Aiko Melendez refuses to comment on Candy Pangilinan's cussing incident with IC Mendoza: "I love my best friend so much and I want to protect her. At the same time, IC is like my baby also."

IMAGE 0


Aiko Melendez confirmed her presence when the cussing incident happened between Candy Pangilinan and IC Mendoza. "Yes, I was there. Actually they're both my friends pero we know how close I am to Candy — she's my best friend," she said. "Si IC naman, I talked to him and he assured me na whatever happened, mahal niya ako."




Sa naging away nina Candy Pangilinan at IC Mendoza kumakailan sa isang bar kung saan kinumpronta, minura at binitiwan daw ng masasakit na salita ng komedyana ang Juicy host, lumabas ang pangalan ni Aiko Melendez na kasama daw ni Candy nang gabing iyon.

Si Aiko daw ang nag-comfort kay IC habang umiiyak ito after the confrontation.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) had a chance to interview Aiko last Tuesday on the set of Reputasyon in San Miguel, Bulacan. Nagbigay ng pahayag ang aktres sa nangyari kung saan inamin nito na parehong malapit sa kanya si IC at Candy, lalo na raw ang komedyana na itinuturing niyang matalik na kaibigan.


"Yes, I was there. Actually they're both my friends pero we know how close I am to Candy — she's my best friend. Whatever she's going through right now, malalagpasan niya ito.

"Let's give her the chance, the opportunity to explain. In as much as I wanna comment, mas gusto ko na siya ang magsalita," ang sabi ni Aiko.


"Si IC naman, I talked to him and he assured me na whatever happened, mahal niya ako. He knows naman I care for him and I understand how it feels to be in his position. Naiintindihan ko saan sila pareho nanggagaling. I just pray na magkaayos sila."


Agad naming tinanong si Aiko kung totoo bang lasing si Candy nang gabing iyon.


"I don't wanna comment. My position is medyo ipit because I love my best friend so much and I want to protect her. At the same time, IC is like my baby also.

"Alam ko, naniniwala ako na one day magkakaayos din sila, yun ang prayer ko, sana magkaayos. Kahapon, nakausap ko ang family ni Candy, in-explain ko kung ano talaga ang nangyari," ani Aiko.

"Gusto namin sana matapos ito quietly. Pag may nakaka-angat at may magandang nangyayari sa buhay ng isang tao, sana wag na may nagpu-pull down."


WHAT BULACAN BAN? Naging issue before ang pagsasampa ng demanda ni Mayor Patrick Meneses laban sa aktres at ang pagpirma ng marami sa mga mayors ng Bulacan para maikunsiedrang persona non grata si Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong sa San Miguel, Bulacan, naganap ang interview na ito, patunay lang daw na mukhang di tuloy ang gusto ng mga nasabing mayors na i-ban ang aktres sa Bulacan.


"Wala akong problema, nagpapasalamat ako sa mga Bulakeños kasi naging malawak ang pagtanggap nila sa akin. Pagdating sa pag-iisip, alam ko naman na matatalino ang tao. Alam nila kung hanggang saan sila maniniwala at kung sino ang paniniwalaan.


"Natatakot lang naman ako sa mga nakaposisyon dito, pero yung mga tao dito, wala akong dapat ikatakot, kasi mahal naman nila ako. Puwede nga akong tumakbo dito," dagdag pa ni Aiko.


"Tingnan nyo ang mga kasama ko, mga beki, mukhang ako pa nga ang magtatanggol sa kanila."


ENJOYS BEING KONTRABIDA. Ang Reputasyon ay ang pambungad ng Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Inakala na magiging primetime ito pero ikinagulat ng marami nang ilagay ito sa panghapong programa ng ABS-CBN.


"Una, naninibago kami kasi ang mindset namin is for primetime pero nung inexplain ng bosses namin na kami ang frontline sa Kapamilya Gold, mas kinabahan kami kasi mas pressure yun.

"Para ilagay ka sa afternoon drama, it's something new... Ibig sabihin nun, malaki ang tiwala sa iyo so nagpapasalamat kami na kahit papaano, kami ang pang-una."


Sa ngayon ay sobrang ine-enjoy ni Aiko ang role niya bilang Catherine Montemayor.


"First time kong mag-play ng kontrabida, pero I'm really thankful kasi nung nakagamayan ko na, parang sobrang na-in love na ko sa role ko.


"Minsan lumabas ako, tinawag akong Gobernadora, hindi ako tumitingin. Sabi niya, 'Governor, Governor.' Sabi ko, 'Ano po ba? Matagal na po akong wala sa politics.' Sabi niya, 'Ikaw si Governor Catherine Montemayor; di ba tatakbo ka?'


"Ay, Reputasyon pala ito. So ako naman, mega explain. Nagpapasalamat talaga ako kasi talagang nakaka-relate sila. Even sa mga Twitter followers ko. Hindi na katulad dati na kung kontrabida ka, sasabunutan ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN