain naman ni Direk Gil Tejada ang situation at ang gagawin namin," sagot ng aktor.

NO TIME FOR LOVELIFE? Bukod sa pag-arte ay mga restaurant business at nagpu-produce din ng concerts si Marvin.

Sa dami ng gusto niyang gawin, baka naman makalimutan na niya ang lovelife niya?

"No, hindi ko 'yon makakalimutan," sabi naman niya.

"Kaya lang, enjoy pa ako sa kambal ko. Lalo ngayon, mag-i-start na sila sa first grade sa August, sa international school sa Alabang.

"Nakakatawa nga, sa English pa lang nagnu-nose bleed na ako, dito pala may iba pa silang languages na pag-aaralan!"

YOUNG MILLIONAIRE. Biro namin kay Marvin, "young millionaire" na talaga siya sa dami ng business ventures niya.

"Hindi naman po. Nagsisikap lang talaga ako for my family at sa kambal ko.

"Kasama ang dalawa ko pang partners sa business namin. As of now, may 14 restaurants na kami at, very recently, nag-open na kami ng franchising ng Sumosam.

"Nasa dry run na rin kami ng bagong branch ng Sumosam sa ABS-CBN and soon, mag-o-open na rin kami sa Cebu at Davao.

"May bago kaming bubuksan sa The Fort, ang Robotosan, isang shabu-shabu and grille restaurant."

NOT LEAVING SHOWBIZ. Pero never daw iiwanan ni Marvin ang showbiz bagamat abala rin siya sa kanyang mga negosyo.

"Masarap ang feeling na nakapagpapasaya ka ng mga tao, kaya ito ang binabalik-balikan ko. "

Kasabay ng Iglot, nagsu-shooting din si Marvin ng horror-drama movie na The Road under Yam Laranas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Carmina Villarroel ang magkatambal dito. Kasama rin namin sina Rhian Ramos at mga tween stars ng GMA," banggit pa niya.

"Na-inspire na rin akong gumawa ng indie films. Ang last ko yung Patikul na kasali sa katatapos na Cinemalaya International Film Festival.

"Kaya gusto ko na ring mag-produce. Indie films muna, para mababa lang ang budget.

"Kaya nasa plano na rin namin na magkaroon ng expansion ng office para sa movie production."

Kailan matutuloy ipalabas ang movie nilang Ikaw Ang Pag-ibig kunsaan kasama niya sina Jomari Yllana at Ina Feleo?

"Hopefully, matuloy na itong ipalabas sa September 8. Para na rin ito sa director naming si Marilou Diaz-Abaya."

THE NEXT BIG CONCERT. After ng ilang successful concerts na dinala nila rito, sino ang susunod na international artist na dadalhin nila sa Pilipinas?

Noong una, ayaw magsalita ni Marvin dahil balak pa lang daw at kailangan nila ang big budget.

But later, sinabi na niyang under negotiation na ang possibility na madala nila rito si Madonna next year.

True, malaking budget nga ang kailangan nila para mapapunta rito si Madonna!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN