JC de Vera says he's nervous about the Robin Padilla challenge

IMAGE 0


JC de Vera says he became nervous when the VTR message of action star Robin Padilla was shown during the September 3 presscon of TV5's upcoming Ang Utol Kong Hoodlum. "Sobrang kinabahan ako dun sa kanyang sinabi, na sana mas galingan ko, mas higitan ko pa siya—hindi ko po talaga kayang gawin yun kasi nag-iisa lang siya," JC says.


Inamin ng aktor na si JC de Vera na nagulat siya sa ipinakitang VTR kagabi, September 3, sa presscon ng pinaka-unang action TV show ng TV5, ang Ang Utol Kong Hoodlum, sa Bayanihan Center sa Mandaluyong City.

Bago kasi ang pormal na umpisa ng question and answer portion para sa cast ng show, nag-play muna ng isang VTR na may mensahe si Robin Padilla at Vina Morales, ang mga dating bida ng original '90s film, na nilikha ni Deo Fajardo Jr.

Matapos ang presscon, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si JC at dito'y sinabi niyang nagpapasalamat siya sa naging mensahe ni Robin at Vina para sa kaniya at ng co-star niyang si Jasmine Curtis-Smith.

"First of all, gusto ko magpasalamat kay Sir Robin [Padilla]. Binigyan niya kami ng chance para [ipagpatuloy] ang nasimulan nila," ang sabi ni JC.

"Pangalawa, sobrang kinabahan ako dun sa kanyang sinabi," pag-amin ng aktor.

"Na sana mas galingan ko, mas higitan ko pa siya — hindi ko po talaga kayang gawin yun kasi nag-iisa lang siya.

"Ang magagawa ko lang, magiging inspiration ko siya to work hard, na pagandahin lahat ng mga action scenes tulad niya."

Kabado man siya at ang kanyang leading lady na si Jasmine, hinihiling niya na sana mainit din ang pagtanggap ng tao sa kanilang TV show.

"Kasi siyempre aminin na natin, napakalaking pressure sa aming dalawa ni Jasmine na gumawa ng isang TV show na ganito, na alam nating nag-hit siya dati," ani JC.

"Hindi talaga namin alam ang magiging outcome, pero [we're] hoping na matapatan namin yun o mahigitan pa.

"Pero, siyempre give respect naman kay Robin Padilla at Vina Morales. Bow kami talaga sa kanila, napakagandang material ang nagawa nila."

MIXED MARTIAL ARTS. Naging matindi ang paghahanda ni JC para sa project na ito. Matagal nang natapos ang shooting ng palabas bagama't ngayong buwan pa lamang i-e-ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito'y matapos mapagdesisyunan ng TV5 management na i-usog ang nakatakdang airing date ng palabas, bilang pagbibigay respeto sa bagong soap opera ng dating bida ng Ang Utol Kong Hoodlum na si Robin Padilla. (CLICK HERE for related article)

Isa sa mga naging preparasyon ni JC ay ang training niya sa Mixed Martial Arts o mas kilala bilang MMA.

Ayon sa website na mirriam-webster.com, ang Mixed Martial Arts ay "contact sport that allows a wide range of fighting techniques including striking, kicking, and grappling."

Ayon kay JC, bukod sa preparasyon niya sa TV show, ang MMA ay naging "regular work out" na niya.

"Napakagandang exercise ito para sa akin. Hindi lang nagiging malakas yung katawan ko... nagagamit ko na siya ngayon sa mga TV shows.

"Nagkakapag-direct na ako ng mga konting fight scenes," ang sabi ni JC.

Pero kung ang pagko-compete sa naturang sport ang pag-uusapan, "Siguro, later on na yun 'pag may time na ako talaga.

"Kasi, sa trabaho natin na ito, less talaga yung pahinga, less yung tulog.

"So, hindi pa ako pwedeng mag-100 percent talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN