Louise delos Reyes on Enzo Pineda's Cosmo Bachelor Bash appearance: "Hindi lang naman ako yung nagbabawal sa kanya na parang mag-all out."

IMAGE 0


"Siguro merong mga bagay na hindi mo dapat binibigla. And kung talagang para kayo sa isa't isa, it will happen," says Louise delos Reyes about suitor Enzo Pineda's chance with her.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise delos Reyes sa grand launch ng YES! magazine's 100 Most Beautiful Stars Special Edition kaninang tanghali, July 28, sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza sa Ortigas.

Isa si Louise sa kasali sa prestigious "most beautiful list" ng nangungunang entertainment magazine sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon na napasama si Louise sa list.

"First time ko pong makasama, so sobrang happy ako," bungad na pahayag ng tween star.

Nang una niyang nalaman na kasama siya sa list, ano ang naramdaman niya?

"Sobrang saya ko, kasi parang... ang dami-daming artista na gustong mapasali sa YES! 100 Most Beautiful Stars, and sobrang honored ako and flattered," sabi ng Kapuso young actress.

ENZO PINEDA. Sa tween stars, bukod kay Louise ay kasali rin sa listahan ng YES! this year sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Kristoffer Martin, Jhake Vargas, at ang ka-loveteam ng dalaga na si Alden Richards.

Hindi kasama sa list ang manliligaw ni Louise na si Enzo Pineda. Ano ang masasabi niya rito?

"A, okay lang po," sagot ng dalaga.

"Siya kasi, meron naman siyang Cosmo, so parang... Parehas naming sinusuportahan ang isa't isa and happy kami kung ano yung nakukuha namin."

Kabilang nga si Enzo sa centerfolds ng Cosmo Bachelor Bash this year, kaya rarampa ang young actor nang naka-topless.

Pinayagan ba ito ni Louise?

Aniya, "Hindi lang naman ako yung nagbabawal sa kanya na parang mag-all out.

"Kasi mas maganda kung step by step, may pasilip ng konti, para hindi ganun kabastos.

"And also his parents, ayaw pa nilang pakawalan talaga. And ako, okay lang.

"Pero siguro yung... Kasi bata pa rin siya, e, he's turning 21."

Payag naman si Enzo na shirtless siya na rumampa sa Cosmo Bash, pero naka-pants.

"Oo, yun nga ang sinabi niya sa akin," sabi naman ni Louise.

Pero kung siya ang tatanungin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shirtless. Puwede bang may sando? Hindi, joke lang!" ang natatawang sinabi ng young actress.

"Hindi... meron naman siyang ipapakita," bawi niya.

COURTING STAGE. Five months nang nanliligaw si Enzo kay Louise, at sinabi ng young actor na handa itong maghintay nang matagal na sagutin ng young actress.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"A, wow!" bulalas niya.

"Hindi ko inaasahan na... kasi konti na lang sa lalaki ngayon ang nagtitiyagang manligaw sa isang babae na hindi nila sigurado kung ano ba yung lagay nila.

"And masaya ako na yun ang sinabi niya, and medyo nagulat."

Ano pa ang nakakapigil para sagutin niya si Enzo?

"Siguro merong mga bagay na hindi mo dapat binibigla.

"And kung talagang para kayo sa isa't isa, it will happen," sabi niya.

Hanggang kailan niya paghihintayin si Enzo?

"Hmmm... hindi ko po alam, tingnan natin. Ayoko po kasing magsabi nang tapos."

Pero aminado si Louise na si Enzo ang guy na pinaka-close sa kanya ngayon.

"Oo, siya yung pinaka-close sa akin and masaya ako sa company niya," sagot ni Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN