Rhian Ramos denies dating Frank Magalona; says she is now on speaking terms with Marian Rivera

IMAGE 0


Rhian Ramos on rumors she's going out with Frank Magalona: "Hindi, e. Ayokong ma-link sa friend. Parang nagiging awkward tuloy. Alam mo yun?" "Hindi naman kami nag-away para magkaayos, e. Parang siguro... siguro sinabi niya yun kasi first time niya kaming makitang nag-uusap," says Rhian Ramos when Senator Bong Revilla saw her talking to Marian Rivera on the set of Panday 2.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian Ramos bago ang live airing ng Manny Many Prizes noong Sabado, October 8, sa SM Mall of Asia.

Nakatakdang umalis noong gabing 'yon si Manny Pacquiao pagkatapos ng kanilang show para ituloy ang kanyang training sa States bago ang laban nila ni Juan Manuel Marquez sa November 12.

Ayon kay Rhian, balak din niyang manood nang live sa nabanggit na laban ng kanilang "Ninong Manny" (tawag kay Manny Pacquiao sa kanilang show).

"Ako, inaayos ko pa yung schedule ko para makasama.

"Pero yung lahat ng mga hosts [ng Manny Many Prizes], talagang lahat kami inaayos namin yung mga schedule namin para makasama."

DATING FRANK M.? Sunod na tanong ay kung okay na ba si Rhian at si Frank Magalona.

"Anong okay na?" balik-tanong ni Rhian.

Kung sila na raw ba ng nakatatandang kapatid ni Maxene Magalona?

"Nabasa ko yun. Nakakainis, ha. Friend ko siya," paliwanag uli ng aktres.

"Hindi, e. Ayokong ma-link sa friend.

"Parang nagiging awkward tuloy. Alam mo yun?"

Pero, lumalabas ba sila ni Frank?

"Oo, pero marami kami. Never ko siyang nakasama na kami lang naman."

Tinanong namin kung ano sakali ang chances ni Frank sa kanya from a scale of 1 to 10—10 being the highest chance.

"As a person?" tanong naman uli ni Rhian kung ibabase niya ang sagot sa pagiging kaibigan si Frank.

"As a person, seven [ang rating niya].

"I mean, hindi naman siya siguro magiging friend ko kung hindi siya okay na tao, di ba?

"So mataas ang score niya."

FORGETTING MO TWISTER? Naka-move on na ba siya from her breakup with Mo Twister?

"Siguro naman. Tagal na, e," nakangiti niyang tugon.

Pwedeng sabihing friends na sila ng TV host?

"Uhm, hindi ko alam."

May chance ba na maging friends sila uli ni Mo?

"Oo, may chance naman. Oo naman," pag-assure niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May regrets ba siya sa mga nangyari sa kanila ni Mo?

"Uhm, well ano, e... kasi ako, wala naman kasi talaga akong regrets sa buong buhay ko, e.

"I mean, I'm sure at that time, marami nang nangyari sa 'kin na, at that time [after the relationship], malungkot ako.

"Or, ang feeling ko, 'Bakit ba 'to nangyari?'

"Pero ano, parang when it all passes naman, hindi siya nagiging regret. Kasi, things get better.

"Alam mo yun? Parang lahat ng mga nangyayari, laging may magandang dahilan."

Ano ang lesson na natutunan niya sa mga nangyari?

"Hindi ko alam. Kasi, hindi ko naman masasabi na lahat ng tao, uhm... maku-compare ko sa kanya [Mo Twister].

"So, hindi ko pwedeng sabihing i-treat ang ibang tao, base sa kung ano yung nakuha ko sa ibang mga tao.

"Alam mo yun? Parang hindi ko alam kung magagamit ko ang learnings ko, galing sa ibang tao, tapos magagamit ko pa yun sa ibang tao.

"Parang ano, e... hindi ko maku-compare, e. Lahat ng tao magkaiba, e."

Pero napatawad na niya si Mo?

"Oo," walang gatol niyang sagot.

Is she dating again?

"Right now, ahhh... I don't know. Okay lang.

"I'm just more on ano, e... more on, mas importante sa 'kin ngayon yung friendship.

"Kasi, it's been a long time na hindi ko nakasama yung mga friends ko.

"So, parang, uhm, mas importante siya na do'n ko nilalagay yung energy ko.

"Kasi, parang ano, e, yung friends kasi, kahit anong mangyari, nando'n sila para sa 'yo.

"Siguro, kung may lesson akong na-learn is that I don't want to ano, uhm... tawag dito? I don't want to overlook my friends.

"'Coz they're really important. Friends and family are so important.

"So, parang, if there's any relationship na I'm working on in my life, it's friendship. Friendship talaga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY FOR PJ VALERIO? Balitang maganda raw ang buhay ng napabalitang naging boyfriend niyang si PJ Valerio sa pagtatrabaho nito sa Hong Kong Disneyland bilang performer. (CLICK HERE to read related article.)

"Okay lang, pero hindi ko siya [naging] boyfriend, e," mabilis na sagot ni Rhian.

"Bakit sabi niya naging kayo?" sagot naman ng kasamahang writer.

"Sabi nino?" sagot uli ni Rhian.

"Siya [PJ Valerio]," sagot uli ng kasama naming writer.

"Sabi niya? Pwede kong ano..." naputol na sagot ng aktres.

So, hindi sila naging mag-on ni PJ?

"Hindi," mariing sagot uli ni Rhian.

"Hindi ko alam kung may nararamdaman ako para do'n," sabi niya tungkol sa tagumpay ni PJ sa abroad.

"Kung kaibigan ko, happy ako. Hindi. Hindi ko siya close, e.

"Parang sinabi mo lang kung sino yung pumunta [sa Hong Kong].

"Ewan ko. Acquaintance siguro [ko siyang maituturing]."

OKAY NOW WITH MARIAN. Sa isang banda, masayang ibinalita raw ni Senator Bong Revilla na magkaayos na sila ni Marian Rivera.

Magkasama kasi ang dalawang mestisang aktres sa Panday 2 kung saan bida naman si Bong.

Pero paglilinaw ni Rhian, "Hindi naman kami nag-away para magkaayos, e. Parang siguro... siguro sinabi niya yun kasi first time niya kaming makitang nag-uusap.

"Kasi never kaming nagtrabaho before [ni Marian] kaya paano ko siya makakausap, 'di ba?"

Ayon pa daw kay Bong, nagboluntaryo raw itong pagbatiin sila ni Marian para magsilbi siyang tulay sa muling pag-uusap nila.

Pero, sabi raw ni Marian ay 'di na kailangan at siya na mismo ang makikipag-usap kay Rhian.

"That's nice, pero wala namang need para sa tulay kasi wala namang naging problema. So, that's nice," giit ni Rhian.

Ang alam ni Rhian na pinag-ugatan ng pagkakaroon nila ng gap ng Amaya star noon ay ang mga intriga sa kanila noong makatambal niya ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes sa Stairway To Heaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, naintriga kami nang sobrang dami, e. Tsaka sobrang tagal.

"Siguro mga one year kaming naintriga kaya parang ano... parang big deal na makita kami na nasa iisang project na Panday.

"Kasi yung eksena namin together, e, kami ni Marian."

So, pwede na rin silang magkasama talaga ni Marian sa iisang project?

"Oo naman," sagot ni Rhian.

"Wala naman akong problema kay Marian. At hopefully, wala rin siyang problema sa akin."

Ayon pa kay Rhian, wala raw dapat ikabahala si Marian dahil wala naman siyang balak agawin si Dingdong.

"Hindi. I mean, wala naman akong balak.

"Importante sa 'kin na binigay ni Marian yung trust niya sa 'kin para makatrabaho si Dingdong.

"So, parang hindi ako gagawa ng kahit na ano para mawala yun [trust]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN