Jean Garcia on doing an indie film: "Very rewarding!"

IMAGE 0


"Alam mo, para sa akin, very rewarding, sobrang sarap. Kasi, ang mga kasama mo talaga dito, [makikita] ang passion, mahal ang trabaho. 'Yong commitment nila sobra. Makikita mo na hindi naman pera ang pinag-uusapan kundi pagmamahal sa trabaho," says Jean Garcia on being part of an independent movie, which she first experienced in the 7th Cinemalaya entry Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.


Marami-rami na rin ngayon ang mainstream actors na nagnanais na maging parte ng paggawa ng independently produced na pelikula.

At isa sa mga ito ay si Jean Garcia, na sobrang ikinatutuwa ang pagkakasama niya sa isa sa mga entry ng Cinemalaya ngayong taon, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

"Natutuwa ako, iba pala talaga ang support system ng mga tao sa Cinemalaya, sa independent films, ang galing," namamanghang sinabi ni Jean nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang gala premiere ng pelikula noong Biyernes, Hulyo 22, sa Cultural Center of the Philippines, Pasay City.

Para sa aktres, tamang-tama ang pagdating ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa dahil katatapos lamang ng kanyang huling teleserye sa GMA-7 noon, ang Alakdana.

Sabi pa ng aktres, "Matagal ko nang gustong gumawa ng Cinemalaya.

"Pero hindi lang po kami nabibigyan ng pagkakataon dahil kapag mayroon kang regular show, may teleserye ka, 'yong schedule is very hard.

"Pero ito, umeksakto lahat. Noong matapos ko ang teleserye ko sa GMA-7, nabigyan ako ng pagkakataong gawin ang pelikulang ito, so binigay talaga ni Lord.

"Sobrang blessed lang po ako. Siguro talagang para sa akin ito kasi, matagal ko nang gustong gumawa ng indie film."

WORKING WITH PASSIONATE FILMMAKERS. Bukod sa pagkakataong makagawa ng isang indie film, masaya rin si Jean dahil nakasalamuha niya ang mga taong buo ang dedikasyon sa paggawa ng pelikula.

Kaya naman, sabi ni Jean, kung magkakaroon ulit ng tsansa, papayag siya ulit gumawa ng ganitong uri ng pelikula.

"Alam mo para sa akin, very rewarding ito, sobrang sarap.

"Kasi, ang mga kasama mo talaga dito, [makikita] ang passion, mahal ang trabaho.

"'Yong commitment nila, sobra. Makikita mo na hindi naman pera ang pinag-uusapan kundi pagmamahal sa trabaho."

Gayundin, pinuri ni Jean ang mga binatang aktor na nakasama niya sa pelikula, ang kapwa Kapuso talents na sina Rocco Nacino at Paul Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jean, "Siyempre, nakasama ko sina Rocco and Paulo, na ang tawag ko nga sa kanila ay 'my two favorite boys.'

"They're very professional, they're very good actors, and they're very good people.

"Guwapo na, ang babait pa ng puso, di ba? Ano pa ang hahanapin mo?"

ACTING AWARD. Sa mga magagandang nasabi tungkol sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, umaasa ba si Jean na magkamit ng bagong parangal sa pag-arte mula rito?

Hindi raw ito naiisip ni Jean sa ngayon dahil, "Sa totoo lang, sa ganda ng mga review sa amin, papuri, at pagmamahal ng mga taong nanood, panalo na kami.

"Sa sobrang ganda ng mga review, sa sobrang ganda ng mga sinasabi ng tao, wala, happy na kami. Parang panalo na kami talaga.

"Kung mayroon, siyempre, tatanggapin ko 'yon. Bakit naman hindi?

"Pero para sa akin, nakakataba ng puso ang panonood ng mga tao sa film namin at saka sa mga magagandang sinabi nila sa pelikula namin."

NEW DANSERYE. Sa pelikula, gumanap bilang isang guro sa literatura at isang dance instructor si Jean.

Sabi ng aktres, hindi naging biro ang paghahandang ginawa nila para sa pelikula.

"Medyo nahirapan ako," pag-amin ni Jean.

"Pero siyempre, medyo dumisiplina kami sa training. Nag-train kami kay Sir Ely Jacinto, he's a ballet dancer. Actually, four days ako nag-train sa kanila. 'Yon po ang kinalabasan."

Kasunod ng pelikulang ito, magiging bahagi naman si Jean ng bagong danserye ng GMA-7, ang Time of My Life, na magsisimula na sa Agosto 1.

Ani Jean, "Gusto ko ngang magpasalamat kay Alvin Yapan at kay Alem, kasi sa kanila nag-umpisa 'yong sayaw.

"Tapos, tamang-tama naman na nag-offer din sa akin ang GMA-7 sa akin ng danserye naman. Maganda rin ang danserye namin na Time of My Life."

Kumusta naman ang pagganap niya sa teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-e-enjoy ako," sagot ni Jean.

"Pero medyo masakit din sa katawan kasi sumasayaw ka na, dumadrama ka pa.

"Pero wala akong irereklamo kasi sobrang masaya ako sa ginagawa ko ngayon."

Kaugnay ng teleseryeng ito, may mga naunang ulat kamakailan na nagkaroon ng diumano'y hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Jean at ng kasamahan niyang si Cherie Gil.

Subalit umiwas na si Jean na pag-usapan pa ito. Sa halip, siniguro niya na maayos ang lahat sa pagitan ng mga aktor ng teleserye.

"Everything is okay," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN