LJ Reyes on Paulo Avelino's rumored transfer to ABS-CBN: "Tinutulungan ko lang siyang mag-isip. Yung pros and cons."

IMAGE 0


"Gusto ko, magde-decide siya on his own. Ayokong ma-influence ng galing sa akin. Kasi kung galing sa ibang tao, hindi ganoon kalaki ang influence," says LJ Reyes about Paulo Avelino's reported transfer to ABS-CBN.


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ Reyes sa napapabalitang diumano'y lilipat na ang boyfriend niyang si Paulo Avelino sa ABS-CBN.

Parehong produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina LJ at Paulo; si LJ noong Season 2 at si Paulo noong Season 4.

Napag-uusapan ba nila ito ni Paolo at ano ang advice na ibinibigay niya sa kasintahan?

"Ay, parang hindi yata ako puwedeng magsalita tungkol diyan!" bulalas ni LJ.

"Siyempre, hindi naman ako kasali dun sa isyu nila.

"Siya na lang ang tanungin niyo at saka yung manager niya. Si Tito Leo [Dominguez], yung manager na lang niya.

"Kapag tatanungin ako, yun talaga ang isasagot ko."

Personally, bilang partner ni Paulo, siguradong tinatanong siya nito o hinihingan ng advice.

Pero ayon kay LJ, "Oo, pero hindi ako nagsasalita sa kanya kung ano ang preference ko kasi mai-influence ang decision.

"Tinutulungan ko lang siyang mag-isip. Yung pros and cons.

"Kapag dito ganyan, kapag doon, ganyan.

"Pero wala ako ng, kung ako, dito ako. Walang ganoon.

"Kasi, ayokong ma-influence ang desisyon niya.

"Gusto ko, magde-decide siya on his own. Ayokong ma-influence ng galing sa akin.

"Kasi kung galing sa ibang tao, hindi ganoon kalaki ang influence.

"Kasi kapag sinabi ko, baka hindi na mag-decide yung tao.

"Baka sundin na lang kung ano ang sinabi ko."

NEW PPL TALENT. Bilang isa sa bagong talents ng PPL Entertainment, kumusta naman siya?

"Iba talaga. Alaga ka," sabi ng dating Artist Center talent.

"Yung communication, para kayong friends, para kayong mag-ina.

"Puwede mong sabihin kahit anong gusto mo. Kung may mali sa 'yo, sasabihan ka.

"Yung concerns nila, yung well-being mo. Hindi lang para sa career mo.

"Pero ikaw mismo na tao, kahit sa private life mo, tutulungan ka nila. Family talaga."

Natutuwa rin daw siya sa ginanap na pictorial nila dahil naging sort of bonding na rin daw nilang lahat na 14 artists ni Perry Lansigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, kaya lahat kami mag-i-stay hanggang mamaya. Ang tawag nga namin family bonding," sabi ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN