IC Mendoza on Candy Pangilinan's apology: "Tinatanggap ko yung mga sinabi niya sa PEP... Pero siyempre iba pa din yung magkikita kami."

IMAGE 0


Though he is happy for the public apology done by comedienne Candy Pangilinan, IC Mendoza admits that he has not yet "100 percent" accepted her apology.


Ngayong araw na ito, August 4, ay inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang public apology ng comedienne na si Candy Pangilinan sa showbiz talk show host na si IC Mendoza.

Ito'y matapos maglabas ng sama ng loob si IC sa kinabibilangan niyang show sa TV5, ang Juicy Express, tungkol sa diumano'y pagmumura sa kanya ni Candy.

Gusto kasi sanang interbyuhin ni IC si Candy para sa kanilang programa, ngunit tumanggi ang komedyana dahil tinira raw kasi siya ng show at idinamay pati ang kanyang anak na isang special child.

Sa nailathalang public apology ni Candy, inamin niya na siya'y nakainom nang gabing iyon, July 31, nang magkita sila ni IC sa isang bar.

Inamin din niyang nakapagbitiw siya ng mga salitang aniya'y "were not meant to be conveyed as such." (CLICK HERE for related article.)

IC'S REACTION. Matapos lumabas ang statement na ito ni Candy, agad na kinontak ng PEP si IC upang kunin ang panig nito.

Kaninang bandang 6:44 p.m. ay nakatanggap kami ng tawag mula kay IC.

Una'y itinanong namin kung tinatanggap niya ba ang apology ni Candy. Dito'y naging maingat ang sagot ng anak ng entertainment columnist at TV host na si Dolly Anne Carvajal at apo ng yumaong showbiz talk show na si Inday Badiday.

"Well, not 100 percent," sagot ni IC.

"Kasi ano naman, e, given her track record, di ba? Hindi naman ito yung first na ginawa niya yung ganyan.

"Pero alam mo yun, natutuwa naman ako na um-effort siyang ganun, at tinama niya yung story."

Matatandaan kasing noong una'y itinanggi ng aktres na pinagsalitaan niya ng masasakit na salita si IC, na kanya namang nilinaw sa inilabas na statement.

Parehong under ng Viva Artist Agency sina IC at Candy, kaya sa opinion ng una, maaaring may gawing move ang management nila hinggil sa kanilang issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Well, tinatanggap ko yung mga sinabi niya sa PEP, of course.

"Pero siyempre, iba pa din yung magkikita kami, harap-harap, ibang pag-uusap pa yun.

"So, I'm just waiting."

Sa pamamagitan din ng isang text message, nagbigay ng pormal na statement si IC.

Narito ang naturang statement na inilalathala ng PEP base sa orihinal na text message:

"I was bothered and hurt by her irational behavior. But I accept her public apology. We will see each other soon bilang maliit lang ang showbiz. Pero No tequila ha. Hahahaha :)"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN