FIRST READ ON PEP: "Ako pa rin po si Nora Aunor, minsan nagluluka-lukahan. Pero nagbago na po ako ngayon."—Nora Aunor

IMAGE 0


Nora Aunor faces the local entertainment press for the first time since her return earlier today, August 2, at the Boracay Ballroom of Edsa Shangri-La Hotel in Mandaluyong City.


"Hindi pa rin po ako nagbabago."

Ito ang mga binitawang salita ni Nora Aunor sa kanyang presscon na kasalukuyang nagaganap ngayon, August 2, sa EDSA Shangri-La Hotel.

Kaninang alas-tres ng madaling-araw dumating ang Superstar, lulan ng PAL (Philippine Airlines) flight PR 103.

Mula sa airport, dumiretso ito sa venue, nagpahinga nang konti, saka hinarap ang media at press.

"Kung ano ako dati, ganun pa rin. Wala pa rin pong nagbabago," ang dagdag pa ni Ate Guy.

Nasa isang milyon daw ang talent fee ng Superstar per taping day sa kanyang upcoming mini-series with TV5?

Nangiti siya sabay sabing, "Huwag na nating anuhin 'yan. Ang importante, matapos ang trabaho at magawa nang maayos."

Bago pa man ito tanungin tungkol sa mga isyung kinasangkutan niya, nagpauna na ng salita ang comebacking actress na, "Sana ang pag-usapan natin, yung sa TV5."

Aniya pa, "Maraming pong balitang lumabas. May mga totoo, merong hindi. Pero dati na po iyon." At pinili niyang huwag magdetalye tungkol sa mga ito.

May pag-asa kayang magkatrabaho sila ng rival friend niyang si Vilma Santos?

"Bakit hindi?" ang mabilis na sagot ng Superstar.

Masaya ang karamihan sa editors at reporters sa pagdating ni Nora. Sa katunayan, nag-iyakan ang ilan nang pumasok ito sa room.

Bakas din ang pagkagalak sa mukha ng aktres na nawala sa bansa ng halos walong taon.

At ang paniguro niya, mas okay na siya ngayon.

"Ako pa rin po si Nora Aunor, minsan nagluluka-lukahan. Pero nagbago na po ako ngayon," ang makahulugan niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN