Dingdong Dantes on much-awaited reunion project with Marian Rivera: "Kung sila nananabik, ako rin ay nananabik."

IMAGE 0


"Well, hopefully merong isa. Pero siyempre, ayoko namang pangunahan. Siyempre, may manager 'yan... Siyempre, kung sa gusto lang, I will always want to have a project with her," says Dingdong Dantes about a possible project with girlfriend Marian Rivera.


Pagkatapos ng Endless Love ay hindi pa nasusundan ang pagsasasama ng magkasintahang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang proyekto. Puro individual projects ang ginagawa nila.

Si Marian ay kasalukuyang may epicserye na Amaya, habang si Dingdong naman ay abala sa paggawa ng dalawang pelikula at sa upcoming reality show na Protégé.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kung kailan sila muling gagawa ng proyekto ni Marian, lalo na't marami na ang nananabik na mga tagahanga nila.

Pero aniya, "So far, wala pa akong alam na plano.

"Pero yun ang maganda, e, kapag may pananabik. Kung sila nananabik, ako rin ay nananabik."

May usap-usapan na may gagawin daw silang pelikula. Ano na ang nangyari rito?

"Well, hopefully merong isa," sabi ni Dingdong.

"Pero siyempre, ayoko namang pangunahan. Siyempre, may manager 'yan.

"Baka sabihin ko, may isa akong gusto, e, hindi pa naman kami nakakapag-usap, di ba?

"Siyempre, kung sa gusto lang, I will always want to have a project with her."

Incidentally, ngayong araw, August 12, nagdiriwang ng kanyang 27th birthday si Marian.

ASWANG. Noong kausap namin si Dingdong ay damang-dama namin ang pagmamalaki niya sa kasalukuyang ginagawang pelikula, ang Aswang.

Nabanggit ng matinee idol na last four days na lang daw sila.

"Napanood ko na ang halos kalahati, wala pang effect, very raw. Pero proud ako. Proud ako.

"Minsan lang din akong makapanood na ako, nahu-hook.

"Maybe yung pagkagawa, e, gustung-gusto ko at saka gustung-gusto ko ang istorya.

"Pero kahit na alam ko na nandoon ako, ako ang gumawa at alam ko ang script, e, meron pa rin ibang experience at ibang dimension na naibibigay sa akin ang pagpanood ko literally on screen.

"Ibang klase talaga siya!" sambit niya.

Bagamat malapit nang matapos ang pelikula, posibleng next year pa maipapalabas ito.

Sa palagay ba ni Dingdong ay okay lang na paghintayin ang mga manonood ng ganoon katagal sa isang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, yun ang pakay talaga," sagot niya.

"To at least prepare for one year para sa computer graphics na sasama rito.

"Kumbaga, kung ang Transformers ay ginagawa ng isa, dalawang taon, ito, gagawin siya ng mahigit isang taon para maperpekto ang pagpapakita na kung kaya nila, kaya natin."

Ready na kaya ang Pinoy na ang locally-produced movie naman ang maghatid ng effects tulad ng napapanood sa Hollywood?

Kampante naman si Dingdong sa pagsasabing, "Palagay ko, oo.

"Masyado lang talaga ang karamihan, lalo na pagdating sa genre na ganoon, loyal tayo sa Hollywood na mga pelikulang ipinalalabas.

"Wala naman tayong ipinalalabas sa atin na mga ganoon.

"Yung huling ganoong klase ng pamilya was years ago or probably fifteen years ago.

"Noong mga panahon na yun, hindi pa uso ang computer.

"So, siyempre, hangga't wala silang option na nakikita na ganoong klase ng pelikula na papanoorin nila, ang nagiging basehan always is a Mission Impossible or a James Bond.

"Na kapag hindi mo nakapareho or higitan, sasabihin gaya-gaya ka pa. Sasabihin na cheap replica ka pa.

"But I believe, we can do it if we first have a story that is rich in Filipino values and culture, which is, I believe, kahit papaano, meron ang istorya namin.

"Kasi, saan lang ba nanggagaling ang salitang aswang? Saan lang ba naririnig yun kundi sa probinsiya?

"But there's so many aswang stories that have been told. Pero siyempre, ang challenge niyan ay ang kaibahan."

Dugtong pa niya, "Para sa akin, ang vision ni Erik Matti, e, isang dakilang rebelasyon na alam naman natin na naganap na noon pa sa mga pelikulang gaya ng Exodus at kung ano-ano pa."

Nilinaw naman ni Dingdong na hindi nila balak pantayan ang anumang Hollywood films that are rich in special effects.

Aniya, "Hindi naman namin ninanais na pantayan. Ang gusto lang namin, e, maipakita na this time, we can still retell a story about aswang and adopt it with this generation, humor, and this generation's capacity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEGUNDA MANO. Ang isa pang pelikula ni Dingdong ay ang Segunda Mano, na pinagsasamahan naman nila ni Kris Aquino at entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Co-producers din sina Dingdong at Kris sa pelikulang idinidirek ni Joyce Bernal.

Ayon kay Dingdong, nakapag-first shooting day na rin sila para rito.

"Nag-day one na kami noong July 29. Officially, nag-start na kami noong July 29.

"Then, we'll shoot again on the third week of August.

"Very excited na rin ako sa movie," sambit niya.

Malaki ba ang kaibahan ng Segunda Mano sa Aswang since parehong may temang horror-suspense ang dalawang movie na sinu-shoot niya?

"Malayo, malayong-malayo," sabi ni Dingdong.

"Yung Segunda Mano, very now. Nangyayari sa panahon ngayon.

"Yung Aswang, kahit kailan... basta exciting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN