Krista Kleiner claims she has yet to receive the rest of her prizes from Bb. Pilipinas Charities Inc., including P195,000 worth of clothes

IMAGE 0


Isang taon at anim na buwan na ang nakalilipas mula nang manalo si Krista Kleiner na Bb. Pilipinas-International, pero hanggang ngayon, hindi pa raw niya natatanggap ang mga premyo na ipinangako sa kanya. Matatapos na ang kontrata ni Krista sa Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) sa susunod na buwan at umaasa siya na makukuha niya ang mga premyo at talent fee na pinagpaguran niya.


Si Krista Kleiner ang nanalo ng Bb. Pilipinas-International title nang sumali siya sa Bb. Pilipinas pageant noong 2010. Siya rin ang tumanggap ng award para sa Best in Talent at Best in Swimsuit categories.

Isang taon at anim na buwan na ang nakalilipas mula nang manalo siya sa beauty contest na sinalihan at tapos na ang kanyang reign bilang Bb. Pilipinas-International pero hanggang ngayon, hindi pa natatanggap ni Krista ang mga premyo na ipinangako sa kanya.

Matatapos na ang kontrata ni Krista sa Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) sa susunod na buwan at umaasa siya na makukuha niya ang mga premyo at talent fee na pinagpaguran niya.

Kasama ni Krista ang kanyang boyfriend na si Jay-R nang makapanayam sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa first anniversary ng Shinagawa Lasik & Aesthetic Center noong Sabado, August 6, at dito napag-usapan ang mga premyo na hinihintay niya na ibigay sa kanya ng BPCI.

"I haven't received my P195,000 worth of wardrobe [from BPCI]. Inaantay ko pa. I followed up pero ano... they're looking into it daw. Sayang ang P195,000.

"For me, it's more the principle na I won the award for best in talent, best in swimsuit. If added them together, siyempre, malaki 'yon, P195,000 worth of wardrobe. I [have] asked very nicely... this is a friendly reminder..." aniya.

Aware si Krista na may mga kuwento tungkol sa past winners ng Bb. Pilipinas pageant na hindi natanggap nang kumpleto ang mga premyo na ipinangako sa kanila.

Hangga't maaari, ayaw ni Krista na gawing big deal ang nararanasan nito sa kasalukuyan pero umaasa siya na matatanggap ang kanyang mga premyo, bago matapos ang kontrata niya sa BPCI sa susunod na buwan.

"I don't wanna make a huge deal of it but if you ask me a question, I'm gonna answer. I'm not gonna lie for them and say that they did if they didn't.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If they give it to me before my contract ends in September and you ask me again, I would happily tell you that they did if they do.

"P195,000 worth of wardrobe 'yon and some talent fees for other shows. Who knows baka pina-process pa nila..."

Itinanggi rin ni Krista ang isyu na tumamlay ang takbo ng kanyang showbiz career nang matapos ang reign niya bilang Bb. Pilipinas-International. Hindi raw siya nawawalan ng mga hosting jobs at pinagkakaabalahan din niya ang kanyang kauna-unahan na dance album.

Si Jay-R ang tumutulong kay Krista sa pagpili ng mga kanta sa dance album na balak nilang ilabas kapag nag-expire na ang kontrata ng dating beauty queen sa BPCI.

Ipinagmalaki ng dalawa na ang record album dahil ito raw ang magiging best dance album sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN