Candy Pangilinan on IC Mendoza: "I hope that he really find it in his heart to accept my apology."

IMAGE 0


"How ironic. Na kaya ako nag-react ng ganoon kasi nasaktan ako at nasaktan ang anak ko. And now, nakasakit naman ako ng panibagong bata. Ng nanay ulit na nasaktan ko ang anak," says Candy Pangilinan about her rift with IC Mendoza.


Live na nag-guest si Candy Pangilinan sa The Buzz kahapon, August 7.

Sa interview ni Boy Abunda kay Candy, pinag-usapan ang diumano'y pagmumura ng komedyana sa TV5 showbiz talk show host na si IC Mendoza nang magkita sila sa isang event.

Bago pa humarap sa The Buzz, nailathala na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang public apology ni Candy sa nangyari sa kanila ni IC. (CLICK HERE to read related story.)

Nagbigay na rin ng kanyang saloobin si IC sa isyung ito dito rin sa PEP. (CLICK HERE to read related story.)

LESSONS LEARNED. Ang unang tanong na ibinato ni Boy kay Candy ay kung ano ang natutunan o na-realize niya sa lahat ng mga nangyari.

"I've learned that, hindi mo pa alam, that sometimes ini-ignore mo lang ang mga things, you don't know na nag-iipon-ipon pala yun.

"Kailangan pala that once in a while, you have to admit that, 'hindi ko pala kaya.' You have to admit that you are weak.

"Nagulat po ako, e. Nagulat po ako that I've snapped out. Nagulat po ako.

"I didn't know na nagpatong-patong. And I've realized that... Ang dami, Tito Boy, hindi ko..."

Si Boy na ang nagpatuloy at nagsabing baka ang gustong sabihin ni Candy na kapag nasasaktan siya, merong tendency, lalo na sa industriya na ito, to deny, not to confront it that we get hurt.

"Exactly," pagsegunda naman ni Candy.

APOLOGIZE. Nang lumabas ang intrigang yun, Candy had choices. Puwede niyang i-ignore, fight back, or totally move on and forget about the whole thing. Pero pinili niya na mag-apologize. Why?

"Because I don't want to hurt anyone," sagot ni Candy.

"I think because ako nag-snap, because I was hurt. Nanggagaling ako do'n, e.

"Ayokong makasakit and I think, hurting is unacceptable."

Nasaktan niya si IC that night?

"Yes, nasaktan ko siya," pag-amin ni Candy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I barked at the wrong tree, nasaktan ko siya kaya ako nagso-sorry.

"And I don't want to be a cycle. I want to stop that."

Dugtong pa niya, "And I realized na sana ganun. Sana puwede tayong tumigil in hurting others through words.

"Ang nangyari kasi, noong tinitira ko for three months, I just took it, e. Parang bayaan n'yo na. Kasi, ayokong lumaki.

"Which I'm sure some of the artists, ganoon din, ayaw nating lumaki. Bayaan mo na, hayaan mong tirahin tayo."

Ang tinutukoy ni Candy ay ang ginawang pagtira diumano sa kanya sa hinu-host na programa ni IC sa TV5, ang Juicy Express.

Ito rin ang dahilan kung bakit tumanggi siyang magpa-interview kay IC, at naging dahilan kung bakit napagsalitaan niya ito ng hindi maganda.

Patuloy ni Candy, "Pero, malalim pala. Malalim pala ang iniiwan.

"Actually, what hurting is that yung tirahin mo ako, okay na.

"Pero noong tirahin mo ang anak ko, masakit yun, masakit yun.

"Akala ko noong tirahin mo ko, okay na ako... hindi pala."

Inamin ni Candy sa statement na ipinadala niya sa PEP na ang kanyang anak ay "special child."

THE GUILT. Is she okay now?

"After everything, nailabas ko na, yes," sagot niya.

"And now, iba naman. It's the guilt that I've made to IC because I have hurt him.

"And I hope that he really find it in his heart to accept my apology.

"And after na na-pour out ko na about my son, I think, I'm better."

Nagkaroon na ba ng chance si Candy na makausap si IC o ang ina nito na si Dolly Anne Carvajal after that incident at mas makapag-usap sila nang personal?

"I tried to get in touch the day after Monday [August 1]. I've texted both of them.

"Siyempre, wala pa hong reply.

"Tuesday [August 2], I've texted IC an apology through text. Then Wednesday... pero wala pa ho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I hope in the future we will be able to talk," sabi niya.

Naiintindihan naman daw ni Candy that it may take a while.

Naiintindihan din daw niya kung anuman ang nararamdaman ni Dolly Anne.

"I do understand Dolly Anne. I do understand," sabi niya.

"Kasi, nanay rin po siya. Naiintindihan ko kung bakit ganoon siya mag-react kasi nasaktan ko ang anak niya.

"How ironic. Na kaya ako nag-react ng ganoon kasi nasaktan ako at nasaktan ang anak ko.

"And now, nakasakit naman ako ng panibagong bata. Ng nanay ulit na nasaktan ko ang anak.

"Di ba, umiikot? Dapat hindi."

ANGER. May bahagi pa rin ba ng puso ni Candy na galit?

Sa puntong ito, naging emosyunal na si Candy.

Aniya, "Hindi galit, e... nandoon na ako sa awa.

"Yung awa sa bata. Kasi helpless yung bata. Hindi makalaban.

"Nandoon ako. Hindi galit.

"Yung galit ko, siguro nandoon ako sa sistema.

"Na kailangan in this industry, we have to... kailangan mong ilabas yung flaws ng isang tao.

"E, we're all imperfect. Wala namang perfect dito.

"So, why can't we understand na lahat tayo artists, writers, journalists? All of us are imperfect.

"Let's not focus on the weaknesses and frailties of man.

"Let's highlight the beauty. Yung positive.

"Nandoon ako, di ba, na hinayaan ko na i-highlight nila yung masakit, yung weakness ko, yung frailties ko na akala ko kaya ko.

"Hindi naman ako ganoon, kaya ko.

"Pero noong tinira yung anak ko, umiikot, e.

"Anong magagawa ko, nandito ako, sumabog, nasabihan ang anak ko, ano kaya ang magagawa ko para tama na?

"Tama na... kasi, hindi lang naman siguro ako yung para tumahimik.

"Tama na," saad niya.

CANDY'S CHILD. Kapag nakikita niya ang anak niya, what goes on in her mind?

"Minsan nagpapasalamat ako na hindi niya naiintindihan ang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi niya naiintindihan na nahihirapan si Mommy. Hindi niya naiintindihan na namomroblema ako.

"Minsan kapag nakikita niya, sasabihin niya, 'Is that work?'

"Minsan nakikita niya ako sa TV. Minsan sasabihin niya, 'Why are you crying mommy?' Sasabihin ko, 'That's work.'

"So, kapag nakikita niya ako sa personal na umiiyak, sasabihin niya, 'Is that work?' 'Yes.'"

Pero minsan, alam niya na may mga pagkakataon na alam niya, that her son understands. Anong naiisip niya pag ganoon?

"Feeling ko, kulang," sagot ni Candy.

"Kulang pa siguro ang ginagawa kong pagprotekta sa kanya.

"Kaya minsan, lalo kong nakikita ang sarili ko na hindi pa ako ganoon kagaling na ina, hindi pa ako ganoon kagaling na tao para maprotektahan ko pa lalo ang anak ko.

"Kasi tuwing nagkakamali ako, yung anak ko, nadadamay. Pero sana hindi.

"And I've learned one thing, at the end of the day, you're gonna be alone. Between you and your God, kasi yun talaga.

"Kasi after everything that has happened, wala namang makapagsabi sa akin na ako ang bahala. It's only God."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN