Nora Aunor "excited" to come home

IMAGE 0


"Wala naman kaming hidwaan. Nagtampuhan lang. Pero ano naman yun, tampuhang nanay-anak naman. Pero ang puso no'n, pagmamahal, nandoon pa rin, hindi nawawala," says Nora Aunor about her children.


Ilang araw bago ang sinasabing pagdating ng bansa ng Superstar na si Nora Aunor, nagkaroon ng pagkakataon ang The Buzz na makapanayam ang aktres sa napabalitang farewell party or despidida nito sa Amerika.

Ang nag-interview kay Nora ay ang U.S. based correspondent na si Monet Lu.

Kahit halos walong taon nang wala sa Pilipinas si Nora, ibang-iba pa rin ang anticipation ng mga tao sa kanyang napapabalitang pagbabalik.

Ano ang nararamdaman niya rito?

"Siyempre, excited ako, unang-una, makikita ko na ang mga anak ko at kapatid ko.

"At siyempre, yung hanggang ngayon, e, nagmamahal pa rin sa akin," saad ng Superstar.

Isa sa sinasabing dahilan ng pagkakaudlot ng pagbabalik ni Nora sa bansa noon pa man ay ang diumano'y pagkasira ng boses nito nang sumailalim siya sa isang cosmetic surgery. Hindi raw kasi siya makakanta.

Ayon naman sa aktres, "Sobra talaga ang naramdaman kong pagmamahal nila ay tunay.

"Nakatayo ako do'n, nag-eesplika ako sa mga fans kung bakit hindi ako makakanta.

"Yung iba talaga, nag-iiyakan. Talagang naiintindihan nila yung nangyari sa akin. Kahit saan ako pumunta noon, sa Canada at sa Australia...

"Ipinangako ko na lang sa kanila na babalik ako. Kaya bumalik ako noong May."

Sa naturang interview, hindi naman ikinaila ni Nora ang mga pinagdaanan niya sa Amerika especially during her "lowest time."

"Basta makapagtrabaho lang ako. Kasi, kapag hindi ka nagtrabaho, paano ka kikita rito, di ba?

"Hindi naman ako puwedeng makakanta dahil nga sa nangyari sa akin, so yun.

"Ang maganda sana do'n, dahil tumutulong ako sa kapatid ko at makapagpadala sana kahit paano sa mga bata, kaya lang nga, may nangyari sa akin na ganoon."

Guy was also asked about her children at yung napabalita rin noong hidwaan daw nila.

Kumusta na ba sila ng kanyang mga anak?

"Wala naman kaming hidwaan," paglilinaw ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtampuhan lang. Pero ano naman yun, tampuhang nanay-anak naman.

"Pero ang puso no'n, pagmamahal, nandoon pa rin, hindi nawawala."

Isang mensahe naman ang ipinaabot ni Nora sa mga nag-aabang sa kanyang pagbabalik.

"Sa mga Kapamilya, pamilya n'yo ho ako.

"Maraming-maraming salamat sa mga Kapamilya. Hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila.

"Lalo na ho sa mga tagasubaybay natin. Yung pagmamahal, nararamdaman mo pa rin.

"Kahit anong mangyari, kahit anong tsismis na naririnig nila at nababalitaan nila, nandiyan pa rin sila.

"Kuya Boy [Abunda], I love you. Basta, I love you po.

"Alam n'yo na po yun, maraming salamat sa suporta, sa tulong, sa pagtatanggol, maraming-maraming salamat po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN