Bela Padilla denies being courted by Dominic Roco; shrugs off demotion issue

IMAGE 0


"Kasi nakikita ko ginagawa sa iba't ibang artista ng GMA ngayon 'yan... Like si Jackie, galing sa kontrabida... tapos nagbida ngayon sa Sisid. Tapos yung iba naman nagbibida, tapos nilalagay sa kontrabida... Feeling ko, they're trying to see yung range namin as an actress din," says Bela Padilla about playing a kontrabida role in Sisid after being a leading lady in Machete.


Si Bela Padilla ang guest ni John "Sweet" Lapus sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, July 24.

Ang unang tanong ni Sweet kay Bela ay kung totoong may tensiyon sa pagitan nila ng co-star niya sa Sisid na si Rich Asuncion. Parehong gumaganap na kontrabida sina Bela at Rich sa afternoon soap na ito na pinagbibidahan ni Jackie Rice.

"No" ang sagot ni Bela, at "Lie" ang naging resulta nito.

Paliwanag naman ni Bela, "We're never in the same unit, we haven't been in a sequence together.

"So, ang weird nung question na kung nagpapatalbugan kasi wala pa kaming scene na magkasama kami.

"And parang hindi na magkakaroon ng ganung scene, kasi sa Manila ako, tapos siya sa probinsiya. So, iyan."

Hindi ba siya nag-alinlangan nang ipasok din siya sa Sisid since dalawa na silang kontrabida ni Rich?

"Hindi naman, kasi ipinasok lang naman ako. So, hindi ko alam kung anong napi-feel nila.

"Pero ako, happy ako na ipinasok ako sa Sisid and ako, ginagalingan ko na lang."

Binanggit ni Sweet na dati ay leading lady si Bela sa Machete, pero ngayon ay kontrabida na lang siya. Hindi ba niya nararamdaman na demotion iyon?

"No naman, hindi demotion," sagot ni Bela.

"Kasi nakikita ko ginagawa sa iba't ibang artista ng GMA ngayon 'yan...

"Like si Jackie, galing sa kontrabida. From Ilumina, tapos nagbida ngayon sa Sisid.

"Tapos yung iba naman nagbibida, tapos nilalagay sa kontrabida.

"So, I think nag-e-experiement lang to see... Feeling ko, they're trying to see yung range namin as an actress din."

COUSIN KYLIE. Ang pangalawang tanong kay Bela ay kung totoong may kumpetisyon sa pagitan nila ng second cousin niyang si Kylie Padilla na isa ring Kapuso star.

"No" ang sagot ni Bela, at "Truth" ang naging resulta ng kanyang sagot.

Close ba silang magpinsan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, actually nung last na nag-Showbiz Central kami, nung pinarampa ninyo yung FHM Sexiest Women na mga Kapuso, nanood kami ng movie after," banggit niya.

Naunang pumasok sa showbiz si Kylie, although mas matanda si Bela.

Nag-aaral daw siya nang nag-showbiz si Kylie at dinadalaw pa raw niya ito noon sa taping ng Joaquin Bordado.

Noon pa man ba ay ginusto na rin ni Bela na mag-artista?

"Hindi pa masyado, mahiyain ako before. Si Kylie yung sobrang 'Kaya ko 'to!'

"Alam mo yung action scenes niya, hindi siya nagpapa-double, yung ganun."

Dagdag pa niya, "Kasi yung sisters ko, nakatira sa UK, so wala akong sisters dito.

"So, parang ang pinaka-close ko na yung mga pinsan kong babae, so sina Kylie na rin yun. So, 'yon.

"Suporta, sobrang suporta."

Bilang close sila ni Kylie, sa palagay ba niya ay sinagot na ni Kylie si Aljur Abrenica?

"Sa huling narinig ko, exclusively dating pa lang. Hindi pa naman, iyon yung narinig ko."

DOMINIC ROCO. Ang pangatlong tanong kay Bela ay kung totoong sinagot na niya ang Sisid co-star at manliligaw diumano niyang si Dominic Roco.

"No" ang sagot ni Bela, at "Truth" ang naging resulta nito.

Totoo bang nanliligaw si Dominic kay Bela?

"Hindi naman, hindi pa naman," sagot ng Kapuso young actress.

Getting-to-know you?

"Oo, parang ganun," sabi niya.

Textmates ba sila?

"Text-text, ganyan, kasi konti pa lang actually yung taping days ko sa Sisid."

Nag-meet na raw sila dati ni Dominic through common friends, pero mas naging madalas nilang nakakasama ang isa't isa sa taping ng Sisid.

Ayon kay Bela, "Kasi tahimik si Dominic, e, so...

"Hindi ko naman alam kung nanliligaw na yun, kasi hindi ko pa rin siya kilala masyado, baka nice pala siya sa lahat."

Niyaya na ba siyang manood man lang ng sine or mag-date ni Dominic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, yesterday, kasama ko sila manood ng Cinemalaya entry. Pero grupo, marami kami, so 'yon," sagot ni Bela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN