Karylle evades question about rumored boyfriend Yael Yuzon visiting her in Singapore

IMAGE 0


"Yael? Hindi ko alam, ang dami kasing dumadalaw. Actually, sa totoo lang, niloloko nga ako ni Christian [Bautista] na, 'Sino naman ang bibisita ngayon? Kasi every week halos mayroon kang visitors,'" Karylle neither confirms nor denies whether Yael Yuzon visited her in Singapore.


Sa ilang buwan ding pagkawala ni Karylle sa bansa at nag-shooting sa Singapore ng Kitchen Musical, bumalik ng Manila last Thursday, August 4, ang singer-actress at lilipad din siya pabalik ng Lion City ngayong araw na ito, August 11.

Last Sunday, August 7, nga ay napanood sa ASAP Rocks si Karylle kung saan kinumusta siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nasabing TV musical.

"Everything is doing great. Na-miss ko yung preview [Kitchen Musical] which was Saturday. Nakausap ko si Christian, sabi niya, 'Ang ganda.'

"So, sobrang na-excite ako at nawala lahat ng kaba ko. Kasi, wala kaming idea kung ano ang hitsura ng finished product.

"Talagang secret nila hangga't di nila nalalagay lahat ng kanta, special effects and whatever," sabi niya.

Gaano katotoo na nakita raw na dumalaw sa kanya sa Singapore ang rumored boyfriend na si Yael Yuzon ng bandang Spongecola.

"Yael? Hindi ko alam, ang dami kasing dumadalaw," sambit ni Karylle.

"Actuallly, sa totoo lang, niloloko nga ako ni Christian na, 'Sino naman ang bibisita ngayon? Kasi every week halos mayroon kang visitors.'

"Yung mom ko [Zsa Zsa Padilla], yung friends ko. Actually, 10 nga silang darating ng September."

Kumusta ang samahan nila ngayon ni Christian Bautista na minsan din namang na-link kay Karylle?

"Ano kami, best friends kami sa show," sagot ng singer-actress.

"Para kaming aso't pusa na lagi kaming nag-aaway sa show. Nakakatuwa talaga.

"Isa na po siyang ganap na dancer ngayon. Yung choreographer namin dun is galing Australia.

"Nung huli naming dance number, talagang napatingin ako [kay Christian]. 'Na dancer na talaga itong si Christian,'" nasabi daw niya sa sarili.

"Every day, kaming lahat magkakasama. So, iba din yun.

"From Monday to Friday, tapos Saturday, rehearsal pa rin. Tapos recording."

NOW I CAN COOK. Maraming good experiences si Karylle while doing the TV musical. Pero kung may isang bagay raw siyang babaunin sa show, ito ay natuto na siyang magluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon marunong na akong magluto. Dati pa-bake-bake lang ako. Nai-intimidate talaga akong magluto.

"Kasi, di ba, parang ang perfect ng [mga] cook sa sa TV? Parang kaunting ganyan lang, magic.

"Ngayon ako, kaya ko na ring magluto."

PHILIPPINE AIRING. Magkakaroon ng pilot episode ang Kitchen Musical sa ABS-CBN first week of October. Ang mga susunod na episodes naman ay sa Studio 23 at AXN mapapanood.

Bukod dito ay ipalalabas din ito sa ibang Asian countries. Maaaring magbukas ng opportunities ito kay Karylle.

"Itong show na ito, hopefully after this, magkaroon pa ng ibang offers. Kung sa theater naman, pagdating na lang [ng opportunities].

"Lagi namang may mga auditions. Gaya nito, nag-audition ako for this."

OUT OF SIGHT. Sa dami ng mga nagsusulputang mga artista, madaling makalimot ang mga fans. Di ba worried si Karylle na baka dahil madalas na wala sa bansa ay makalimutan siya ng kanyang mga tagahanga?

"Actually everyone is on interactive na, on Twitter na.

"Nagsusulat na lang ako. Nagba-blog din ako, once in a while.

"Gumagawa rin ako ng mga videos," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN