Lovi Poe not worried about Marian Rivera's reaction to her pairing with Dingdong Dantes

IMAGE 0


"Si Marian, alam naman niya 'yon in the first place na trabaho lang. And magkaibigan kami. At parang ate ko na siya. So, wala. Hindi naman siya 'yong type na magri-react kaagad," says Lovi Poe about Marian Rivera, the girlfriend of Dingdong Dantes, who is Lovi's leading man in Aswang.


Patuloy na sinusuwerte sa kanyang career ngayon si Lovi Poe. Kaliwa't kanan ang kanyang projects hindi lang sa TV kundi maging pelikula.

After Temptation Island na kapapalabas pa lang, meron pa siyang My Neighbor's Wife, and then tinatapos din niya sa kasalukuyan ang Aswang kung saan leading lady siya ni Dingdong Dantes.

Sabi nga ni Lovi in a recent interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), there was a time daw na talagang nahihirapan siya sa sobrang hectic ng kanyang work schedule.

Kahit sa pag-portray ng mga characters niya sa mga pelikulang kanyang ginagawa ay hirap din umano siya kung minsan.

IN DEMAND. Isa siya sa most in demand young actresses ngayon. Ano ang feeling niya tungkol dito?

"Ano lang... I'm just happy. I love my job so much.

"At kumbaga, gusto ko lang ibalik ang anumang naa-achieve ko ngayon sa mga taong nagtitiwala sa akin.

"Of course, there are times na napapagod ka at feeling mo nahihirapan ka nga.

"Pero puyat lang 'yon na tulog at pahinga lang ang katapat, e.

"And once na nakapagpahinga ka, hahanap-hanapin mo rin 'yong work.

"Mas gusto kong napapagod ako sa useful na bagay. Kesa umaalis-alis ako ng bahay na gumigimik-gimik lang.

"Mas okey 'yong pagod ako dahil sa trabaho."

LOVELIFE. Ang pagiging busy ba niya ang dahilan kung bakit hindi niya nahaharap ngayon ang tungkol sa lovelife?

Kahit may mga naghihinala na sila pa rin ni Ronald Singson, na nakakulong ngayon sa Hong Kong, sinasabi nga ni Lovi na loveless siya ngayon.

"Yes! Mas masarap muna na ganito," sabi ng young actress.

Ayaw muna raw niyang bigyang-pansin ang tungkol sa usaping pampuso.

"I'm just here to have fun. And enjoy my life," sabi niya.

LEADING MEN. Kasama ni Lovi si Jake Cuenca sa My Neighbor's Wife. Kaya siyempre, hindi maiiwasang ma-link sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Lovi nang mausisa tungkol do'n.

"Siyempre magkaibigan kami," aniya.

"Nagkakilala kami sa Bench pa lang.

"He's a very good friend. And sobrang galing na artista.

"Akala ko, hunk lang siya. Pero magaling pala siya!" natatawang sabi ni Lovi

Si Dingdong Dantes naman na kapareha niya sa Aswang?

"Magaling din siya," sambit ni Lovi.

"Especially 'yong character niya, nakakatuwa 'yong character niya sa Aswang.

"Very bad boy pero makarisma. Gano'n 'yong character niya.

"At very cute 'yong story no'ng movie."

MARIAN RIVERA. Hindi ba siya nagkakaroon ng kaba? Lahat kasi ng mga aktres na nakakatrabaho ni Dingdong, nagkakaroon ng intrigang pinagseselosan diumano ng girlfriend nitong si Marian Rivera.

"Ay, hindi naman!" sabi ni Lovi.

"Si Marian, alam naman niya 'yon in the first place na trabaho lang.

"And magkaibigan kami. At parang ate ko na siya. So, wala.

"Hindi naman siya 'yong type na magri-react kaagad."

Kung sabagay, balitang may sinabi naman si Marian na if theres' someone na aprub sa kanya na makatrabaho ni Dingdong, si Lovi nga raw 'yon.

Ano ang masasabi niya rito?

"Wow! Thankful naman ako. Kasi nga, since ate ko naman siya.

"At saka wala naman sa kanya 'yon, e. Siguro kahit sino [na makatrabaho ni Dingdong].

"Hindi naman siguro totoo 'yong nang-aaway siya ng nakakapareha ni Dingdong," sabi pa ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN