Cinemalaya juror Mario O'Hara cool about complaints from screenwriters; excited to direct Nora Aunor in mini-serye

IMAGE 0


Nagreklamo ang ilang mga screenwriters dahil walang ibinigay na parangal ang Cinemalaya Filmfest Awards, noong July 24, para sa mga kategoryang Best Screenplay at Special Jury Prize, sa mga entries ng Directors' Showcase. Cinemalaya juror Mario O'Hara says: "Mabuti naman, may reaction na ganyan. Malaya tayong nakakapagpahayag. Pero hindi ako puwedeng magsalita tungkol diyan, dahil isa lang ako sa mga hurado... Wala namang kumakausap sa akin; walang pormal na


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang award-winning filmmaker na si Mario O'Hara noong Miyerkules ng gabi, July 27, sa tahanan ng mga O'Hara, sa Bangkal, Makati City.

Ang pakay ng PEP ay upang hingan ng komento si Direk Mario tungkol sa napaulat na reklamo ng isang grupo ng mga screenwriters na kasali sa mga naging entries sa Directors' Showcase category ng nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang reklamo ng mga ito ay sa dahilang walang ibinigay na parangal ang Cinemalaya Filmfest Awards noong July 24 para sa mga kategoryang Best Screenplay at Special Jury Prize sa mga entries ng Directors' Showcase.


Walang pormal na inihaing reklamo ang mga screenwriters, kabilang sina Jerry Gracio, may akda ng screenplay ng Isda (Fable of the Fish); Paul Sta. Ana ng Bisperas (Intruders); Kristoffer Brugada ng Patikul; at Auraeus Solito at Henry Burgos ng Busong (Palawan Fate).

Pero may mga pahayag sila na nagrereklamo laban sa mga hurado, kundi man nagpu-point out ng saloobin at isipan sa naging desisyon na napalathala sa isang pahayagan.

Kabilang si Mario O'Hara sa Cinemalaya Jury sa taong ito.

Kasama niya ang kapwa-premyadong writer-director na si Clodualdo "Doy" Del Mundo, Jr.; National Artist for Theater Design Salvador Bernal (Jury Head); Jacob Wong, festival director of Hong Kong International Filmfest; at Jean-Marc Therouanne, isang Pranses, na co-founder at CEO ng Vesoul International Filmfest of Asian Cinema sa France.

WRITERS' COMPLAINTS. Dahil walang Best Screenplay (at Special Jury Prize) awards sa Directors' Showcase category ng Cinemalaya 2011, ang mga nabanggit na screenwriters ay nag-voice out ng kanilang "informal protest."

"Films that get accepted to Cinemalaya are not ready-made. When you don't hand out this award, it's similar to saying all the scripts in this category are trash," pahayag ni Jerry Gracio.

Ayon naman kay Paul Sta. Ana, ang naging desisyon ng Cinemalaya jurors ay "weird and surprising."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "The basic structure of a film is based on its screenplay. The characters in the film are roles written in a screenplay. The story didn't come from the director but from me [the screenwriter]."


Pahayag naman ni Kritstoffer Brugada, "We all deserve an explanation. This is surprising, not just for me who joined the festival for the first time, but also for those who have been part of it for many years."

May pansarili mang opinyon, tanging si Auraeus Solito ang nagsalita "for the jurors."

Solito considers local jury members Mario O'Hara and Doy Del Mundo, Jr. "both masters of their craft."

Sa kanyang opinyon, sina O'Hara at Del Mundo ay nananangan pa rin sa mga akdang "very structured and well-written."

Ani Solito, "It's the 21st century; we must learn to evolve... [so as not to] be left behind."

Bago ganapin ang Cinemalaya Filmfest ay katatapos lamang dumalo ni Auraeus sa isang screenplay development program sa Binger Film Lab sa Amsterdam, Holland.

"In Amsterdam," banggit din niya, "we were taught that the focus should be the heart of the story and that structure no longer matters. What's important is that you are able to effectively convey the message through your film."

DIREK MARIO'S RESPONSE. When told about the complaints, Mario was "very cool" with his response.

"Mabuti naman, may reaction na ganyan. Malaya tayong nakakapagpahayag. Pero hindi ako puwedeng magsalita tungkol diyan, dahil isa lang ako sa mga hurado.

"Wala namang kumakausap sa akin, walang pormal na reklamo. Kung kakausapin ako, lilinawin ko sa kanila," sabi ng direktor.

NORA AUNOR'S MINI-SERYE. Instead, malayang nagbanggit sa PEP ang multi-award-winning writer-director at aktor ng ilang bagay tungkol sa gagawing drama series ng magbabalik-bansang Superstar na si Nora Aunor.

"Kinausap na ako ng [Studio] 5, e," simula ni Direk Mario. Para daw sa isang TV drama series to be aired on the Kapatid network, TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, pero short lang 'yon. Mini-series, one month... Ang taping, three times a week, dire-diretso."

May nabanggit na title si Direk Mario: Donya Negra. Si Nora ang tanging female lead.

Pero agad din niyang nai-text sa PEP, as of press time, "Nagbago na ang title ng series... hindi ko pa alam kung ano ang ipapalit, will let you know next week..."

WOMAN OF POWER. Ang kuwento o gist ng story, hindi naman nagbabago, ayon pa kay Direk Mario.

"It's about a family... na landed, mayaman. Namatay ang asawa (ng lead character), pero before her husband died, na-save niya lahat ng assets, siya ang nag-manage at napagyaman niya, napalago niya. Donya talaga siya, kasi married siya sa isang mayaman.

"When her husband died, sabi niya, 'I will wear black, all my life...' Gano'n niya kamahal ang yumao niyang asawa.

"It's a political drama. I think she'll have three children, all adults. Hindi pa fully developed ang kuwento, but more or less, 'yan ang gist [ng story]."

Ang kaibigang writer ni Direk Mario na si Rey de Castro ang may-akda ng bagong Nora mini-series para sa Studio 5.

Bukod sa nabanggit na gist ng story, nasabi rin ni Direk Mario sa PEP na ang isang requirement para sa mga artistang makakatrabaho ni Nora sa mini-serye ay kailangang wala silang ibang gagawing TV drama series sa panahon ng pagte-taping.

"Exclusive talaga. Hindi puwedeng may iba... ayoko yun," pagtukoy niya.

Excited si Mario O'Hara sa nakatakdang ididirek na mini-teleserye, lalo't ang artista niya ay si Nora, na unang nagkamit ng major acting awards para sa pelikula niyang Tatlong Taong Walang Diyos (1976).

"Gusto ko yung material... political," aniya.

At for a change din, woman of power and prominence ang gagampanan ni Nora sa nasabing drama mini-series.

"Maiba naman. Hindi na siya [Nora] mahirap. Hindi na siya alila. Donya na, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUNA ROSA. Isa pang tiniyak ni Mario O'Hara ay ang gagawin niyang pelikula na si Nora din gusto niyang magbida.

"Gusto kong gawin ang Luna Rosa pagkatapos ng mini-series," aniya.

"May nagpa-sound off na sa akin. Interested [producer], pero hindi ang Cine Mabuhay [film outfit of Studio 5].

"Ang gusto ko muna, makabalik na si Guy," sabi rin ni Direk Mario, na aware sa pagbabalik-bansa ni Nora on August 2.

"Kakausapin ko muna si Guy. Pag nandiyan na siya at nag-usap na kami, that is the only time.

"Gusto ko, dumating muna siya, mag-usap muna kaming dalawa, [and I will ask her]... 'Gusto mo bang gawin ito? Indie ito, hindi mainstream...'"

Ayon kay Direk Mario, ang proposed indie film project niya para kay Nora ay may kuwentong ukol sa mga artista (singer-musicians/dancers) ng popular na vaudeville o bodabil shows, noong circa 1950s.

Period musical-romance-drama ang Luna Rosa.

"Bodabil 'yon. Iba 'yon!" excited niyang wika.

Sinong aktor ang gusto niyang maging leading man ni Nora para sa Luna Rosa?

"Si Tirso Cruz III, siya ang choice ko talaga," sabi ni Direk Mario, na hindi pa naididirek sa pelikula si Tirso.

GUY & PIP. Bukod sa magandang prospect ng muling pagtatambal nina Nora at Tirso, nakikita ni Mario sa Luna Rosa ang proyektong akma sa kasalukuyang estado ng itinuturing pa ring superstar-actress.

"The way I see it, huling bulusok na niya ito," aniya. "

"Pag na-satisfy mo na ang audience ng kanilang thirst for Guy, I think okey na siya [forever].

"I think, she needs [a project na] matino at matindi, to punctuate. Pag natapos mong gawin 'yon, maski anong gawin mo pagkatapos, hindi na...

"Kaya gusto kong gawin ang Luna Rosa... nandiyan ang mata ko, e.

"Mas challenging, 'tsaka matanda... [papatandain ang character]," sabi rin ni Direk Mario. "Pang-punctuation talaga."

Kung sakaling matutuloy ang Guy and Pip re-team-up via Luna Rosa, ito'y pagtukoy sa kung paano nagsimula ang tambalan na nailunsad noong 1969.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kung paano magwawakas..." natutuwang sambit pa ni Mario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN