Rich Asuncion on status of relationship with Ervic Vijandre: "Hindi pa po kami."

IMAGE 0


"Sabi kasi, di ba, pag MU, gusto ka niya, gusto mo siya, di ba? Ako, gusto ko naman siya. Kung gusto niya ako, e, di go!" says Rich Asuncion about Ervic Vijandre.


Itinanggi ni Rich Asuncion na may relasyon na sila ni Ervic Vijandre, na napapabalitang constant date niya ngayon.

"Hindi pa po kami," sabi ng StarStruck 4 First Princess nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Sisid last August 4.

Pero inamin ni Rich na "exclusively dating" sila ng dating boyfriend ni Marian Rivera.

Usually kapag ganung "exclusively dating" na, ang ibig sabihin nito ay may mutual understanding o mag-M.U. na sila.

Mag-M.U. na ba sila ni Ervic?

"Hindi ko alam, hindi ko alam," sambit ni Rich.

"Sabi kasi, di ba, pag MU, gusto ka niya, gusto mo siya, di ba?

"Ako, gusto ko naman siya.

"Kung gusto niya ako, e, di go!"

Pero dagdag niya, "Pero siyempre, bilang babae, ang pangit naman kung ikaw ang mag-a-assume, ikaw yung una, di ba? Ikaw yung magko-conclude na kayo, ganito, ganyan."

Pero may chance naman daw si Ervic sa kanya.

"Medyo, medyo. Meron naman kasi mabait naman siya. Mabait naman siya, so far. Puwede, puwede," sabi niya.

Nag-"I love you" na ba sa kanya si Ervic?

"Hindi pa, hindi pa, wala pang ganun.

"At hindi pa niya sinasabing, 'O, gusto kitang maging girlfriend.'

"Wala pang ganun, ako rin naman.

"Pero talagang we are taking it slow.

"E, sino bang nagmamadali, di ba?"

AIFAH MEDINA. Pinag-usapan ba nila ni Ervic ang dating SexBomb member na si Aifah Medina na unang na-link sa model turned actor?

"Hindi," sagot ni Rich.

Sa pagkakaalam niya, naging sina Ervic at Aifah ba?

"Hindi ko alam, hindi ko tinatanong.

"Hindi rin naman niya kinukuwento, kaya ewan ko."

ALJUR ABRENICA. Okay rin daw sila ni Aljur Abrenica na napabalita dati na boyfriend ni Rich.

"Magkaibigan naman kami hanggang ngayon. Pareho kami ng handler kaya kung minsan nagkikita kami," sabi ng dalaga.

Textmates sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati," sagot niya.

"Hindi na kami masyadong nagte-text, hindi katulad dati nung malalim yung friendship namin, hindi katulad noon."

Boto raw si Rich kay Kylie Padilla na napapabalitang espesyal ngayon sa buhay ni Aljur.

"Oo naman!" sambit niya.

"Si Kylie mabait sa akin, magkaibigan kami.

"Pag nagkikita kami sa Party Pilipinas, 'Hi ate!'

"Pareho din kami ng handler ni Kylie.

"Mabait siya, ang ganda... Ano pa bang hahanapin mo dun? Seksi, 'yon."

Kanino siya mas boto—kay Kylie o sa ka-loveteam ni Aljur na si Kris Bernal?

"Wala naman... si Kris, e, loveteam lang yun, e," sabi ni Rich.

Okay din sina Rich at Kris.

"Oo naman."

Sino ang mas katsika niya—si Kylie o si Kris?

"Well, generally speaking, kay Kris, kasi nagkasama kami sa StarStruck, e.

"Pero yung si Kylie, okay din naman siya talaga sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN