Boy Abunda adds a restaurant to his list of business ventures

IMAGE 0

Boy Abunda on his recently-launched restaurant business: "To be honest, 'etong negosyo namin, hindi pa ito yung as in kumikita na kami. Wala pa. Kailangang mamuhunan ka nang matagal. Eto, positibo kami."


Hindi lang endorser ang role ni Boy Abunda sa restaurant na Boy's Food Republique.

Kasosyo rin siya sa negosyong ito, kasama ang longtime friend na si Boy So, na may-ari ng La Carmela De Boracay resort.

Sa opening ng nasabing resto noong November 5, ikuwinento ng Kapamilya host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano sila nagsimula. "Eto yung Sir Boy's Barbeque namin ni Boy [So]. Pero yun ang mga experimento lang namin."

Dagdag pa ni Boy. "Alam mo, this has been doing the past weeks. Nag-soft-opening na kami. Ang konsepto namin dito talaga, the fact na ang daming nabibigyan ng trabaho, ay to be able to serve the best food we can at very affordable price.

"Kaya ang tag namin dito ay PHP99 pesos, plus-plus from 10:00 A.M.-10:00 P.M. Kaya nga, 10 to 10."

Unang nagsama sina Boy at Mr. So sa pagpo-produce ng mga indie films gaya ng Astig, na pinagbidahan nina Sid Lucero, Dennis Trillo, at Arnold Mendoza noong 2003.

Dugtong pa niya, "Yung mga pinagdaanan namin noon nina Boy ay aral, mga eksperimento. Eto [resto] na ang tunay na umpisa...parang gano'n."

Ganun din ang nangyari sa kanilang pagiging film producer. Batid niyang makakaranas sila ng birth pains.

"Never kaming kumita doon sa Astig, Paglilitis ni Andress Bonifacio. You don't earn, I think, in an indie film. Ginawa namin yun dahil gusto lang namin malaman at masilip kung paano gumawa ng indie film.

"Pero wala kaming intensiyong kumita doon. Pang-library or archive lang ang gamit. Parang one day...pero pag natuto tayo bakit hindi? Ang dami kong natutunan doon sa paggawa ng pelikula."

At sa kabila ng mga sinabi niyang losses pagdating sa kita, okay pa rin sa kanyang gumawa ulit ng pelikula.

Aniya, "Ako, I might produce next year for Cinemalaya. Kung makakakuha kami ng materyal." Pero kailangang makabuo muna sila ng script bago simulan ang casting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang lagay ng iba pa niyang negosyo?

"Nag-diverse" na raw sila sa ad agency nila ni Kris Aquino. "May tubig kami...Yung ad agency naman ay yung AD 888. Kahit nag-ano na kami, nandiyan pa rin. They handle the advertising of this place [Boy's Food Republique]. It's doing very well sa agency.

"Yung indie film, wala talaga kaming kinita. Pero itong agency is doing very well."

Magkano ang share niya sa restaurant?

Tumanggi siyang sagutin ang tanong at ang tanging sinabi ay marami raw silang magka-sosyo rito.

At hindi raw siya umiiwas sa mata ng BIR (Bureau of Internal Revenue) kaya hindi niya sinagot ang tanong.

"I pay taxes, kaya hindi ako takot...it's a corporation. That's how far I would say," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN