Solenn Heussaff is willing to go sexy as long as it's "classy and artsy"

IMAGE 0


Solenn Heussaff on posing sexy for a calendar: "Baka kasi, siguro mataba ako dati. So, parang proud na proud ako sa trabaho sa katawan ko, 'yong exercise at 'yong diet, baka 'yon... kaya confident na ako ngayon."


Madalas na isipin dito sa ating bansa na basta may dugong banyaga o kaya'y lumaki sa ibang bansa ay may pagka-liberated na ang ugali ng isang artista.

Kadalasan kasi, sila ang matatapang o malalakas ang loob na mag-pose ng sexy para sa mga print ads, magazine covers o iba pang feature pictorials.

Subalit para sa baguhang aktres, host, at model na si Solenn Heussaff, inaamin niyang konserbatibo pa rin naman siya kahit na lumaki siya sa France.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Solenn kahapon, Nobyembre 14, sa calendar launch ng Ginebra San Miguel sa Cocoon Boutique Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Ipinaliwanag niya sa amin kung bakit nga ba tila malakas ang loob niya na magpa-sexy.

"Baka kasi, siguro mataba ako dati," natatawang sinabi ni Solenn.

"So, parang proud na proud ako sa trabaho sa katawan ko, 'yong exercise at 'yong diet, baka 'yon... kaya confident na ako ngayon."

MAINTAINING A SEXY BODY. Matinding pagdidiyeta daw ang ginawa ni Solenn para makuha ang magandang pangangatawan niya ngayon.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay may sinusunod pa rin siyang diet.

Ang sikreto niya ay, "Thrice a week, nagju-juju cleanse ako.

"'Tapos, bawal na kanin, bawal na fried foods, bawal na tinapay, puro grilled, steamed and vegetables lang.

"Bawal na din chichirya, pero 'pag Sunday I can eat anything I want, cheat day ko."

CLASSY AND ARTSY. Gayunpaman, nilinaw ni Solenn na hindi din naman siya basta-basta nagpapa-sexy.

Unang dahilan niya, may respeto siya sa kanyang pamilya, na maaaring mapahiya kung may gawin siyang hindi tama.

Dagdag pa niya, "I'm not a 'bomba' star. I'll do it as long as it's artsy and classy."

Tungkol naman sa reaksiyon ng kanyang ama, supportive naman daw ito hangga't disente ang kanyang ginagawang pagpapa-sexy.

Sabi ni Solenn, "He's strict, pero he helps me as long as I won't do anything na may bastos na shoot or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka 26 na ako, hindi na ako bata. So, hindi siya masyado nakikialam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN