Maxene Magalona says there is no rivalry between the Magalonas and other showbiz clans

IMAGE 0


"Kasi, sana respetuhin na lang yung tatay ko. And for me, ayoko namang isipin yun. Kasi una sa lahat, meron ba? Wala naman. Hindi naman natin ever sigurado kung meron ba talaga. And if meron man, e, di bahala na," says Maxene Magalona about rumored sibling fathered by her dad outside their family.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene Magalona, at ikinuwento nito ang tungkol sa role niya bilang si Andrea sa bagong afternoon series ng GMA7, ang Pahiram ng Isang Ina under the direction of Joel Lamangan.

"Mabait ako dito. Pinsan ako ni Ate Carmina [Villarroel bilang Emily]," panimula niyang kuwento.

"Tapos na-train niya ako para maging right-hand assistant niya sa business [and] tapos sa buhay niya.

"Kasi ano ako, e, parang wala rin akong parang kinikilalang pamilya kundi siya.

"So, kami yung parang naging team na i-handle yung business niya pati sa personal life, sa bahay. Ganyan.

"Kaming dalawa yung magkasama," kuwento ni Maxene.

Galing siya sa Trudis Liit na mabait ang character niya. Mabait din ang role niya sa My Lover My Wife.

Ano ang kaibahan dito sa Pahiram ng Isang Ina?

"Well, yung sa Trudis Liit, ako yung nag-alaga kay Trudis [Jillian Ward]. Sa My Lover My Wife mabait ako dun na api-api ako.

"Dito naman, mabait ako, pero palaban din. Kasi kailangan kong pangalagaan yung business ni Ate Carmina. Siyempre, laban dun sa mga taong sumasamantala sa kanya.

"Like si Antonio [Aquitania bilang si Johnny], tapos si Bubbles [Paraiso bilang si Eloisa]. 'Yang mga masasama [ang kalaban ko].

"Kami yung magkakampi against them. Pero kami ni Ate Carmina, mero'n din kaming mga conflict.

"Kasi ayaw niya kay Marco [Alcaraz bilang si Ryan] para sa akin dito sa show na to."

Bida rin sa series na airing na sa August 15 sa Dramarama sa Hapon ang tween stars na sina Bea Binene at Jhake Vargas.

Kasama rin sina Martin delos Santos, Rita Iringan, Mike Magat, Tony Mabesa, Jim Pebangco, at Shyr Valdez.

BYE NADINE. Kaibigan ni Maxene ang My Lover My Wife co-star niyang si Nadine Samonte na lumipat na sa TV5.

Ayon kay Maxene, "Actually, napag-usapan na namin [sa taping ng MLMW] 'yan. Parang she's been thinking about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganito, ganyan, and ang sabi ko sa kanya, 'Whatever your heart wants, kung ano ang gusto mong gawin.'

"Ang pagkakaibigan naman, nandiyan 'yan forever Kahit na saang lupalop pa siya pumunta.

"Like kami ni Angel Locsin, magkaibigan na kami dati, GMA pa siya.

"Biglang nung lumipat siya ng ABS [CBN]. Na-keep pa rin namin yung friendship namin. So, ayun, kaya naman, e."

May communication pa rin sila ni Nadine?

"Oo! Actually kaka-text lang niya sa akin kanina. Ayun, marami namang paraan para mag-communicate ngayon.

"May Twitter na, Facebook, lahat-lahat. So, madali talaga. Madaling mag-keep in touch."

Si Maxene, nakikita ba niya ang sarili niya na lilipat siya ng istasyon?

"I'm still under contract with GMA and I'm very, very much happy with sa Kapuso network.

"Pero siyempre, I can never say kung anuman yung dumating in the future.

"Matagal-tagal pa ang contract ko sa GMA. Five years pa ako, so until 2016.

"At saka bata pa ako GMA [artist] na ako, e ."

Tila nga yata teritoryo na nilang magkakapatid ang GMA-7. Talents ng Kapuso network, bukod kay Maxene, ang mga kapatid niyang sina Frank, Saab, Arkin, si Elmo.

"Hindi namin masasabing teritoryo namin. But ang masasabi namin, para naming bahay. Para naming tirahan.

"Pero hindi namin sinasabing kailangan na parang hawak namin ang GMA. Hindi ganun.

"It's more of dahil magkakapatid kami and we choose to stay in the same network.

"Lahat kami, para mas okay din. Para may chance na magkatrabaho kami. Mas masaya."

FAMILY FEUD? Marami sa showbiz na ang mga anak ng mga artista ay nag-aartista rin. Tulad ng Magalonas, Padillas, Gutierrezes, among others. Wala bang kumpetisyon among them?

"Wala! Lalo na, alam ninyo namang lahat best friends kami nina Raymond [Gutierrez], nina Richard [Gutierrez].

"So, kami, what we like is we really talk about the fact na parang parehong-pareho yung pamilya namin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na, you know, we all grew up in the showbiz industry.

"Na pinalaki kami na nandiyan na yung mga magulang namin sa industriya.

"So, alam na namin, parang kumbaga, for us, it's already parang birthright na namin yun na, 'Ay, ito na pala yun!'

"So, pag nagkakasama kami, we all get along because we all can relate to each other.

"Na parang, 'O, kayo kumusta?' Ganito, ganyan. Na parang ang dami naming napag-uusapan na, 'Oo, nung bata pa lang ako ganito na.'

"Na parang hindi ko maintindihan. 'Bakit pinagkakaguluhan ang magulang ko?' Ganito, ganyan.

"Yung we have a lot of things to talk about, that's why we get along and walang rivalry. Kasi, alam naman namin na we offer so many different things.

"Like si Richard is an action star. Si Raymond is a host, and then si Frank is more of nagda-drama siya sa Blusang Itim.

"And ako leading lady, si Elmo rapper, si Saab kontrabida. So, iba-iba naman.

"Si Kylie [Padilla] naman, gandang-ganda ako sa batang yun. Gandang-gandang-ganda ako sa kanya.

"I really like her face. And I really like it na nagtulungan sila ni Frank sa show [Blusang Itim]. Na talagang they really brought out the best in each other.

"So, for me, walang rivalry kasi tulung-tulungan lang naman tayo dito, e.

"And back in the days nung mga magulang natin ang magkakasama wala rin naman silang rivalry.

"So, bakit kailangan nating magkaroon ng rivalry [ngayon], di ba?

"Kailangan nga matuwa pa tayo na we were blessed with this kind of opportunity. Na pinanganak tayo sa showbiz family.

"Not everyone has the opportunity to be named after big-named celebrities.

"So for us, we don't see anything as rivalry. We see it as a blessing talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN