Rich Asuncion on her remaining prize money in Binibining Pilipinas: "Dedma na lang. Ano, maghahabol pa ako?"

IMAGE 0


"'Tsaka hindi ko naman talaga super-dream na maging beauty queen, iba yung ano ko. Maging artista talaga ang gusto ko. Kumbaga, hindi ko naisip nung bata ako na magiging beauty queen ako in the future," says Rich Asuncion on why she will not join another beauty contest.


Si Rich Asuncion ay naging 1st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2009.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya nakukuha ang kumpletong premyo niya from the beauty pageant.

"Hindi pa!"

Bakit hindi pa niya nakukuha?

"Hindi ko alam, hindi ko alam," sabi niya.

Magkano pa ang dapat makuha niya?

"Fifty [thousand pesos]," sagot ni Rich.

"Actually, niloloko ko na lang sila. Katulad nung may NBA dito, di ba? Sabi ko, 'O, may libre ba akong tickets diyan?' Ganyan, ganyan.

"'A, hingi ka kay ano kasi siya meron.' Sabi ko, 'E, yung utang ninyo sa akin?'"

Ano ang sagot sa kanya?

"Wala, dedma."

May balitang may events ang Binibining Pilipinas na hindi napuntahan si Rich kaya hindi pa rin niya nakukuha ang kumpletong premyo niya..

Paliwanag naman niya, "Actually, siyempre nung before ako nag-Binibini, alam naman nila na nag-aartista ako, di ba?

"And siyempre, bakit naman ako... Bakit ko naman mas pipiliin yung events, e, may work nga ako, di ba?

"Ano, mag-i-events-events na lang ako? Hindi na ako magtatrabaho?

"E, nakadepende rin sa akin yung family ko. So siyempre, di ba, kailangan ko rin ng income for myself?"

So hindi na lang niya hahabulin ang kulang pa sa kanya ng Binibining Pilipinas?

"Ewan ko sa kanila. Dedma na lang. Ano, maghahabol pa ako?

"Kung may ibibigay sila, e, di 'yon," pagkibit-balikat niya.

DIVA MONTELABA. Balitang ang StarStruck V First Princess na si Diva Montelaba ay sasali na rin sa beauty pageant next year. At kinumpirma ito ni Rich.

"Sa Miss World [Philippines]," banggit niya.

"Oo, ako nagsabi sa kanya. 'Sali ka!' Isa ako sa mga ganun."

Anong advice niya kay Diva?

"Ano kung... ako nandito lang ako para magbigay ng kung anong natutunan ko dun.

"Pero dapat una sa lahat, gustuhin niya muna sumali.

"Hindi puwedeng dahil sinabi lang ng kung sino, dapat ilagay niya sa puso niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tama ba na sa Miss World-Philippines sumali si Diva?

"Well, oo, kahit naman saan. Pageant lang naman 'yan, di ba?

"Hindi, kung saan naman niya gustong sumali, di ba?

"Alangan namang pilitin natin na 'Mag-Binibini ka!'

"Well, ang Binibini talaga is the most prestigious title in the Philippnes.

"Pero wala pang Pilipino na naging Miss World, so baka siya yung first, di ba?

"So, sa tatlong titles na 'yan, for a time naging pinaka-top yung Miss World.

"Kasi gusto nga nilang makuha para may ano naman ang Philippines...

"Kasi may naging Miss Universe na, may naging Miss International na.

"So, kung mag-Miss World siya at nanalo siya internationally, e, di mas maganda."

Given a chance, sasali ba si Rich ulit sa isang beauty pageant?

"No," mabilis na sagot niya.

Bakit?

"Hindi, ayoko na, tapos na yung Binibini, tapos na yung pagpapahiya ko sa sarili ko!

"Hindi, joke lang, joke lang.

"Basta naano lang ako, kasi hindi ko talaga totally ginusto yun, hindi yung 100 percent binigay ko.

"'Tsaka hindi ko naman talaga super-dream na maging beauty queen, iba yung ano ko. Maging artista talaga ang gusto ko.

"Kumbaga, hindi ko naisip nung bata ako na magiging beauty queen ako in the future.

"Hindi ko inisip yun."

TOURISM COURSE. Sa ngayon, bukod sa showbiz ay nag-aaral si Rich sa University of the Philippines. Tourism ang kursong kinuha niya.

"Third year na next year," banggit niya.

Bakit Tourism ang kinuha niyang kurso?

"Kasi maganda yung tourism sa amin [Bohol], maganda yung tourism industry.

"So, in the future, parang gusto kong magtayo ng business doon.

"Actually before StarStruck, nag-Tourism na ako sa amin for one year and one semester.

"Tapos nag-StarStruck ako, tapos nag-transfer ako sa U.P., tapos Tourism pa rin," saad ni Rich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN