Aiko Melendez wants media to forget past issue with Cristine Reyes's sister, Ara Mina

IMAGE 0


"Tinatapos na namin ito ngayon at sa mga susunod na araw. Dapat wala nang isyung ganito," Aiko Melendez pleads to the media when asked if her issue with Ara Mina affects her working relationship with Ara's younger sister Cristine Reyes. Ara was formerly linked to Aiko's ex-husband Jomari Yllana.


Sa pagasasama nina Cristine Reyes at Aiko Melendez, may ilang naintriga kung paano ang samahan ng dalawa sa set.

Matatandaang minsan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Aiko at ang ate ni Cristine na si Ara Mina.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ng relasyon ni Ara sa dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.

Subalit dahil matagal nang nangyari ito, nakiusap si Aiko na sana ay hindi na ito maungkat, lalo pa't katrabaho niya ngayon ang nakababatang kapatid ni Ara sa Reputasyon.

"Ayaw ko nang pag-usapan 'yon," hiling ng aktres sa ginanap na press conference para sa bagong afternoon teleserye ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Aiko, na gumaganap bilang kontrabida sa karakter ni Cristine, "Kasi parang ang daming taon na ang nakalipas.

"Parang ang pangit naman na mag-i-stuck up kami pareho ni Cristine sa isyu na 'yon."

Nabanggit di ni Aiko na dapat ay hindi ito makaapekto sa pagiging magkatrabaho nila ni Cristine sa ngayon.

Aniya, "Looking back, parang napakaganda lang ng proyekto na ito para lang pairalin ang isang isyu na matagal naman nang natapos."

"Tinatapos na namin ito ngayon at sa mga susunod na araw. Dapat wala nang isyung ganito," deklara pa niya.

CRISTINE IS OKAY WITH AIKO. Sumang-ayon naman si Cristine na hindi na dapat pag-usapan ang nakaraang isyu sa pagitan ng kanyang ate at ni Aiko.

"Hindi pa ako artista noon!" biro pa ng young actress.

Bilang patunay, ikinuwento ni Cristine kung paano siya napalapit kay Aiko.

Aniya, "First na nagkita yata kami sa story conference. Ako 'yong nahihiya.

"Nahihiya akong lumapit. Medyo awkward kasi.

"Pero after a while, noong nagte-taping na kami, okay na. Bumabati na ako.

"Kasi, minsan pa lang kami gumawa ng eksena together, e. Siguro soon, mabubuo na ang bonding namin kasi lagi na kaming magkasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN