JC de Vera and other celebs want "proper accounting" for their closed business venture

IMAGE 0


TV5 talent JC de Vera is one of the celebrity investors of Barrakz Bar & Restaurant, which closed down earlier this year "due to substantial losses incurred in the last two years."


July 7, 2007 nang buksan ang Barrakz Bar & Restaurant sa kanto ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue. Pag-aari ito ng ilang celebrities.

Kabilang sina JC de Vera, Katrina Halili, Dennis Trillo, Wesley Gonzales, Jaya, Anjo Yllana, Alfred Vargas, at Diana Zubiri sa celebrity investors na nagbigay ng halos P900,000 each para sa kanilang business venture na ito.

Noong May 9, 2011, nagpatawag ng stockholder's meeting ang Barrakz manager na si Lito Alejandria.

Pinag-usapan sa meeting ang pagsasara ng Barrakz at sa pamamagitan ng sulat, ipinaaalam sa mga investor ang desisyon ng management.

Ito ang nilalaman ng naturang sulat:

"The business operations of Barraks Bar and Restaurant, Inc. was formally and officially ceased since March 31, 2011, due to substantial losses incurred in the last two years.

"Moreover, the unsettled obligations were presented. It was unanimously decided by the members in attendance that all inventory and equipment with value shall be auctioned at the total of P300,000 minimum, to pay part of the accounts. Attached is the list of inventory available for sale.

"In order to facilitate the auction and pay the urgent payables as per attached list, may we request your confirmation by affixing your signature."

Hindi pinirmahan ni JC de Vera at ng ibang mga stockholder ang sulat na ipinadala sa kanila ni Lito dahil gusto nila na magkaroon ng proper accounting.

Mabigat para kay JC at sa ibang investors na hindi nabawi ang pera na isinosyo nila.

Ani JC, "Maraming anomalya sa loob. Konsensiya na nila 'yon. Hindi ko alam kung sino.

"Proper accounting lang ang hinihingi namin. Yun naman ang dapat na procedure.

"Gusto n'yo na mag-close, mag-close kayo. Ilabas n'yo lahat ang accounting.

"Ang rason nila, walang pumupunta sa mga meeting-meeting. Kasi kapag nagmi-meeting, ini-explain nila kung ano yung monthly cost and expensese, kung saan nanggaling yung mga binabayaran.

"Para sa iba, hindi nila naiintindihan 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakatanggap kami noon ng P20,000-plus...pampalubag-loob."

Dagdag pa niya, "Bakit nag-close na siya, marami pang mga utang? Bakit hindi 'yon nabayaran way back?

"Palagi akong pumupunta doon para makibalita kaya nalalaman ko.

"Tinatanong ko si Lito pero kapag nagtatanong ako, may way siya para iwasan ang isyu."

Hindi na alam ni JC at ng mga stockholder kung natuloy ang auction sa mga kasangkapan ng Barrakz.

Pero kahit sarado na ito, hindi pa rin tapos ang isyu na posibleng humantong sa korte.

Bukas ang PEP sa panig ng iba pang nabanggit na mga pangalan sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN