Marian and Dingdong, Angel and Phil, Piolo and KC—which relationship will last?

IMAGE 0


Bro. Mhon Co (inset) predicts the 2012 will not be a good year for the real-life tandems of Marian-Dingdong, KC-Piolo, and Angel-Phil.


Kontrobersiyal at puno ng intriga ang mga naging prediksyon ng psychic at feng shui master na si Bro. Mhon Co tungkol sa mga sikat na celebrities.

Pero bago niya inilahad ang mga ito sa isang press conference na naganap noong November 16, sa Jade Valley restaurant, Scout Torillo near corner Timog Avenue, Quezon City, ay pinaalala niyang pawang mga hula lamang ang kanyang sasabihin at maaaring babala sa mga posibleng mangyari sa hinaharap.

Ang Panginoong Diyos pa rin daw ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

MARIAN AND DINGDONG. Isa sa mga naitanong kay Bro. Mhon ay ang tungkol sa high-profile relationship nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa darating na taong 2012 o Year of the Dragon.

Ikinagulat ng mga miyembro ng press ang kanyang naging sagot.

Ayon kay Bro. Mhon, "Up and down po ang relasyon nila. Posibleng maghiwalay sila sa 2012."

Magkakaroon ba ng third party?

"Meron po sa parte ni Marian."

Mabubuntis ba si Marian?

"Posible po. Baka po sa ibang guy."

Ang makakabuntis ba kay Marian ay mula sa showbiz o non-showbiz?

"Non-showbiz po. Pero ang sigurado pong makakabuntis kay Marian ay lalaki," biro pa ni Bro. Mhon.

"Yung lalaki po ay galing sa politics or business."

ANGEL AND PHIL. Tungkol naman sa relasyon nina Angel Locsin at Phil Younghusband, tuwiran niyang sinabi sa media, "Hindi rin sila magtatagal. Magkakaroon din sila ng problema."

Katulad ng prediksyon niya tungkol kina Marian at Dingdong, sinabi ni Bro. Mhon na maaring third party rin ang dahilan ng problema.

Dagdag pa niya, "Sa part po ni Phil Younghusband."

Gayunman, positibo naman ang nakikita niya sa magiging career ni Angel.

Sabi ni Bro. Mhon, "It will continue to rise."

PIOLO AND KC. Samantala, nang tanungin naman si Bro. Mhon tungkol sa relasyon nina KC Concepcion at Piolo Pascual, na ilang ulit nang napabalitang naghiwalay.

Aniya, "Tuluy-tuloy na po iyan. Wala na pong mangyayaring reconciliation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi totoo ang balitang nagkabalikan sila abroad?

"Ano po yun kiyeme lang."

(Ang 'kiyeme' ay isang kolokyal na salita na ang ibig sabihin ay hindi totoo.)

CLAUDINE AND RAYMART. Isa pang relasyon na naging laman ng mga showbiz headline ay ang tungkol mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Bagamat tahimik ang parehong kampo, may mga usap-usapan na matagal nang nagkakaroon ng problema ang mag-asawa.

Ilang beses na rin na napabalitang naghiwalay na sila subalit ilang beses din nila itong pinabulaanan.

Pero para kay Bro. Mhon, "Papunta na po doon ang relasyon nila. They're on the brink of separation."

RUFFA, JOHN LLOYD, AND SHAINA. Hindi rin naiwasan ng media na tanungin si Bro. Mhon sa matagal nang kontrobersyal na isyu sa pagitan nina Shaina Magdayao, John Lloyd Cruz, at Ruffa Gutierrez.

Matatandaan na bago pa man naging magkasintahan sina Shaina at John Lloyd, nagkaroon ng relasyon ang huli kay Ruffa.

Kamakailan lang, naging mainit ang isyu tungkol sa tatlo nang isiwalat ni Ruffa ang umano'y maaanghang na text message na ipinadala ni Shaina.

Para kay Bro. Mhon, "Si Ruffa po ang talagang pinagmulan ng problema, e.

"Pero ipinaglalaban lang ni Ruffa ang kanyang sarili."

Nang tanungin kung tuluyan nang maghihiwalay sina John Lloyd at Shaina, sinagot ni Bro. Mhon, "Malabo na pong magkaroon ng reconciliation."

Ito ang ilan pa sa relasyon sa showbiz na binigyang prediksyon ni Bro. Mhon:

ROBIN AND MARIEL. Sa tingin niya, magtatagal ang kanilang pagsasama.

Dagdag pa niya, "Sa tingin ko, oo. Si Mariel po ang naghahawak ng key sa relasyon nila."

TONI AND DIREK PAUL. Sa posibilidad ng pagpapakasal ng magkasintahang Toni Gonzaga at Paul Soriano, sinabi ni Bro. Mhon, "Hindi po ganun kataas ang possibility."

BEA AND ZANJOE. Para kay Bro. Mhon, hindi magkakatuluyan ang dalawang ito, "Showbiz lang po iyan."

LUIS AND JENNYLYN. Tulad ng kina Bea at Zanjoe, hindi rin naniniwala si Bro. Mhon sa relasyon nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tungkol sa planong pagtakbo ni Luis bilang mayor ng Lipa, Batangas, sinabi ni Bro. Mhon, "Malaki po ang tsansa niyang manalo."

PROMINENT NAMES IN SHOWBIZ. Bukod sa mga celebrity couple, nagbigay din ng prediksyon tungkol sa malalaking personalidad sa industriya.

Nabanggit ang kaso ni Diamond Star Maricel Soriano laban sa dating mga kasambahay.

"Malalagpasan po niya [iyan]," ani Bro. Mhon.

Dagdag pa niya tungkol sa muling pagiging aktibo ng award-winning actress sa showbiz, ""Kontrobersiyal pa rin si Maricel. Pero yung kanyang popularity lalong tataas."

Samantala, sinabi ni Bro Mhon na kailangan ng "relaunching" para kay Nora Aunor, na pumirma ng three-year contract sa TV5 kamakailan.

Sabi pa niya, "Mukhang sumablay siya rito sa kanyang Sa Ngalan ng Ina. Hindi masyadong mainit ang pagtanggap ng mga tao, e."

Pagkatapos, pinayuhan naman ni to ang Wil Time Big Time host na si Willie Revillame na huwag nang pumasok sa pulitika.

Paalala pa niya, "He should maintain his work as a host in his show and he can help people. But once he enters politics, it could be very disastrous in his career."

Mananalo kaya si Willie sa mga kasong haharapin niya?

"Yung mga kaso ni Willie sa show niya, mananalo siya sa mga kaso. Nanalo na siya sa ilan pero meron pang ibang dadating at mananalo pa rin siya," sagot ni Bro. Mhon.

Patungkol naman sa Eat Bulaga! host na si Vic Sotto, nakikita umano ni Bro. Mhon na susunod siya sa yapak ng kanyang kapatid na si Senator Tito Sotto.

Kung sakaling pumasok din siya sa pulitika, ani Bro. Mhon, "Mananalo siya, sigurado po 'yan."

BOXING CHAMP MANNY PACQUIAO. Bago pa raw ang laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez, naramdaman na raw ni Bro. Mhon na mahihirapan si Manny.

Kwento pa ni Bro. Mhon, ""Si Manny po, naramdaman ko na dadaan siya sa butas ng karayom sa laban na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasabi ko na sa kolum ko that he will win but he will have to go sa napakalalim na pagsubok bago siya manalo.

"In fact, it was God's destiny for him to win the fight.

"But many people believe that it was Marquez who won.

"Wala po tayong magagawa, yun po ang judges' decision. Talagang kontrobersiyal po ang labang ito."

Ano naman ang masasabi niya sa pinakaabangang paghaharap nina Manny at undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.?

"Yung Pacquiao-Mayweather fight is still a doubtful reality," sabi niya.

"Mukhang hindi na maa-attain. Baka before that, mag-retire siya."

Posible bang maghiwalay sina Manny at ang asawa niyang si Jinkee?

"Kung hindi mag-iingat si Manny at hindi maaayos ang problema nila, posible silang maghiwalay," sabi ni Bro. Mhon.

KRIS AQUINO. Naging interesante din ang mga naging pahayag ni Bro. Mhon nang tanungin siya tungkol sa TV host-actress na si Kris Aquino.

Magtatagumpay daw ang nakababatang kapatid ni President Noynoy Aquino kung sakaling pumasok siya sa pulitika.

Aniya, "Kris Aquino is a potential senatoriable.

"And once she enters politics, that is a signal for MalacaƱang.

"A woman president in 2016? Will it be Kris Aquino?"

Sino naman ang nakikita niyang magiging ka-tandem ni Kris Aquino kung sakali?


"Chiz Escudero," sagot ni Bro. Mhon.

Nang tanungin kung may ibang celebrity na makakalaban si Kris para sa top government post, sinabi ni Bro. Mhon, "It might be Vilma Santos."

Isa pang nabanggit niya tungkol kay Kris, mananatili raw na single si Kris kasabay ang kanyang kuya. At kung may darating man na magiging karelasyon ni Kris, sabi ni Bro. Mhon, "Probably from politics po."

At para naman buong Aquino family, nagbabala ang psychic at feng shui expert, "Meron akong nakikitang car accident sa isa sa Aquino family.

"Pero wala namang mamamatay.

"Pero pag-uusapan po ng buong bansa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay din ng prediksyon si Bro. Mhon tungkol sa karera ng Prince of Indie Films.

Aniya, "Si Coco Martin po ay isang kontrobersiyal na tao. Pati sa lovelife, marami po siyang problemang hinaharap."

Samantala, tungkol kay Popstar Princess Sarah Geronimo, sinabi ni Bro. Mhon, "Gaganda pa ang singing career niya pati ang career niya sa TV at movies. More concerts to come for Sarah Geronimo."

TOP LOCAL HEADLINES. Bukod sa mga kilalang personalities, nagbigay din ng prediksyon si Bro. Mhon sa mga malalaking balita na lumabas kamakailan.

Una na rito ang Ramgen Revilla murder case, na sa tingin ni Bro. Mhon ay "acid test" para kay Senator Bong Revilla.

Aniya, "Ito ang pinakamatinding pagsubok sa kanya, how he will handle his family problems. Pero I know, he knows the real score kaya lang he can not divulge it to the press."

At katulad ng resulta ng imbestigasyon ng pulisya, nararamdaman niya na may alam ng pamilya Revilla tungkol sa totoong nangyari sa pagkakapaslang sa panganay na anak ni dating Senador Ramon Revilla Sr. kay Genelyn Magsaysay.

"Kaya lang kailangan po nilang itago iyan sa madlang tao. Hindi po nila pwedeng sabihin basta-basta," dagdag pa ni Bro. Mhon.

Nakikita rin daw niya na mareresolba ang kasong ito sa darating na bagong taon.

"Sa Year of the Dragon magkakaroon ng resolusyon diyan. Marami pa rin silang itatago. Despite the solution, puwede nating sabihing moro-moro yan."

Ano naman ang masasabi niya sa alitan sa pagitan ni Nadia Montenegro at talent manager na si Annabelle Rama, na nauwi na sa korte.

"Hindi po [mare-resolve]. Lalala pa nga po iyan, e. Magkakaroon pa po iyan ng mga future episodes, mas maraming issue," sabi ni Bro. Mhon.

How about the betwork war?

"Channel 5 [o TV5] can be very lucky next year. Well, [GMA-7] and [ABS-CBN] have dominated the board. But now [TV5] is getting into the picture. And if it continues, TV5 will emerge as one of the top contenders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Makakakuha po sila ng mas malaking market share. Manny Pangilinan and Atty. Ray Espinosa are very good people and very humanitarian."

MORE PREDICTIONS. Tulad ng mga ginagawa ng ibang fortune teller kapag matatapos ang taon, nagbigay din ng prediksyon si Bro. Mhon sa mga posibleng maging balita sa showbiz sa susunod na taon.

Sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre, nakikita raw ni Bro. Mhon na muling hahakot sa takilya ang pelikula ni Senator Bong na Ang Panday 2.

Rason niya, "Kasi itong Revilla story sa family nila dagdag ito sa popularity, e, kahit sabihing tragic ang nangyari."

Isa rin sa madalas inaabangan ng publiko ay kung sino ang mabubuntis, at sabi ni Bro. Mhon, ""Meron akong initials na nakikita na C at saka R."

Marami din raw na magaganap na hiwalayan sa showbiz sa susunod na taon.

Sabi ni Bro. Mhon, "There will be so many separations from famous showbiz couples. May action star. Dalawang young stars. At marami pa."

May nakikita ba siyang papanaw sa 2012?

"Meron po. Merong isang veteran director na mamamatay at malalagay sa mga pahayagan. Yung isa naman, aspiring director," sagot ni Bro. Mhon.

WHO IS BRO. MHON? Bata pa ay kinakitaan na raw si Bro. Mhon ng kakayahang magsabi ng mga bagay na mangyayari pa lamang sa hinaharap.

Nahasa nang husto ang kanyang kakayahan noong panahong nagmamaneho siya ng taksi.

Nakatuwaan niyang hulaan ang kanyang mga pasahero na bumilib naman sa kanyang mga sinasabi.

Hindi iilan ang nagsabi na darating ang araw na magiging isa siyang mahusay na psychic.

Waring patotoo rito ay nang i-endorso siya ng yumaong si Jojo Acuin, ang tinaguriang Nostradamus ng Asya. Kaya nang pumanaw si Jojo, tila si Bro. Mhon ang naging successor nito.

Paglilinaw naman ni Bro. Mhon tungkol sa pagtawag sa kanya ng "brother," wala raw siyang religious position sa kahit anong kongregasyon o sekta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay naging alyas sa kanya simula nang magsulat siya at magkaroon ng kolum sa isang pahayagan noon bilang manghuhula at adviser.

Ayon sa kanya, ilan sa mga nailathalang prediksyon niya na nagkatotoo ay ang mga sumusunod:

Hindi matatapos ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ang kanyang termino bilang presidente. Senador pa lamang si Erap noon nang ipahayag ni Bro. Mhon ito.

Papasok sa pulitika si Senator Panfilo "Ping" Lacson.

Papasok si Venus Raj sa top 5 sa Miss Universe.

Si Zsa Zsa Padilla na ang magiging huling babae sa buhay ni Comedy King Dolphy.

Magiging matibay ang pagsasama nina Ronnie Ricketts at Mariz, Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Magiging mayor ng Quezon City si Herbert Bautista.

Magiging speaker of the house si Sonny Belmonte.

Nahulaan din niya ang malakas na lindol sa Japan at ang tsunami na naganap.

Pero gaya ng nabanggit sa simula, ang takbo ng buhay ng tao ay hindi nangyayari dahil sa hula. In the end, Diyos lang ang nakakaalam ng mga bagay-bagay, at tao lang ang gagawa ng diskarte sa kanyang bukay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN