Rocco Nacino considers July as the "month of his life"; happy to have an "inspiration"

IMAGE 0


"I'm happy na I have someone to talk to when everything's going to my head—work, pressure, yung puyat, stress. May someone na mailalabas ko yung concerns ko," says Rocco Nacino about his "inspiration."


Fresh from the success of his first film, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa—na ipinalabas sa katatapos lang na Cinemalaya Film Festival—sunod na mapapanood si Rocco Nacino sa kauna-unahang danserye ng GMA-7, ang Time of My Life.

Bagamat hindi pa itinuturing ni Rocco na "time of his life" ang mga magagandang nangyayari sa showbiz career niya ngayon, masasabi naman niyang ito ay "month of his life."

"This July talaga, month of my life, lucky month ko!

"Dumating ang Men's Health, the indie film, itong danserye, the YES! 100 Most Beautiful Stars..." pag-e-enumerate ng young actor sa one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa grand presscon ng Time of Your Life last July 26 sa Studio 6 ng GMA Network.

Sinimulan nga ni Rocco ang buwan ng July sa pamamagitan ng pagku-cover niya for the first time sa isang glossy magazine, gaya ng Men's Health.

Sinundan ito ng first movie niya, ang indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na umani ng mga papuri mula sa mga manonood at sa mga kritiko. (CLICK HERE to read PEP review.)

Nakasama rin siya sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2011.

At sisimulan naman niya ang buwan ng Agosto sa pamamagitan ng danserye na Time of My Life, na pinagbibidahan nila nina Kris Bernal at Mark Herras.

Pero umaasa si Rocco na hindi pa rito natatapos ang blessings na dumarating sa kanya.

Sabi niya, "I'm praying for more blessings... to keep a good head on my shoulders and keeping my feet on the ground.

"Iniisip ko na itong lahat ng nangyayari sa akin, just put in into one capsule, swallow it, make it a module of motivation para ituloy ko yung ginagawa ko."

Nao-overwhelm ba siya sa dami ng dumarating na blessings sa kanya?

"Yes! Just knowing the fact na artista na ako, umaarte na ako, nakakasama ko na sila [big stars].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron na akong pelikula, having billboards, it's a big wow!

"Parang big thank you, lalo na kay Lord, na binibigyan Niya ako ng chance na maranasan ko...

"Not everybody can experience this. Kaya I'm really thankful sa lahat ng ibinibigay Niya..."

Saan niya ina-attribute ang tagumpay at blessings na ito?

"Itong lahat, parang... If not for my parents' discipline na in-instill nila sa akin, and teachings nila sa akin, na if I haven't finished my studies first, I wouldn't be like this.

"Kaya itong lahat, dahil sa kanila...

"Lessons learned, with my experiences, yung mga kalokohan ko, lahat ng pagkakamali ko, lahat nagamit ko para i-apply sa trabaho ko.

"Everything has been great so far," sambit pa niya.

FIVE YEARS FROM NOW. Five years from now, nakikita ni Rocco ang kanyang sarili na nagtatrabaho pa rin bilang isang Kapuso.

Pero paano pag may offers mula sa ibang networks within that period?

"Well, it's hard to let go of GMA kasi napalapit po ako sa mga boss dito, sa Artist Center, sa mga artista dito.

"I don't know... It really depends on my situation. Pero as much as possible, I wanna stay here," sabi niya.

Aside from being a Kapuso, ano pa ang nakikita niya sa kanyang sarili five years from now?

"Assuring my brother's education. Setting up a business for my family, for my parents, para makapag-retire na sila.

"Kasi hanggang ngayon, they're doing so much para sa kapatid ko.

"Of course, I'm helping now. I'm really proud na nakakatulong ako ngayon. So, masaya ako.

"And I see myself as a happy person... Still working, still having the same motivation."

Is he already married by that time?

"No, not yet. Ano pa... siguro mga 35," sabi ng 24-year-old actor.

Hindi ba masyado nang late 'yon for him to marry?

"Going to 35 siguro, baka hindi na ako magka-baby no'n!" bawi naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hopefully, ma-achieve ko 'yon."

ROCCO'S INSPIRATION. Tila talagang naka-focus ngayon—at maging sa future—sa kanyang career si Rocco. Ibig bang sabihin nito ay hindi niya nakikita ang kanyang sarili na lumagay na sa tahimik by that time?

"I'm happy, actually, may inspiration ako ngayon," pagtatapat ni Rocco.

Bagamat hindi niya direktang sinabi kung sino ang tinutukoy niya, alam naman ng karamihan na ito ay walang iba kundi ang nali-link sa kanya ngayong si Sheena Halili.

Patuloy ni Rocco, "I'm happy na I have someone to talk to when everything's going to my head—work, pressure, yung puyat, stress.

"May someone na mailalabas ko yung concerns ko.

"So, masaya ako na ganito ang takbo ng buhay ko."

Pero wala pa silang commitment?

"Wala pang commitment... Ang importante, masaya ka," sagot niya.

STEVEN SILVA. Si Rocco ay produkto ng reality-based artista search ng Kapuso network, ang StarStruck V.

Sa pagtatapos ng contest ay naging Second Prince lamang si Rocco, at ang nanalo bilang Ultimate Male Survivor ay si Steven Silva.

Magkasama ngayon sina Rocco at Steven sa Time of My Life.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Steven, inamin niya na kahit papaano ay frustrated siya na hindi siya nabibigyan ng mas magagandang roles at projects ng gaya kay Rocco. (CLICK HERE to read related story.)

Tinanong namin si Rocco kung napag-uusapan ba nila ni Steven ang bagay na ito.

"We always talk, pero hindi namin nata-tackle 'to," sabi niya.

"But whenever we have things, or doing Party Pilipinas, we always look out for each other. Steps pa lang, we review each other's...

"Pag may Tagalog siyang [lines], nagre-review kami, paulit-ulit kami sa lines.

"Kasi, tulungan kami dito, e. Kung hindi kami magtutulungan, kung sarili lang namin ang iisipin namin, bagsak pa rin ang show."

Sang-ayon din si Rocco sa sinabi ni Steven na ang pinakamalaking kahinaan nito ngayon ay ang pagsasalita ng Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun pa rin ang number one concern niya hanggang ngayon.

"Pero I'm proud of him kasi ngayon, sobrang galing na niyang mag-Tagalog.

"I will speak to him in Tagalog para ma-practice talaga," banggit pa ni Rocco.

Nagkasama na noon sina Rocco at Steven sa afternoon soap na Koreana, kung saan gumanap sila bilang leading men ni Kris Bernal.

Ngayon sa Time of My Life ay magkakasama na naman silang tatlo. Pero kung na-retain si Rocco bilang leading man ni Kris, na-relegate naman si Steven sa supporting role.

Ano ang naging reaksiyon dito ni Rocco?

"Sa umpisa, sabi ko, parang, 'Ay, ba't gano'n yung role niya?'

"I was wishing for him to have a nicer role, kasi he was in a leading-man status.

"Pero para sa akin, he's not taking it negatively.

"This will be a challenge for him to do better. Para in his next project, he's back there again.

"I believe in him, of course. Kaibigan ko 'yan, e," sabi niya.

ENZO PINEDA. Ano naman ang masasabi niya sa isa pa nilang ka-batch sa StarStruck na si Enzo Pineda, na kasama rin sa cast ng Time of My Life?

"Enzo is there, he's growing up din," sabi ni Rocco.

"He's gonna do Cosmo, he's gonna be a Centerfold, so I'm happy for him.

"At kaibigan ko 'yan, kaya sinusuportahan ko siya.

"Yung mga diets ko, sini-share ko. Hopefully, magamit din niya at makatulong sa pag-prepare niya."

Last year ay si Rocco ang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash bilang isa sa Top 10 Centerfolds.

Dagdag niya, "In terms of mga eksena namin, mga acting, Sayaw Pilipinas, we always look out for ach other.

"So, I'm happy we're doing Time of My Life. Barkada kami talaga dito."

SACRIFICE. Napansin namin sa aming pakikipag-usap kay Rocco na mukhang haggard siya.

Inamin naman ng young actor na napagod siya sa pagre-rehearse nila ng special number para sa presscon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginagawa niya para mawala ang stress niya sa trabaho?

"What I do kapag wala sa tulog talaga, nagpapamasahe ako...

"I do gymnastics actually for this danserye. Kaya pag may panahon kaming magpahinga, I go to the gym, I work out, I do gymnastics."

Hindi ba't nakakapagod din ang mga activity na ito?

"Yeah, sacrifice talaga," sabi naman niya.

"Kaya sinasabihan kami ni Direk Mark [Reyes], pag may oras kaming magpahinga, pahinga. Don't do any rackets anymore."

Sa mga panahong sunud-sunod ang trabaho niya at halos wala na siyang oras para sa kanyang sarili at sa pamilya, may mga pagkakataon bang iniisip niyang hindi na lang sana niya pinasok ang showbiz?

"A, hindi," mabilis niyang sagot.

"Hindi ko hinahayaan yung sarili ko na ganun mag-isip na, 'Ay, ayoko na.' Parang no excuse just to give up.

"Parang I see it as a challenge lagi... Parang you test your faith, kung kakayanin mo talaga.

"Siyempre, pag ginagawa mo 'to, for the people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN