Rich Asuncion denies rumored rift with Kylie Padilla because of Aljur Abrenica; reveals meeting Ervic Vijandre's family

IMAGE 0


"Based on his gestures, mga actions niya, I feel special. Parang yung ipinapakita niya sa akin, feeling ko special ako," says Rich Asuncion about Ervic Vijandre.


Hindi raw nakikipagkumpitensiya si Rich Asuncion kay Kylie Padilla sa puso ni Aljur Abrenica.

"Hindi ako nakikipagkumpitensiya o anuman. Yun lang naman.

"Ayokong magkaroon ng samaan ng loob sa kung sinuman," sabi ni Rich sa interview ng showbiz program ng GMA News TV Channel 11, ang In The Limelight, na ipinalabas kagabi, August 16.

Pinabulaanan din ni Rich na patuloy silang nagkikita ng dati nang nali-link sa kanyang si Aljur, na diumano'y dahilan daw ng paglalasing ni Kylie.

Wala raw katotohanan ang balitang magkaaway at magkagalit sila ni Kylie, na rumored girlfriend ngayon ni Aljur.

Nagpapansinan naman daw sila sa tuwing magkikita.

"Minsan nagkikita sa Party Pilipinas. Nagha-hi siya sa akin, nagha-hi din ako sa kanya," ani Rich.

ERVIC VIJANDRE. May kanya-kanyang buhay na raw sina Rich at Aljur. Kaya ang pakiusap ni Rich, tigilan na ang mali-maling balita tungkol sa kanila.

Hindi na raw kasi si Aljur kundi si Ervic Vijandre na ang apple of the eye ng aktres ngayon.

"Wala namang masama e, kasi single naman ako, single naman siya [Ervic].

"At date lang naman, hindi naman kami magboyfriend-girlfriend pa," sabi ng StarStruck alumna.

Inamin ni Rich na two months na silang nagde-date ni Ervic at masaya raw sila dahil marami silang mga bagay na pinagkakasunduan.

Ipinakilala na rin daw siya ni Ervic sa pamilya nito na nagpalalim pa sa relasyon nilang dalawa.

"Ipinakilala niya ako bilang someone na idine-date niya, ganun.

"Mabait naman talaga sila, sobrang bait ng parents niya, yung mga pinsan niya, lolo niya."

Na-appreciate daw talaga ni Rich ang ginawang ito ni Ervic at nakita niya raw ang mabuting intensyon ng actor-model sa kanya.

"Isa na yun sa mga natutunan kong lessons. Dapat talaga you should know a person well before entering a serious relationship."

Hindi man umaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon, importante raw kay Rich na nagkakaintindihan sila ni Ervic at nararamdaman niya ang concern nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Based on his gestures, mga actions niya, I feel special.

"Parang yung ipinapakita niya sa akin, feeling ko special ako," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN