Toni Gonzaga on her dream wedding: "Basta yung dream man ko yung papakasalan ko, dream wedding ko na 'yan"

IMAGE 0


Very candid si Toni Gonzaga sa pagsagot na handa siyang aminin sa publiko kung sakaling dumating ang panahon na yayain siyang magpakasal ng boyfriend na si Paul Soriano. Ani Toni, "Rest assured, hindi naman ako magdedeny or magtatago if ever that day happens or that day will come."


Balik sa paggawa ng romantic comedy film ang tinaguriang "Rom-com" Queen ng kanyang henerasyon na si Toni Gonzaga.

Matapos ang successful movie na My Amnesia Girl (2010), kung saan katamabal niya si John Lloyd Cruz, muling magpapakitang gilas si Toni sa Wedding Tayo, Wedding Hindi ng Star Cinema na mapapanood na ngayon August 31.

Kasama niya rito sina Eugene Domingo, Wendell Ramos at Zanjoe Marudo.

Last week, sa ginanap na Tupperware Link Up party ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni, na kitang-kita ang excitement sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang pelikula.

"Ay, naku po, nakaka-excite. Excited na kaming lahat, kami nila ate Uge [Eugene Domingo]...kaya sana makabisita po kayo sa mga sinehan at muli po nating suportahan ang pelikulang Pilipino."

May nararamdaman bang pressure si Toni dahil sa naging success ng My Amnesia Girl kung saan itinanghal sila ni John Lloyd bilang Box Office King and Queen ng SM Cinemas? (CLICK HERE to read related story)

"Siyempre, pinagdadasal natin na sana tangkilikin siya ng mga tao katulad ng pagtangkilik nila sa nakaraan nating pelikula.

"E, nasa kanila naman yun, e. Pag nag-showing na yung pelikula, tingnan natin kung ano ang maging resulta," ani Toni na umaasang makamit din ng bago niyang pelikula ang tinamong tagumpay ng My Amnesia Girl.

GETTING MARRIED. Makailang ulit na ring gumagawa si Toni ng pelikulang may temang kasalan. Kabilang na rito ang Wedding Tayo, Wedding Hindi.

Hindi pa ba nadadala si Toni sa dami ng ginawa niyang bridal roles at nakakaisip na lumagay na rin sa tahimik tulad ng mga ginagampanan niyang karakter?

"Hindi pa naman," sagot ng dalagang aktres/TV host/singer.

"Matagal pa yan sa plano. Marami pa tayong obligasyon saka mga responsibilidad na kailangan tapusin.

"Hindi pa pasok sa kontrata ko 'yang wedding," biro pa niya.

"Hindi kakayanin ng kontrata ko 'yang wedding, so work muna tayo sa ngayon, enjoying the opportunities and breaks na dumarating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos apat na taon na rin silang steady ng director na si Paul Soriano. Sa tingin ba ni Toni ay siya na ang the one?

"Ako, I'd like to believe in my heart that yes [si Paul na].

"Pero hindi naman natin hawak ang future. Hindi natin hawak ang kinabukasan at ang mga mangyayari, so, tingnan na lang natin.

"Mahirap magsalita ng tapos pero siyempre, sa puso ko, ang pangarap ko, e, yun na para okay na lahat."

Kailan naman kaya darating ang tamang oras para magpakasal na sila ng kanyang boyfriend?

"Siguro pag nag-propose siya, yun na siguro yung oras. Pero sa ngayon, wala pa akong alam, e.

"Kasi ang babae naman wala naman talaga sa kanya yung desisiyon. Nasa lalake yun kung gusto na niyang magpakasal.

"E, sa ngayon, wala pa siguro sa isip ni Paul yun kasi marami pa rin siyang trabaho at ako rin naman.

"So, sa ngayon ay sinusuportahan namin yung isa't isa sa pangarap namin dito sa industriya."

Kung sakaling sorpresahin siya ni Paul ng wedding proposal, tatanggapin ba niya ito?

"Ay, magkakagulatan talaga kami! Kaloka!" bulalas ni Toni.

"Magkakagulatan kami niyan dahil ang alam ko'y hindi pa rin siya handa sa mga ganyang bagay.

"Alam ko iba pa rin yung mga priorities niya. Pero rest assured, hindi naman ako magdedeny or magtatago if ever that day happens or that day will come.

"Kasi sa ngayon, wala pa naman akong singsing so there's no reason for me to hide anything."

Kung sakali naman, ano ba ang dream wedding ni Toni?

"Ay naku, may maganda na kong sagot diyan—basta yung dream man ko yung papaskasalan ko, dream wedding ko na yan," ang maikli ngunit malaman niyang sagot.

SAM MILBY. Ipinaabot din namin kay Toni ang tanong ng ilang PEPsters na pinadala through PEP's official Facebook page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ng PEPsters:

"Magkakaroon ba ulit ng movie project si Toni with Sam Milby?"

Ang sagot ni Toni:

"Sa ngayon, siyempre, wala naman sa amin 'yang desisyon na 'yan. Nasa management yan. So, tingnan na lang natin.

"Wala pa kong naririning sa ngayon. Alam ko, iba pa yung mga naka-lineup so tingnan natin in the future."

Pero open pa rin ba si Toni na makatambal si Sam?

"Oo naman. I'm always open to working with anybody in the business."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN