Jennylyn Mercado on PDA rumor with Luis Manzano: "Hindi naman po kami, bakit magpi-PDA?"

IMAGE 0


"Wala pa ring nangyayaring kahit ano, wala pa ring development. So, hanggang ngayon, iyon lang ang maisasagot ko, na dating pa rin hanggang ngayon," says Jennylyn Mercado about the status of her relationship with Luis Manzano.


Nilinaw ni Jennylyn Mercado ang napabalitang matindi diumanong "public display of affection" nila ng nali-link sa kanya ngayong si Luis Manzano.

Sa one-on-one interview niya sa kanyang co-host na si Pia Guanio sa Showbiz Central kahapon, July 24, ito ang sinabi ni Jennylyn:

"Okay, walang PDA dahil hindi kami. Unang-una, hindi kami.

"I just wanna clear things up, kasi hindi naman po kami, bakit magpi-PDA?

"So if ever, siguro kung meron mang ano, nag-beso lang, that's it! Ganun lang po."

Ayon naman kay Pia, "We've been seeing videos of you and Luis kasi, wherein parang you were seated in a car and he leaned over and he did something intimate with you. Ano ba talaga ang nangyari dun?"

Ang tinutukoy ni Pia ang pagbisita raw ni Jennylyn kay Luis sa taping ng hinu-host nitong programa sa ABS-CBN, ang Pilipinas Got Talent.

Paliwanag ni Jennylyn, "Kasi may hinatid lang ako sa kanya.

"Pero ang plano ko, iaabot ko lang talaga, as in inutusan ko lang yung personal assistant niya na pumunta sa akin para iabot lang din kay Luis.

"Pero hindi na ako bumaba, hindi na ako bumaba.

"So, nung time na yun, lumabas din si Luis nun.

"So, nabalitaan niya na nandun na ako sa labas, sabi niya, 'Halika, bumaba ka na muna kahit sandali lang.'

"Sabi ko, 'No na, hindi na, hindi na ako bababa. Nakakahiya 'tsaka baka may makakita sa akin.'"

Natawa si Jennylyn sa sinabi dahil yun nga ang nangyari—may nakakita nga at nakunan pa sila ng video.

Patuloy niya, "Sabi ko, 'Hindi na.'

"Sabi niya, 'Hindi, sandali lang, wala namang tao.' Kasi, wala naman talagang tao...

"Sabi ko, 'Sige, sige, basta sandali lang.' So, bumaba lang ako.

"Ang nandun lang, makeup artist 'tsaka si Billy [Crawford, Luis's co-host], so ayun, iyon lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos... wala pa akong five minutes."

So, sino ang kumuha ng video sa kanila?

"May nag-text sa akin nagtatago daw sa puno, ang lupit!" ang natatawang reaksiyon ni Jennylyn.

"Ayun, yun lang. Wala pa akong five minutes, umalis na ako agad.

"Tapos, kasama namin si Billy, tapos si Luis lumabas, tapos hinatid na ako sa kotse. That's it!

"Walang ano. Nag-beso ako kay Luis, nag-beso rin ako kay Billy to say goodbye and then umalis na ako."

Tinanong ni Pia kung ano yung dinala niya kay Luis.

"Huwag na!" natatawang sabi naman ni Jennylyn.

"Hindi, personal na gamit niya yun, e."

THE REAL SCORE. May mga balita rin na bago pa man kumalat ang PDA issue nila ay binasted na raw ni Jennylyn si Luis. At ang isa raw sa mga dahilan ay dahil kuripot si Luis.

Ano ba ang totoo rito?

"Wala, dating... ito pa rin ang status—dating pa rin po kami.

"Wala pa ring nangyayaring kahit ano, wala pa ring development.

"So, hanggang ngayon, iyon lang ang maisasagot ko, na dating pa rin hanggang ngayon," sabi ni Jennylyn.

So, bali-balita lang ang basted at kuripot issue?

"Yeah!" sambit ni Jennylyn.

"Siguro bali-balita lang. Alam n'yo naman yung mga... siyempre trabaho nila yun.

"Pero siyempre, para sa akin, kailangang alamin nila yung buong detalye bago sila maghusga at bago sila magsabi ng kung anu-ano, di ba?

"Yung tama at saka yung totoo."

Ano ang nararamdaman ni Jennylyn sa mga naglalabasang issues? Napi-pressure ba siya in any way?

"Sa akin, hindi ako napi-pressure," sagot niya.

"Kasi, para sa akin, nakakatawa na lang na nagsusulat sila ng mga bagay na hindi man lang nila alam kung totoo o hindi. So, parang ang hilig nilang maghusga.

"Pero para sa akin, natatawa na lang ako, pinagtatawanan ko na lang.

"Kasi as long as hindi totoo, at alam ko yung totoo, e, dedma na lang, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lately ay madalas sabihin ni Jennylyn na hindi pa siya handang pumasok muli sa isang relasyon. Pero ngayong mas lalo niyang nakikilala si Luis, medyo nagbabago na ba ang desisyon niya?

"Sa ngayon, wala pa rin, wala pa rin talaga," sabi niya.

"Ang priority ko ngayon, ang family ko, ang career ko, at ang sarili ko. Kailangan kong alagaan ang sarili ko.

"Hanggang ngayon, sa ngayon siguro iyon pa lang muna... muna."

Pero paano nakakadagdag si Luis sa buhay niya ngayon?

"Kasi si Luis, kasama ko siyang mag-training, e. Mag-training, di ba, ng martial arts.

"So, hindi maiwasan na magkita talaga kami kasi pareho rin kami ng trainer. So ayun, nagkakakitaan lang, ganyan.

"Pero hindi dun naka-focus ang buhay ko sa ngayon. Wala munang lovelife.

"Kumbaga, okay lang na makipag-meet sa ibang people, di ba?

"Hindi naman masama dahil single naman ako. Mag-entertain ng ibang tao.

"Pero sa ngayon, iyon na lang muna siguro—pamilya ko at ang career ko."

DENNIS TRILLO. Naitanong naman kay Jennylyn kung nagkita o nagkasalubong sila ni Dennis Trillo sa Party Pilipinas kahapon, kung saan pareho silang naroon.

"Well, hindi ko po alam na nandun si Dennis. Honestly, hindi ko alam na nandun siya.

"Kanina ko lang nalaman. May nakapagsabi rin sa akin sa text, 'Uy, nagkita ba kayo?'

"Sabi ko, hindi ko siya nakita kasi naghu-host ako kanina, kumakanta ako, so medyo busy ako.

"Hindi ako nakakapanood kahit sa screen namin sa dressing room, so hindi ko siya talaga nakita," sabi niya.

May mga ginagawa si Jennylyn na binibigyan ng kahulugan ng ibang tao, tulad nang malaman daw niyang pagkakakanta ng "Now That I Have You" sa Party Pilipinas.

Paliwanag naman dito ng actress-singer, "Kasi ganito 'yan, trabaho ko 'yan bilang singer.

"Di ba, pag nagpe-perform ka, kailangan... dapat ramdam mo lahat ng ginagawa mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang sa pag-arte lang, dapat maramdaman ng mga tao kung ano yung nararamdaman mo bilang effective na artista.

"Sa pagkanta, ganun din, kailangan kung ano yung lyrics, kung ano yung message nung kanta, kailangan ramdam mo rin, di ba?

"Para maganda lumabas."

HEALING A BROKEN HEART. How does she heal a broken heart?

"Siyempre, hindi madali, hindi talaga madali.

"Ako, hanggang... aaminin ko, hanggang ngayon siyempre, kahit papaano nalulungkot pa rin ako kapag may nakikita pa rin akong mga pictures, ganyan.

"Yung memories hindi pa rin mawawala. Siyempre, nandun pa rin yung sakit, di ba?

"Let's face it, talagang ang hirap talaga, lalo na pag mahal na mahal mo yung isang tao.

"Pero siyempre, darating din yung panahon na kailangan mo talaga siyang... kailangan mong gumawa ng paraan, gumawa ka ng way para makalimutan mo siya, para hindi mo siya masyadong maisip.

"Like ako, di ba, nung naghiwalay kami ni Dennis, sobrang lungkot ko. So, sabi ko, mag-iisip ako ng ibang puwedeng gawin.

"Nag-jujitsu ako, nag-martials arts ako para medyo hindi ako masyadong focus sa bagay na yun, para hindi ako masyadong malungkot.

"Tapos lumalabas ako with my friends, yung mga old friends ko, ayun.

"Mas masarap yung ganun. Yung kahit papaano hindi mo sila naiisip dahil meron kang pinagkakaabalahan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN