Jennylyn Mercado interviews ex-boyfriend Mark Herras on Showbiz Central

IMAGE 0


"Siguro ang masasabi ko, masaya ako dahil nakita kita ngayon, di ba? Ang dami nating pinagdaanan, ang dami nating pinagsamahan, so nakakatuwa na magkasama ulit," says Jennylyn Mercado about ex-boyfriend Mark Herras.


One-on-one na in-interview ni Jennylyn Mercado ang dating boyfriend at ka-loveteam niyang si Mark Herras sa Showbiz Central noong Linggo, July 31.

Matapos ang mahabang panahon ay ngayon lamang muling sabay na napanood sa telebisyon ang dalawa.

Kinumusta muna ni Jennylyn si Mark.

"Okay naman. Balik-trabaho, balik-taping, busy ulit, puyat. Pero masaya dahil back to work," sagot ni Mark.

Tanong ni Jennylyn, "Anong feeling mo na kaharap mo ako ngayon?"

"A, mutual yung feeling," sabi ni Mark.

"I mean, ngayon nag-iinterbyu ka na. Di ba, before tayo yung iniintriga?

"Ikaw, lalo ka na, ngayon ikaw na yung nagtatanong ng mga questions at unti-unti, naiisa-isa lahat dito.

"So, soon, malamang... iyon."

KRIS BERNAL. Tinanong naman ni Jennylyn si Mark kung kumusta si Kris Bernal bilang ka-loveteam niya ngayon sa danserye ng GMA-7 na Time Of My Life.

"Si Kris as loveteam, okay siya, kasi kilala ko si Kris. Off-cam, magkaibigan kami.

"Working with her sa danserye, nakita namin yung talagang yung training niya sa pagsasayaw, sobrang binibigay niya lahat.

"Talagang umiiyak na siya sa pagsasayaw dahil sa sobrang hirap. So, dedicated si Kris.

"And kami ni Rocco [Nacino], we're proud kay Kris, at I'm happy dahil first team-up namin ito ni Kris Bernal."

Sa tingin ba ni Mark ay posibleng ma-link sa kanya si Kris?

"Well, sa ngayon pa lang, sa mga interviews, hindi na nawawala yung tanong na yun na baka sa gitna ng show, ma-link kayo or ganun.

"Sabi ko, basta for now, gusto namin ibigay lahat for this. Inaayos namin.

"Ayoko munang bigyan ng ibang intriga yung Time Of My Life kasi unang-unang pagtatambal namin ito, at ibinibigay naming lahat ng makakaya namin for this show dahil madaming nag-aabang for our danserye."

JEN-MARK LOVETEAM. Diretso namang tinanong ni Jennylyn si Mark: "Sino ba ang mas okay na ka-loveteam—siya o ako?" sabay tawa ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ganito 'yan, iba-iba yung mga naging ka-loveteam ko, siyempre.

"Pero when it comes to Jen, iba yung dating sa tao talaga.

"Malakas yung dating nung loveteam ng Mark and Jen, alam naman ng lahat ng tao yan," pahayag ni Mark.

Parehong produkto at winners ng kauna-unahang StarStruck sina Mark at Jennylyn.

BLOOMING. Kinumusta naman ni Jennylyn kay Mark ang estado ng pakikipagrelasyon nito ngayon at kung happy ba siya ngayon. Is there still a chance in going back the way it was before between them?

"Ako, I'm happy, I'm happy right now, wala akong problema, lahat...

"Alam mo yun, lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko ngayon, nagagawa ko.

"Eto ulit ako, balik-trabaho, balik-taping, and still nakakakuha pa rin ako ng time for my personal life.

"At masaya, masaya pa rin ako."

Sinabi naman ni Jennylyn na blooming si Mark ngayon. Inspired o in love ba siya ngayon kaya siya blooming?

"Pareho," tugon ng young actor.

"Siguro pareho dahil una siguro, dahil andiyan na ulit ang trabaho ko kaya talagang nagpapakaayos ako ng hitsura.

"Second, siyempre, I'm happy with Ynna [Asistio, his girlfriend], and siyempre, inspired.

"Alam mo yun, once na hindi nakakatulong sa 'yo yung ka-relationship mo, lumalabas yun sa hitsura mo."

Biro naman ni Jennylyn, "Talaga? Ay, kaya pala ang cute mo dati!"

PAST RELATIONSHIP. Tanong pa ng young actress-TV host, "Na-miss mo ba akong ka-loveteam?"

"Working with you? Siyempre, siyempre naman, siyempre naman," sagot ni Mark.

Jennylyn: "Okay lang ba sa 'yo na magkaroon ulit tayo ng show together?"

"Another project? Oo naman, bakit hindi, bakit hindi," sabi ni Mark.

"After Ikaw Sana, di ba, marami pa ring nagre-request at marami pa ring naghahangad na magkaroon ng show ang Mark-Jen?

"So 'yon, siyempre, why not?"

Jennylyn: "Ano bang pinag-iba ko since we broke up?"

Mark: "A, tumatanda na tayo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jennylyn: "Tumatanda ako?"

Paliwanag ni Mark, "Hindi, I mean, kumpara naman before.

"Hindi... blooming ka rin, hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ko alam kung bakit, pero blooming ka rin and seeing you and baby Jazz together, siyempre I'm happy."

Jennylyn: "Kumpare kita, di ba?"

Mark: "Yes, ma'am. And happy ako para sa inyong dalawa, and for your career."

Tinanong naman ni Jennylyn si Mark kung hindi ba magseselos si Ynna kung magtatambal sila ulit?

"Hindi, siyempre trabaho is trabaho," sagot ni Mark.

"IF EVER YOU'RE IN MY ARMS AGAIN." Kung magkakaroon ng pagkakataon na maisasayaw niya si Jennylyn, anong klase ng sayaw ang gusto ni Mark at ano ang tugtog?

"Siguro yung para sa 'yo at... para hindi ka na rin mahirapan mga steady lang, pang-lounge," sabi ni Mark.

At this point ay nagsayaw sina Jennylyn at Mark sa isang mabagal na tugtog.

After nilang sumayaw, tinanong naman ni Mark si Jennylyn kung ano naman ang kanta niya para sa kanya at hinilingan siyang magbigay ng sample.

Matapos mag-isip ay kinanta ni Jennylyn ang "If Ever You're in My Arms Again" ni Peabo Bryson.

After kumanta ay sinabi ni Jennylyn na ni-request iyon ng mga fans nilang naroroon sa studio during their interview.

Sabi niya, "Siyempre, kailangan kong kantahin kung ano'ng makakapagpasaya sa kanila."

"Bakit iyon?" ang tanong naman ni Mark kay Jennylyn.

Sagot naman ni Jen, "Bakit hindi? Gusto ko, e! Gusto kasi nila [Mark-Jen fans], gusto ko silang pasiyahin.

"Kasi ang tagal nilang hinintay ang pagkakataon na magkasama tayo ulit kahit na dito lang sa Showbiz Central.

"Sinisigaw nila 'If Ever You're in My Arms Again,' kahit hindi ko alam yung lyrics, sige kinanta ko pa rin, di ba?" at muling tumawa ang actress-singer.

Ani Mark, "Okay, ako naman ang magtatanong. Kumusta ang lovelife mo? Ano ang real score sa rumored romance ninyo ni Luis [Manzano]?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jennylyn, "Parati ko namang sinasabi, hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.

"Ini-enjoy ko lang yung company namin ng isa't isa at hindi pa ako ganun kahanda na magmahal ulit."

Tinanong naman ni Jennylyn si Mark kung ano ba ang nagpapasaya sa binata.

"Siyempre, I'm happy working again, I'm happy na busy ulit ako Monday to Friday, Saturday, Sunday... and I have Ynna in my life," sagot ni Mark.

Jennylyn: "Ano ang masasabi mo seeing me now?"

Mark: "Sabi ko nga, blooming ka. Mukhang okay naman yung health mo ngayon and mas makapal ang buhok mo sa akin ngayon.

"At congrats dahil you're working now in Showbiz Central."

Sabi naman ni Jennylyn, "Siguro ang masasabi ko, masaya ako dahil nakita kita ngayon, di ba?

"After a long time, huli naming pagsasama, mga kaibigan, ay Ikaw Sana pa three years, four years ago.

"Sobrang nakakatuwa, di ba? Ang dami nating pinagdaanan, ang dami nating pinagsamahan, so nakakatuwa na magkasama ulit."

Ayon naman kay Mark, "Ako rin, same, same."

Hiningan naman ni Mark ng message si Jennylyn.

Ani Jen, "Sana magkatrabaho tayo ulit, magkaroon ulit ng chance na magkasama tayo sa isang show.

"At maraming-maraming salamat at pinagbigyan mo kami ngayon dito sa Showbiz Central at pinayagan mo na ako ang mag-interview sa 'yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN