Dingdong Dantes answers rumors saying he's living in with Marian Rivera; plans to take a vacation in the States

IMAGE 0


Dingdong Dantes on rumors saying he's living in with Marian Rivera: "Kanya-kanya 'yan, e. Para sa akin, kung saan siyempre mas convenient para sa tao, kung wala namang kumokontra, kanya-kanya yun."


Isa sa mainit na tanong na ipinasagot kay Dingdong Dantes sa 16th anniversary ng Startalk ay kung totoong nagli-live in na sila ni Marian Rivera.

Ayon kay Dingdong, "Alam mo, we work very hard para mapundar yung gusto naming mapundar.

"And we are enjoying and reaping the benefits ng pinagtrabahuan ko, and that's where I am, and dun din siya.

"Para sa akin, ang totoong inuuwian ni Marian, where her heart is, is in Cavite. And she makes sure that she's there at least once a month.

"At kapag may pagkakataon, sinasamahan ko siya. And especially kapag may okasyon, like Christmas, like New Year, mga ganun, we consider those events very valuable.

"That's why especially, kapag ako din, kapag meron din akong mga family gathering, I make sure she's always there."

Muling tinanong kay Dingdong kung magkapareho ba sila ng address ni Marian.

"Hindi. Hindi," mabilis niyang sagot.

Ayon pa kay Dingdong, hindi naman siya kontra sa ideyang pagli-live in. Pero depende naman daw yun sa magkasintahan at sa sitwasyon kung talagang kinakailangan.

"Kanya-kanya 'yan, e," sabi ng aktor.

"Para sa akin, kung saan siyempre mas convenient para sa tao, kung wala namang kumokontra, kanya-kanya yun."

ANNIVERSARY. Sumundot na rin ng tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan ba talaga sila naging officially mag-on, o kung kailan nila sini-celebrate ni Marian ang kanilang anniversary.

"Sa totoo lang, kahit kami, hindi namin tinutuldukan ng petsa yun, e.

"There is a certain season kailan namin alam na yun talaga yun. Pero yung specific na petsa na date, wala kaming ganun," napapangiting sabi ni Dingdong.

Kung ano mang season yun, sa kanila na lang daw yun dahil may mga bagay na hindi na muna kailangang i-share sa publiko.

U.S.VACATION. Ngayong abala ang magkasintahan sa kani-kanilang proyekto, balak nilang ituloy pa rin ang matagal na nilang binabalak na bakasyon sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manonood sila ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada sa November, at mag-iikot na rin doon ng ilang araw kasama ang ilang kamag-anak ni Dingdong.

Ang unang napabalita ay kasama nila ni Marian ang kani-kanilang ina, pero hindi na raw natuloy yun.

Ani Dingdong, "Gusto lang talaga namin manood and at the same time, isang regalo rin sa amin ang pagpunta dun.

"Gusto rin naming kunin ang opportunity na umikut-ikot ng konti.

"Konting recharge lang kasi magmula nang pag-uwi after the fight hanggang December, tuluy-tuloy na 'yan, e.

"Siyempre, kailangan lahat ng energy na puwede mong kunin, kunin mo dun," pahayag ng aktor.

MOVIE WITH KRIS. Ilang araw na lang ay matatapos na ni Dingdong ang Segunda Mano, ang pelikula nila ni Kris Aquino na entry sa Metro Manila Film Festival this year.

Natutuwa ang Kapuso actor dahil nakatrabaho na niya si Kris, na dati ay napapanood lang daw siya sa mga horror films na nagawa nito.

"Ang ganda ng experience kasi lagi ko siyang napapanood sa mga ganitong pelikula, which is horror.

"And ngayong kaeksena ko siya, it's just like I'm watching her also.

"Ang pagkakaiba lang is that I'm also in the scene.

"So, napakaganda ng experience and bihira lang kasi ang pagkakataon na magkaroon ng ganitong proyekto.

"Of course, iba ang pagsasama ng dalawa sa magkaibang network.

"Kaya labis-labis akong nagpapasalamat na pinayagan akong gawin ito and I'm very excited about this," saad niya.

MARIAN AND RHIAN. Bukod sa pelikula nila ni Kris, sisimulan na rin ni Dingdong ang bagong soap sa GMA-7 kung saan muli silang magtatambal ni Rhian Ramos.

Magkasama rin sina Marian at Rhian sa Panday 2, na pinagbibidahan ni Senator Ramon "Bong" Revilla.

Naikuwento ni Sen. Bong sa isang panayam na nagkabati na ang dalawa pagkatapos daw nilang mag-usap nang masinsinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw alam si Dingdong na nagkausap pa sina Marian at Rhian, pero tingin daw niya ay hindi naman kailangan nilang magkabati dahil hindi naman daw nagkaroon ng away.

"Alam mo, hindi ko naman alam na dapat sabihing nagkabati kasi wala rin naman akong nakitang nag-away sila.

"There is nothing to fix kasi wala namang nangyaring ganun.

"I mean, they weren't friends as in magkaibang-magkaibigan, pero hindi rin naman sila magkaaway.

"Kaya there's nothing to fix. So, importante everything is okay," pakli nito.

Dagdag pa ni Dingdong, "Ang importante, kung ano man ang ginawa nila, siyempre nirerespeto ko sila.

"But I really don't know kung merong usapang nangyari. Ang importante, okay sila pareho.

"Papasok kami sa kanya-kanyang project at nagawa niya [Marian] ang project niya which is Panday na wala namang problema.

"Basta kami, we support each other and that's it.

"Para lang sa kagandahan ng kalalabasan ng ginawa namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN