Young superstar Judy Ann Santos more than willing to do a project with Superstar Nora Aunor

IMAGE 0


Judy Ann Santos on The Next Superstar tag: "Walang next. [Si Nora Aunor] lang 'yon, e. Siya lang 'yong nakapasok sa gano'ng status, e. Parang ni sa kalingkingan yata ng naabot ni Ate Guy, hindi ko naabot, e, dahil talagang matindi ang nangyari [sa career niya]. Di ba, ang laking artista ni Nora Aunor? Walang makapapantay sa kasikatan niya."


Marami ang nasabik nang magbalik sa bansa ang Superstar na si Nora Aunor noong nakaraang linggo. At isa na rito ang award-winning actress na si Judy Ann Santos.

Sa panayam ng entertainment media kay Judy Ann kahapon, Agosto 10, sa press conference ng bago niyang show na Junior Masterchef, inihayag niya ang kanyang kasiyahan dahil sa pagbabalik ng batikang aktres.

Anya, "Lahat naman tayo, e, di ba, excited na finally nandito na si Ms. Nora Aunor.

"And nakaka-excite na mapanood ulit siya sa TV, sa pelikula, kasi na-miss talaga siya ng mga tao."

Nagkasama na noon sa dalawang pelikula sina Nora at Judy Ann. Ito ay ang Sa Puso Ko Hahalik ang Mundo noong 1988 at Babae noong 1997.

At bukas si Judy Ann sa anumang pagkakataon upang maulit ang kanilang pagsasama sa isang proyekto.

"Malaking bagay 'yong makagawa ka ng pelikula with the Nora Aunor," sabi ni Judy Ann.

ON BEING TAGGED AS YOUNG SUPERSTAR. Samantala, hindi naman maikakaila na marami na rin ang nagbabansag kay Judy Ann bilang The Young Superstar o The Next Superstar.

Nagpapasalamat ang 33-year-old actress sa mga taong nagbigay ng mga titulong ito.

Subalit nais linawin ni Judy Ann na, "Walang next. [Si Nora] lang 'yon, e.

"Siya lang 'yong nakapasok sa gano'ng status, e.

"Parang ni sa kalingkingan yata ng naabot ni Ate Guy, hindi ko naabot, e, dahil talagang matindi ang nangyari [sa career niya].

"Di ba, ang laking artista ni Nora Aunor? Walang makapapantay sa kasikatan niya."

ON YOUNG MARA CLARA STARS. Kung si Judy Ann ay binabansagang "Next Superstar," tinatawag namang "future superstars" ng Star Cinema sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Sila ang mga gumanap na Mara at Clara sa remake ng longest-running soap opera noong '90s, na pinagbidahan noon nina Judy Ann at Gladys Reyes.

Ayon kay Judy Ann, napanood niya ang pag-arte ng dalawa sa Mara Clara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At base rito, nasabi niya, "Yes, malaki ang potensiyal nila na maging malaking artista.

"Sa tingin ko naman, e, with little steps, they're getting there already."

Gayunman, tila hindi naman sang-ayon si Judy Ann na bansagan sina Kathryn at Julia as "the next Judy Ann Santos and Claudine Barretto." (CLICK HERE to read related story.)

Tulad ng kanyang opinyon sa titulong Young Superstar na ibinigay sa kanya, sinabi ng multi-awarded drama actress, "I think, it's just proper na bigyan natin sila ng sarili nilang pangalan.

"Kasi, pinaghihirapan nila ng matindi 'yan.

"Nakikita ko kung gaano magtrabaho itong dalawang batang ito.

"I think it's unfair na maikumpara sila sa amin, kasi iba naman ang generation nila sa generation namin."

Ipinakiusap din ng aktres na, "Bigyan natin sila ng chance na maipakita 'yong sarili nilang kakayahan.

"Huwag muna nating ikumpara [sa iba].

"Parang pinuputol na natin kaagad 'yong kakayahan nila sa pag-arte.

"May sarili silang diskarte. May sarili silang puwedeng i-offer.

"Kasi, kapag may comparison, parang pinutol mo 'yong pag-arte no'ng bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN