Toni Gonzaga says boyfriend Paul Soriano gives her no reason to doubt him: "Secure na secure, haba ng hair ko hanggang EDSA!"

IMAGE 0


"Saka hindi naman ako kilala na nagti-teleserye. Isa lang yun sa mga bagay na optional, na puwede mong gawin na kung hindi naman, puwedeng hindi naman," says Toni Gonzaga about doing teleseryes.


Ang bagong season ng Pinoy Big Brother ang posibleng maging susunod na project ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN.

Pag nagkataon, tatlo na ang live shows ni Toni sa home network niya.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Toni sa weekly showbiz talk show na The Buzz at sa daily noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Malabo nga talagang magkaroon ng teleserye si Toni para maipakita naman niya ang kakayahan niyang umarte sa telebisyon.

"Sa ngayon kasi, walang time," sabi ni Toni nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hindi siya gumagawa ng teleserye.

"Kasi puro live show ang mga projects ko ngayon. Tapos nga, magpi-PBB pa. Mahirap, e, wala pang time."

Malamang daw sa susunod na taon ay ikunsidera niyang gumawa ng teleserye, pero hindi niya ito priority.

"Saka hindi naman ako kilala na nagti-teleserye," sabi ni Toni.

"Isa lang yun sa mga bagay na optional, na puwede mong gawin na kung hindi naman, puwedeng hindi naman."

Aminado si Toni na mas gusto niyang lumabas sa pelikula kaysa sa teleserye.

"Kasi mas ano yun, e, pang-matagalan. Saka iba ang pakiramdam.

"Kasi alam mong mas ginagawa mo or pinagbubutihan mo. Big screen kasi, e," paliwanag niya.

Ayaw niya bang makipagsabayan sa mga drama actress? Kilala kasi siya sa light drama-romance-comedy na genre.

"E, marami na tayong magagaling na kilala doon," sagot ni Toni.

"Siguro next time na lang tayo pag may chance.

"Sa ngayon, doon muna ako sa alam kong kaya kong gawin.

"Darating rin tayo doon."

Umiiwas ba siya talaga sa drama?

"Hindi naman," sabi niya.

"It takes a lot of maturity to portray roles.

"Siguro eventually, in time. Marami pa akong kakaining bigas para sa mga ganyan."

WEDDING TAYO, WEDDING HINDI. Pinagtatakhan ang pagkakaudlot ng pagsasama nina Toni at Piolo Pascual sa isang project. At sa halip ay si Zanjoe Marudo ang nakasama niya sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang nangyari dito?

"Alam mo yung sa amin [ni Piolo], base sa huling pa-uusap, next year na lang ata. So, tingnan natin," sabi ni Toni.

"Yung mauuna, Wedding Tayo, Wedding Hindi. Kami ni Ate Uge [Eugene Domingo].

"Parang break lang siya from sa mga klase ng pelikulang ginagawa ko."

Natatawa si Toni kung bakit may intrigang nagkakasapawan sila ni Eugene sa kani-kanilang mga eksena, lalo na sa comedy.

"Naku, nagkasama na kami ni Ate Uge sa You're The One [2006]," banggit niya.

"Yung unang-unang pelikula na magkasama kami ni Sam [Milby], siya ang kasama ko."

"Wala naman... kaibigan ko si Ate Uge. Masyado namang... nagkakasapawan kami?

"Hindi naman gano'ng artista si Ate Uge. Hindi rin naman ako gano'n.

"Hindi naman maganda yung gano'n. Kasi pag nagsapawan kami, makikita naman sa big screen yun."

Dagdag pa niya, "Maganda yung working relationship namin ni Ate Uge, maganda yung partnership naming dalawa. Kasi give and take naman kaming dalawa."

PAUL SORIANO. Nausisa rin ng PEP kay Toni ang tungkol sa partnership nila ng boyfriend niyang director na si Paul Soriano.

"Going strong pa rin naman. Four years na kami, going five," pagbabalita niya.

Aabot ba ito ng 10 years bago sila mag-settle down?

"Mga 11 years!" birong bulalas ni Toni.

Na-link sa isa't isa si Direk Paul at si Maja Salvador habang sinu-shoot nila ang pelikulang Thelma, na pinagbibidahan ng young actress.

Nakangiting sinabi ni Toni na aware siya sa isyu.

"Oo naman. Ako pa nga ang nag-predict no'n," sabi niya.

"'Bago pa mag-showing 'yang pelikulang 'yan, for sure, mali-link kayong dalawa,' sabi ko sa kanya.

"No'ng na-link na siya, 'O, di ba? Anong sabi ko, welcome to show business!'"

Hindi ba napikon si Direk Paul sa isyu?

"Hindi," sagot ni Toni. "Kung pikon yun, matagal na kaming hindi magkasama ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano naman 'yan si Paul, very understanding.

"I guess, it takes a lot of maturity sa isang lalake para matanggap at maintindihan niya ang mga ganitong bagay."

Wala raw tension sa kanila ni Maja kahit nagkikita pa sila nito.

"Wala kaming problema ni Maja. Nakakaloka nga ginagawan ng isyu. Parang kapatid ko si Maja," diin ni Toni.

May mga nagsasabing halos magkaparehas ang isyu nina Maja at Toni sa isyu noon nina Angelica Panganiban at Erich Gonzales; ito'y dahil sa boyfriend ni Angelica una na si Derek Ramsay na na-link kay Erich.

Pero ayon kay Toni, wala silang problema ni Maja.

"Wala... Hindi ako binibigyan ng rason ni Paul para magduda sa kanya.

"Secure na secure, haba ng hair ko hanggang EDSA!" proud niyang sambit.

JOHN-RACHELLE BREAKUP. Samantala, nagsalita na rin si Rachelle Ann Go at sinabi nitong wala siyang alam nang pumutok ang balitang break na sila ni John Prats noon. Nauna pa raw itong naibalita kaysa sa magkaroon sila ng opisyal na hiwalayan ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang nanggaling kay Toni ang kumpirmasyong "break na" sina John at Rachelle sa isang episode ng The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

Mabilis namang nag-react si Toni nang tanungin ng PEP tungkol dito.

"Naku po, nag-move na ako diyan!" bulalas niya.

"Mag-move on na tayong lahat. Nag-move on na rin ang both parties.

"Nag-move on na rin ako, huwag na nating balikan pa ang mga bagay-bagay."

Hindi naniniwala si Toni na may dapat silang pag-usapan ni Rachelle.

"Siguro, I think wala na akong dapat pang sabihin sa mga nakaraan na isyu.

"Kasi magku-comment ka, lalo pang lalaki.

"Huwag na, hayaan na natin, mag-move on na tayong lahat," saad niya.

May mga natutunan naman daw si Toni, pero ayaw niyang tanggapin ang sinasabi ng ibang masyado siyang pakialamera at intrigera kaya may mga nasasagasaan din siya sa kanyang pagiging showbiz insider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano'n?" reaksiyon niya muna bago nagsalita pa uli.

"I think, in this business, marami ka namang natututunan, e.

"And what is important is if you know the truth and you stick to your principles.

"Yun na, wala na akong kailangan pang pag-usapan," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN