Carmina Villarroel accepts Kapuso afternoon soap based on "gut feel"

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

IMAGE 0

"Hindi ko kasi ine-expect na marami pala ang nakaka-miss sa akin sa paggawa ng drama. So, noong malaman nila na gagawa ako ng soap, parang, 'Ay, hinahanap din pala nila ako.' Panahon na rin kasi ito. Kasi kapag parang hindi suwabe, parang may mali, then that's the time na I say, ayoko. Pero ito, wala naman akong naramdamang ganoong feelings. Parang nangyari lang," says Carmina Villarroel about doing another soap.

Hindi naman lingid sa karamihan na bago tanggapin ni Carmina Villarroel ang afternoon soap ng GMA-7 na Pahiram ng Isang Ina ay tinanggihan muna niya ang role sana para sa primetime series na Munting Heredera.

Paliwanag ni Carmina noon, masyadong nakakapagod gumawa ng soap kaya minabuti niyang huwag munang gumawa nito. At napunta nga ang naturang role kay Camille Prats.

Kaya marami ang nagulat nang tanggapin niya ang Pahiram ng Isang Ina, na isa ring soap opera.

Paliwanag naman ng actress-TV host, "Siguro panahon na para bumalik na rin ako. Ilang years na rin akong nagho-host.

"Hindi ko kasi ine-expect na marami pala ang nakaka-miss sa akin sa paggawa ng drama.

"So, noong malaman nila na gagawa ako ng soap, parang, 'Ay, hinahanap din pala nila ako.' Panahon na rin kasi ito.

"Kasi kapag parang hindi suwabe, parang may mali, then that's the time na I say, ayoko.

"Pero ito, wala naman akong naramdamang ganoong feelings. Parang nangyari lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa presscon ng Pahiram ng Isang Ina kagabi, August 8, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Bukod sa bagong soap opera na ito ay napapanood pa rin si Carmina sa reality show na Day Off sa GMA News TV at sa weekly sitcom na Pepito Manaloto sa GMA-7.

FIRST TIME. Ayon kay Carmina, marami raw first sa kanya dito sa Pahiram ng Isang Ina.

Isa na rito ang pakikipagrabaho niya kay Direk Joel Lamangan at gayundin ang karamihan sa cast, na kinabibilangan nina Bea Binene at Jhake Vargas.

May mga kundisyon ba siyang hiningi sa paggawa ng Pahiram ng Isang Ina, tulad ng si Direk Joel ang direktor?

"Hindi, tulad nga ng sinabi ko, kapag may na-feel ako... tried and tested na yung ganoong gut feel ko, e.

"So, every time na may napi-feel ako at may narinig kayo na tinanggihan ko 'to, tinanggihan ko 'yan, it's because yun ang naramdaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"People may not understand why, but like I've said, tried and tested ko na.

"Kapag hindi ako kinutuban ng something, ibig sabihin, 'Go, Mina!'

"So, with this one, siguro it's really meant na sa akin mapunta ang show na ito.

"Meant talaga na si Direk Joel ang director. Nagkataon lang talaga na kahit sabihin mo na si Direk Joel hanggang 12 lang, may contract time din naman ako na hanggang 2 [a.m.].

"Kasi naman, may trabaho rin ako the next day.

"So, ayoko rin naman na magsa-suffer din ang programa ng GMA, di ba?

"So, siguro, like I've said, hindi kasi ako naniniwala na coincidence. Talagang may purpose, e.

"Feeling ko, talagang nangyari ito sa akin. Ito ay para sa akin, yung ganoon.

"I claim it, naks!" saad niya.

WORKING BIRTHDAY. Biro naman ni Carmina, birthday month daw niya ngayong buwan kaya wala na naman siyang life.

"Birthday ko, August 17, may taping kami, e!" natatawa niyang sabi.

Yun ang ayaw niya?

"Sana!" tawa niyang muli.

"Gusto ko namang magtrabaho, pero may buhay pa.

"Pero, ganoon talaga. Ganoon talaga kapag nagso-soap.

"Siguro nagkataon lang din na meron pang Pepito, may Day-Off pa.

"Kaya talagang ngarag. Hanggang Sabado, yung ganoon."

EXPIRING CONTRACT. May mga isyu na since malapit nang mag-expire ang kontrata niya sa GMA-7, nandiyang lilipat na raw siya ng network. Lalo pa nga't ang partner niyang si Zoren Legaspi ay visible ngayon sa TV5.

Ayon naman kay Mina, "E, di ba, ganoon naman sila palagi?

"Dati, noong wala naman akong contract, tapos natapos ang Sis, kahit wala namang katotohanan na lilipat ako sa iba, siguro...

"I don't know... I think, wala naman. Siguro baka naisip lang nila na since patapos na ang kontrata ko, baka..."

May feelers na sa ibang network?

Matagal bago nakasagot si Carmina.

Pero aniya, "Siguro ano lang sila, baka nagtatanong-tanong lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang naman sa akin, marami rin namang ibang artista na naglipatan na.

"Siguro nagkataon lang na baka type ako or something.

"Pero yung ako kasi sa ngayon, honestly, masyado pang maaga kahit sabihin mong August na.

"Ayoko naman kasing pangunahan na, 'Ay, sige, lilipat ako or hindi muna.

"Parang ayoko muna siyang i-entertain kasi parang ayokong mag-isip ng medyo matagal pa.

"Parang gusto ko munang isipin ang mga ginagawa ko. Doon muna ang concentration ko.

"Ngayon, kung matapos na ang soap, we'll see, parang ganoon."

Personally, happy pa rin ba siya bilang Kapuso?

"Happy naman ako. Happy naman ako dito.

"Marami namang ibinigay sa akin ang GMA. Happy naman ako sa mga show, e," sagot niya.

Natawa naman si Carmina nang may magtanong sa kanya na baka raw kasi niyaya na siya ni Zoren.

"Hindi, hindi, a!" bulalas niya.

"Alam n'yo naman kasi si Zoren, parang kung saan na lang maabutan, doon na lang siya.

"Si Zoren kasi, wala siyang... hindi siya ganoon ka-sentimental na tao.

"Parang strike anywhere. Puwede siya rito, puwede siya sa kabilang istasyon na okey naman.

"At least, lahat kaibigan niya, lahat comfortable siya.

"Ako naman, kahit saan, basta masaya."

THE TWINS. Malalaki na ang kambal nina Carmina at Zoren na sina Mavy at Cassy.

Wala pa ba silang planong sundan ang mga ito?

"Naku, ang lalaki na! Naiisip ko nga kung susundan ko.

"Kasi siyempre, parang... hindi na, okay na 'to. Okay na sila," sabi ni Mina.

Ano naman ang masasabi niya sa pagkakasama nilang mag-anak sa listahan ng top endorsers ng YES! magazine?

"Thank you, thank you siyempre na nare-recognize naman nila. Thank you sa lahat ng kumukuha sa amin.

"Siyempre, malaking bagay na kinukuha ang pamilya ko. Ibig sabihin, they really trust our family.

"Maybe they also see naman na wala naman talaga kaming pretension.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nakita mo kaming pamilya, parang yun na yun. Hindi naman kami uma-acting.

"Yun lang, na kahit artista pala kami ni Zoren, puwede pa lang maging normal pala."

Wala pa bang nagpapahiwatig na gustong mag-artista sa kambal niya?

"Naku, mag-aral muna sila," sabi niya.

"Di ba, parang anak ni Lotlot [de Leon], nag-aral muna, nag-college?

"Ngayon, kung talagang gusto ng mga anak ko, yun muna ang condition ko, mag-aral muna sila.

"Yung lalaki ko talaga, si Maverick, ayaw talaga. Kasi nagte-tennis yun talaga. Yun ang concentration niya.

"Gusto raw niyang mag-compete. Kasi, nagtu-tournament na siya.

"Si Cassandra, medyo yun, palagi niyang sinasabi, 'Mommy, I want to be like you when I grow up. I want to be an actress. I want to host.' Ganoon-ganoon.

"Pag ganoon, 'Mag-aral ka muna, anak.' Parang sa akin, I don't want to stop them kasi very lucky ako, hindi ako pinigilan ng mga magulang ko. Very supportive sila.

"So, I wanna do the same to my kids if ever.

"Pero yun lang ang condition ko talaga. Mag-aral kang maige ngayon.

"Kung ibabalik nila sa akin na, 'Bakit ikaw, mommy, nakatapos ka ba ng college?'

"E, kaya nga, e!"

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26193/carmina-villarroel-accepts-kapuso-afternoon-soap-based-on-gut-feel" data-desc="Carmina says she and Zoren will allow their kids to enter showbiz only after college." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2d814ddc0.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN