Marian Rivera says she doesn't want to be directed by boyfriend Dingdong Dantes

IMAGE 0


Ang sweet naman talaga ni Dingdong Dantes at Marian Rivera (above) sa launching ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng iba't ibang glamorosong pictorial ng talents ng PPL, nuong Sabado. Makikitang happy naman sila sa takbo ng relasyon nila ngayon.



Puno ang The Establishment sa The Fort, Taguig City kagabi, September 9, kung saan idinaos ang 2nd anniversary ng PPL (talent management ni Perry Lansigan).



Isinabay na rin dito ang launch ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng iba't ibang glamorosong pictorial ng talents ng PPL na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, at Carl Guevara.

Pati na ang mga bagong alaga ni Perry na sina Janno Gibbs, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, LJ Reyes, Wilma Doesnt, at Max Collins.

Layunin ng photo book na makalikom ng karagdagang pondo para sa school building projects ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong. Siyempre pa, naroon ang girlfriend ng aktor na si Marian Rivera para sumuporta.

Ang sweet nga nila sa isa't isa that night. Makikitang happy naman sila sa takbo ng relasyon nila ngayon. Talagang magkadikit lang sila habang ini-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

As always, full support lagi si Maria basta rin lang para kay Dingdong.

"Oo naman," nakangiting sabi ng aktres.

"Basta kung nasaan si Dong, nasa likod lang niya ako," sabay sulyap ni Marian sa aktor.

"Pero ngayon nasa likod mo ako, e," biro naman ni Dingdong kay Marian dahil nakatayo siya sa gawing likod ng dalaga.

At pagkatapos ay nagkatawanan sila pareho.

Hindi lang naman daw si Dingdong ang rason kung bakit mas happy at inspired si Marian ngayon. Labis din daw niyang ikinatutuwa na ang pinagbibidahang epic serye niyang Amaya sa GMA-7 ay maganda ang nakukuhang rating at na-extend pa.

"Actually, dapat matatapos kami ng October. Tapos biglang naging November. Tapos pinag-uusapan kung hanggang next year pa siya.

"So, malalaman ko kung paano ang magiging set-up tungkol sa Amaya."

THE SECRET. Balik tungkol sa kanila ni Dingdong ang usapan. Ano nga ba ang sikreto at kahit laging iniintriga ang kanilang relasyon ay matatag pa rin ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sikreto? Daddy, sagutin mo," natawang ipinasa ni Marian ang tanong kay Dingdong.

"Siyempre, 'yon nga... pagtitiwala at pagmamahal," ana'ng aktor. "At saka... pasensiya."

And then si Marian naman, sinegundahan lang ang sinabing iyon ni Dingdong.

"Gano'n din!" natawa niyang sabi. "Parehas lang."

Sobra silang busy ngayon sa kani-kanilang career. How do they find time for each other nang lagay nilang 'yon?

"Time? Palagi kaming may time para sa isa't isa. Kahit na ako, sobrang busy ko sa Amaya.

"Ang maganda lang do'n, siya 'yong minsan gumagawa talaga ng paraan para mag-meet kami o kaya ako sa bahay.

"Nagluluto na lang ako. Kakain na lang kaming dalawa. So, meron kaming bonding na gano'n."

Hindi pa rin talaga nila napag-uusapan ang pagpapakasal?

"Oo. Kasi 'yong bagay na 'yan, e, hindi minamadali. Dapat talaga pinag-iisipan.

"Ngayon, e, ie-enjoy muna namin," sabi ni Marian.

MARRIAGE PLANS? Pero parang ready na siya anytime na yayain siyang pakasal ni Dingdong?

"Basta tungkol sa mga ganyang bagay, palagi naming sinasabi, e, ayaw naming pag-usapan.

"Mahirap kasi 'yong mga ganyang tanong, e. Ang importante mahal ko siya," sagot ni Marian.

Ano ba ang ideal wedding niya?

"Napatingin talaga ako sa 'yo!" ani Marian nang sumulyap siya kay Dingdong matapos marinig ang ganong tanong.

"Ah... ano ba? Hindi ko pa naiisip, e. Pero kapag dumating na ang point na 'yon, pag-iisipan ko talagang mabuti kung ano talaga ang gusto ko."

Hindi kaya maging inspired sa epic setting ng Amaya?

"Ay, hindi. Gusto ko 'yong taliwas sa nakikita sa telebisyon."

Gagawin ba nilang very solemn at private 'yong wedding nila kung saka-sakali o io-open nila sa public?

Si Dingdong ang sumagot.

"Saka na natin pag-usapan. Siyempre, isang mahalagang bagay para sa amin iyon so, as much as possible, e... Basta there's a right time for that."

ON KRIS. Tungkol sa pakikipag-co-produce naman ni Dingdong ngayon kay Kris Aquino para sa ginagawang pelikula ng dalawa na Segunda Mano, paano sumusuporta si Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lahat naman ng ginagawa niya, sumusuporta ako sa kanya. Gano'n 'yong klase ng relasyon na meron kaming dalawa.

"Iyon din siguro ang isa sa mga rason na... basta suportahan kaming dalawa."

Hindi kaya maimpluwesiyahan siya ni Dingdong na mag-produce din?

"Why not? Why not?

"Minsan napag-uusapan namin 'yan. Pero sa pagkakataong ito, siya na lang muna."

Magku-co-produce din kaya silang dalawa o solo lang niya if ever?

"A, hindi ko alam, e!" sabay tawa ni Marian.

Si Kris Aquino, nang ma-interview para sa Sunday showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central, may nasaabi na 'yong pelikula raw na ginagawa nila ni Dingdong ang "pinaka-stress free" umanong project para sa aktor kasi love daw siya (Kris) ni Marian.

Anong comment niya roon?

"Oo naman. Oo naman.

"At kung magkakaroon ng pagkakataon na meron akong free time, pupuntahan ko sila. Para madalaw ko sila sa set," sabi ni Marian.

ON RHIAN. Muling magkatambal sina Dingdong at Rhian Ramos sa isang soap ng GMA-7, na may workign title na Sundo.

Wala namang problema sa kanya ang tungkol do'n?

"Ay, wala. At saka okey naman kami ni Rhian.

"Kahit naman siguro sinong maka-partner ni Dong, okey sa akin. At alam niya iyan.

"At saka ever since naman, wala namang naging problema. So, wala talaga.

"Palagi ko namang sinasabi na okey lang kahit sinong maka-partner ni Dingdong. Oo naman.

"Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ng mga isyu, di ba?

"Basta all the way akong nakasuporta sa likod niya kahit sino pa ang maka-partner niya."

May nasabi si Dingdong na gusto raw siyang idirek?

"Ayoko!" bulalas ni Marian.

Bakit naman ayaw niya?

"Ayoko."

Sumingit si Dingdong.

Aniya, "Kasi ganito 'yan... gagawa kasi siya [Marian] ng album. Pero private album lang. Para sa akin lang. At ididirek ko ang MTV no'n."

Magiging awkward ba sa pakiramdam ni Marian kung ididirek siya ni Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko!" tumatawa-tawa pa ring sabi ng aktres. "Ayoko. Ayoko.

"Tanungin n'yo kung kaya niya [Dingdong]! Kung kaya niya akong idirek."

May pabirong reaksiyon naman si Dingdong.

"Di ba, ang artista may ka-dobol?" ana'ng binata.

"May ka-dobol din ako bilang direktor. Hindi... joke lang."

Gandang-ganda ang lahat kay Marian ng gabing 'yon. Blooming siya, fresh na fresh ang aura at talagang umaapaw ang happiness sa hitsura niya.

"Basta nandiyan si Dingdong," biro niyang reaksiyon.

"At saka ang buhay-artista naman ganyan talaga. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon palaging may intriga o palaging walang intriga.

"So, siguro tamang pagha-handle lang. At kapag tama ang mga taong nakapaligid sa 'yo, magiging okey lahat talaga. At magiging happy ka. Di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN